Dalawang araw na simula nung huli kong makita si Nathan. Sabi nila hindi daw umuwi ito simula nung araw na umalis siya, yung araw na kumain kami ng sabay.
Ano ba ang pinagkakaabalahan niya?
Nacu-curious na talaga ako sa kanya at sa mga ginagawa niya. Kung ordinaryong business lang yun, bakit may involve na mga baril? Tapos nakakatakot pa sila. Parang isang maling galaw lang ay lagot kana.
"Miss, may problema po ba kayo?"
Umiling ako.
"Eh bakit po ang lungkot ninyo?"
Ang daldal talaga nina Sanny. Napabuntong-hininga ako ng malalim bago sumagot.
"Iniisip ko lang kung bakit hindi ako pwedeng lumabas? Ano bang tinatago nila na hindi ko pwedeng makita o malaman?" Gulong-gulo na kasi ako dahil sa mga napapansin ko nitong nakaraang mga araw.
"Kung ako sa inyo, miss, huwag niyo pong isipin iyan dahil nilalagay niyo lang sa kapahamakan ang sarili ninyo."
Kung sana sinabi na sakin ni Nathan ang lahat nung isang araw ay sana hindi na ako naguguluhan ngayon.
Nakahiga ako ng padapa sa kama nung bumukas ang pinto kaya napatingin ako agad sa pinto.
Mabilis akong bumangon at ngumiti saka sinabing, "Nathan!"
Akala ko siya pero mali pala ako. Hindi si Nathan kundi isa sa mga guards niya. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko.
"May kailangan kaba?" Disappointed na tanong ko.
"Nandito po ako dahil inutusan ako ni boss na puntahan kayo at sabihing pinapapunta niya kayo ngayon din sa basement."
"Sa basement?"
Tumango siya kaya tumayo na ako. Sinundan ko ang lalaki palabas ng kwarto ko. Meron din palang mga guards dito sa labas na naghihintay samin. Nakasunod sila sa likod ko habang sina Sanny at Gloria ay naiwan sa loob ng kwarto ko at maglilinis pa daw sila doon.
Naiwan sila sa labas habang ako naglakad papasok nung bumukas ang sliding door. Ito yung lugar na pinagdalhan nila sa akin noon. Anong gagawin ko dito?
Inikot ko ng tingin ang paligid at tama nga ako, ito nga yung lugar na yun. May mga baril paring naka-display dito.
"Don't be amazed."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at alam ko kung sino ang may-ari ng boses na yun kaya napangiti ako sa tuwa nung nakita ko siya at nakatingin din siya sakin.
"Nathan!"
Masaya ako at nakita ko siya ulit after ng ilang araw na wala siya.
"Stay right there,"matigas na sabi nito kaya hindi natuloy ang paglapit ko sa kanya.
Nawala ang ngiti ko dahil ang seryoso ng boses niya. "I'll give you your first task," sabi niya saka niya sinenyasan ang lalaki sa gilid at agad naman iyong lumapit sakin saka inabot ang isang blue pouch bag na hindi medyo kalakihan. Nagtaka ako kung para saan ito.
"Open it."
Nakakunot-noo ko siyang tiningnan. Hindi siya nagsalita ngunit alam kong hinihintay nito na gawin ko ang inutos niya sakin.
Binuksan ko ang bag na binigay nila at nagulat ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin dito.
"Do you know how to use a gun?"
Napatingin ako sa kanya na nakanganga parin. D-Does he want me to use a gun?? Napalunok ako sa kaba. Baril lang naman kasi ang laman ng bag.
"I'm asking you woman!!" Natauhan ako sa sinabi niya kaya mabilis akong napailing.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
