Chapter 32: Eavesdrop

26.3K 666 10
                                        


Nina's POV

"Oh Tyron! Tagal kitang hindi nakita ah? Kamusta kana?"

Kalalabas ko lang ng kwarto ko at agad kong nakita si Tyron na umaakyat ng hagdan kaya sinalubong ko siya.

"Mabuti naman. May pinatrabaho kasi sa akin si boss. Ikaw, Nina, kamusta?"

"Okay naman ako. Salamat sa pagtanong. Hmm... Pupunta kaba kay Nathan?"

"Oo eh. May kailangan kasi akong ibigay sa kanya. Nasa kwarto ba siya?"

Napatango ako.

"Oo. Gusto mo katukin ko siya?"

Alam ko naman kasing bawal pumasok sa kwarto ni Nathan pag hindi niya pinapatawag. Kahit ang mga katulong ay minsan lang naglilinis doon sa kwarto niya. Pero feeling ko ako ang exception doon kasi nakakalabas-masok ako sa kwarto niya ng walang paalam at hindi siya nagagalit.

"Sige, pakisabi nalang sa kanya na may gusto akong sabihin sa kanya. Hihintayin ko nalang siya sa library niya."

Tumango ako at nagsimula ng maglakad papunta sa direksyon ng kwarto ni Nathan. Ilang hakbang palang ang nagawa ko nung tinawag ako ni Tyron kaya lumingon ako.

"Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin, Tyron?"

"Wala naman. Itatanong ko lang kung okay kana ba at kung meron bang kahina-hinala sa paligid mo?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Kahina-hinala? Meron. Pero hindi naman sa akin yun kundi kay Nathan. Lagi kasing may panganib sa paligid niya kaya lagi akong nagpupumilit na sumama sa kanya. Gusto ko siyang protektahan mula sa mga taong gusto manakit sa kanya lalo na yung taong kinidnap ako. Pero hindi ko pwedeng sabihin kay Tyron yun.

"Wala naman. Bakit mo natanong?"

Ngumiti siya. "Naisip ko lang. Baka kasi may gumugulo sayo kasi diba maraming gustong kumalaban sa amin."

"Ganun ba. Wala naman akong napapansin," sabi ko na hindi makatingin sa kanya.

"Okay sabi mo eh. Sige, pupunta na ako sa library at doon maghihintay kay boss," sabi niya saka naglakad na palayo.

Napapaisip ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni Nathan. Para kasing may gustong ipahiwatig sa akin si Tyron eh.

Hmm... Ano kaya yun? Masyado siyang concern sa akin at parang may alam siya na hindi ko alam.

Hala!

Hindi kaya tungkol parin sa pagkidnap sa akin ang tinutukoy niya na ilang linggo ng nangyari? May alam kaya sila tungkol sa pangbla-blackmail sa akin ng kalaban?

Hindi pwede! Hindi nila pwedeng malaman yun. Baka mas lalong mapahamak si Nathan pati ang pamilya ko.

Na-curious tuloy ako kung ano ang sasabihin ni Tyron kay Nathan. Kailangan kong malaman kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Nathan. Nakailang katok ako bago siya nagsalita.

"Who's that?"

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon