Chapter 13: The Enemy

36.4K 1.1K 115
                                        


Naalimpungatan ako at nagising dahil sa ingay na narinig ko. Dinilat ko ang mga mata ko ng dahan-dahan at bumungad sa akin ang bubong na gawa sa dahon. Agad kong naalala ang mga nangyari kagabi at naalala ko na dito pala kami sa isang kubo nakitulog at—

"Gising kana pala, hija!"

Napatingin ako bigla sa nagsalita na may malakas na boses. Nakita ko ang dalawang matanda na sa tingin ko ay mag-asawa ang mga ito. Nakangiti silang dalawa sa akin.

Agad kong tiningnan si Nathan na natutulog parin sa tabi ko dito sa isang sofa na gawa sa bamboo at nakayakap pa siya sa bewang ko para siguro hindi siya mahulog dahil ang liit nitong sofa para sa aming dalawa.

Niyugyog ko siya ng mahina para gisingin.

"Gising, Nathan."

"Hmm."

"Nathan, may mga tao," mahinang sabi ko na dahilan para mapadilat ito. Nakakunot pa ang noo niya.

"Magandang umaga sa inyo!" Nakangiting bati nila sa amin.

Agad namang napabangon si Nathan at dahil masikip itong upuan ay nahulog siya. "Aww," daing niya.

Agad din akong napabangon para tulungan siyang tumayo. Bakit kasi bumangon agad eh alam niyang hindi siya kasya sa sofa. Minsan hindi din siya nag-iisip eh.

"M-Magandang umaga din po sa inyo," may pilit na ngiting bati ko.

Nahihiya kasi ako sa kanila lalo na at nakitulog kami sa bahay nila na walang paalam.

"Pasensya na kayo dahil na-istorbo ata namin ang tulog ninyo," paumanhin ng matandang lalaki.

"Okay lang po. Kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" tanong ko.

"Kami nga."

"Nako, pasensiya na po kayo manong—"

"Mang Jonas nalang ang itawag mo sa akin, hija. Ito nga pala ang aking napakagandang may bahay, si Abel."

"Nice to meet you po. Ako nga po pala si Nina at ito naman po si Nathan," pakilala ko sa amin. Siniko ko si Nathan ng mahina. "Ngumiti ka naman at bumati," bulong ko.

"Good morning," seryosong bati niya.

Tsk. Hindi man lang nakangiti. Sana nagpapa-good shot siya para hindi kami paalisin o pagalitan dahil sa pagtira namin dito ng walang abiso nila.

"Mag-asawa ba kayo?"

Nabigla ako sa tanong ni Manang Abel. Kung umiinom siguro ako ng tubig ay baka nabuga ko na ang iniinom ko.

"We are no—"

"Ah, opo!" Agad na putol ko sa sasabihin ni Nathan. Ipapahamak niya pa ata kami eh.

"What the?"

"Sumakay ka nalang," bulong ko sa kanya.

"Tama nga ako. Ang sweet niyo kasing dalawa matulog. Parang ayaw niyo pakawalan ang isa't-isa. Ang gwapo at ang ganda din ninyong mag-asawa. Bagay na bagay kayo. Teka, bakit nga pala kayo napadpad dito sa bahay namin?"

"Yun nga po sana ang hihingan ko ng paumanhin sainyo, Manang Abel. Sorry kung hindi kami nagpaalam. Pumasok pa kami dito sa bahay ninyo at nakitulog. Pero wala po kasi kaming nakita na pwedeng matulugan saka umuulan din po kagabe kaya dito muna kami nagpalipas ng gabe."

Ngumiti siya sa amin. "Naiintindihan namin, hija. Kami nga ang dapat na pag pasensyahan ninyo dahil maliit lang itong kubo namin at isa lang ang kwarto. Pasensya na din dahil alam kong hindi kayo komportable diyan sa sofa."

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon