Chapter 31: Weirder

25.8K 877 28
                                        


Nina's POV

Ilang araw na simula nung na-kidnap ako nung lalaking yun na hindi ko man lang alam ang pangalan. Itsura niya lang ang naaalala ko.

Ang gulo ng isip ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na panaginip lang ang lahat ng yun pero hindi eh. Totoo ang nangyari.

Kahit labag sa loob ko, sumunod ako sa kagustuhan ng matandang yun. Kailangan ko kasing pumayag. Mga mahal ko sa buhay ang nakataya pag hindi ako sumunod. Pero malalagay naman sa panganib ang buhay ni Nathan dahil sa gagawin ko.

Kailangan kong mag-isip ng paraan. Hindi ako papayag na mangyari yun sa kanya. Bahagi na siya ng buhay ko kahit hindi maganda ang naging simula namin. Ewan ko ba pero sa puntong ito kung saan kailangan ko mamili, saka ko naintindihan ang nararamdaman ko kay Nathan. Hindi ito isang simpleng gusto lang. Mahal ko na nga talaga siya dahil takot na takot ako para sa kanya.

"Kumain na po kayo, miss," sabi sa akin ni Sanny nung kakarating ko lang sa dining.

"Si Nathan, kumain na ba?"

"Opo. Nasa taas na po siya."

Napatango ako sa kanya at nag-umpisa ng kumain.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa kaya napatingin ako sa labas ng dining room. Nakita ko si Nathan na naglalakad habang inaayos ang pagkakatupi ng long sleeve niya.

Agad akong napatayo. "Nathan!" Tawag ko sa kanya.

Agad siyang lumingon sa akin. Sobrang na gi-guilty ako kasi pag gusto niyang lumabas kaming dalawa ay tumatanggi ako. Mas gusto ko na dito lang kami sa bahay para safe kami. At lalo na, para safe siya.

"Hi. You're awake," nakangiting sabi niya habang papalapit sa akin.

"Aalis kana?"

"Yeah. I have an early meeting for the company's expansion. Why do you ask? Do you need something?"

Umiling ako. "Gusto ko kasi sanang sumama. Na bo-bored na kasi ako dito sa bahay mo."

Totoo naman yung sinabi ko na bored na ako dito pero ang pinakarason talaga ay gusto kong nasa tabi ko lang siya para mabantayan ko siya.

Napakunot ang noo niya. "Are you sure? I thought you don't want to leave the house?"

"Oo pero bored na nga ako dito. Nakakasawa din pala na lagi nalang ako dito sa bahay," sabi ko. Ngumiti ako ng pilit.

"But it's also boring in the office. There is no fun in there either."

"O-Okay lang! At least nandoon ka naman eh kaya hindi ako masyadong ma-bo-bored."

"Okay if that's what you want."

* * *

Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Kanina kasi pagkababa namin ng kotse pagdating namin sa companya, nakita ko ang isa sa mga tauhan nung kumidnap sa akin. Malakas ang kutob ko na may balak silang masama. Akala ko ako ang gusto nilang kumilos para sa kanila? Nagmamadali na ata sila dahil pumunta talaga sila dito.

Welcome to the Mafia WorldMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon