Prologue

68.9K 1.4K 121
                                    


Nina's POV

Kanina pa ako takbo ng takbo. Meron kasing lalaki na gusto akong pag samantalahan. Kinuha na nga niya ang mga gamit ko, pati ba naman ako ay gusto niya ding kunin.

Hingal na hingal na ako.

Napatigil muna ako sa pagtakbo at napahawak sa tuhod ko sabay hinga ng malalim. Napagod ako kakatakbo.

Ilang sandali ay may narinig akong mga hakbang na parang tumatakbo. Biglang pumintig ang dibdib ko sa kaba. Baka siya na yun yung humahabol sa akin!

Tumakbo agad ako ng mabilis kahit pagod na pagod na ako.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta ang alam ko lang ay dapat akong makalayo sa manyak na humahabol sa akin. Nakakatakot pa naman ang itsura niya.

Napansin kong nasa isang madilim na lugar na ako. Nakakatakot ang lugar at mukhang walang tao. Late na ng gabi kaya mas lalong nakakatakot dahil ang dilim at tahimik.

Pero hindi dapat yun ang isipin ko, ang mahalaga ay makatakas ako sa lalaking yun. Ayaw ko pang mamatay.

Palingon-lingon ako sa likod ko baka kasi malapit lang siya at mahuli pa niya ako. Dahil sa abala ako kakalingon sa likod ko, hindi ko napansin na nakabangga ako sa isang poste kaya natumba ako.

Ouch! Sakit ng pwet ko.

Minasahe ko ang masakit na balakang ko.

"Who are you?!"

Isang mahina ngunit nakakatakot na boses ang narinig kong nagsalita kaya dahan-dahan akong nag-angat ng ulo para makita ko kung sino ang nagsalita.

Hindi pala poste ang nabangga ko kundi isang tao pala. At hindi lang basta tao dahil ang itsura niya ay nakakatakot din.

Nakatingin siya sakin na parang kakainin niya ako ng buhay.

May narinig akong nagkasa ng baril kaya naman napalingon ako sa likod niya at napanganga ako sa nakita. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

Halos lahat na ata ng klase ng dasal na alam ko ay nasabi ko na sa isipan ko. Paano ba naman kasi, yung mga nasa harap ko lang naman ay ang madaming lalaki na nakahawak ng baril. Nakakatakot ang itsura nila at nakatingin sila ng seryoso sa akin. Lalo na itong lalaki na nasa harapan ko na parang anytime ay pwede akong patayin.

Nina, ano ba itong napasok mo?? Bakit hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo at nabagsak kapa sa harap ng mga taong ito??

Dahan-dahan akong tumayo at napa-atras dahil sa sobrang takot. Gusto ko ng umalis dito at tumakbo palayo pero paglingon ko sa likod ko ay nakita kong ang dami ding nakahawak ng baril. Tiningnan ko ang buong paligid pero parang nanghina ang tuhod ko at nanlumo ako. Napapalibutan nila ako at wala akong takas dito.

Hindi nga ako nahuli ng manyak na yun pero ang mga nakahuli sa akin ngayon ay mukhang isa lang rin lang ang pakay sa akin. Ganun parin ang kakahantungan ko. Oras ko na bang mamatay? Gusto kong maiyak.

Hindi ko pa nga alam kung nakapasa ako sa board exam ko nung isang araw at hindi pa ako nakapag-apply ng trabaho tapos mamamatay na ako ng gani-ganito na lang.

Paano na ang pamilya ko?

"Who are you?!" Galit na sigaw niya na nagpasindak sa akin.

"P-po?" Kinakabahang tanong ko.

Lumapit siya sakin at tiningnan ako ng maigi sa mga mata. Sa sobrang takot ko ay lumabas na ang mga luha mula sa mga mata ko saka pinagpawisan ako ng sobra.

"Do you want to die?!" Sigaw ng lalaking nasa harap ko.

Napapikit ako ng mga mata hindi lang dahil sa takot kundi dahil din sa laway niya na muntik ng tumalsik sa loob ng mata ko.

Ang mas kinagulat ko ay ang paghawak niya ng buong lakas sa braso ko. Sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko at ang sakit din.

"Please po paka—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinampal na niya ako ng ubod ng lakas na dahilan para mawalan ako ng balance dahil sa lakas ng sampal niya. Nanghihina na ako sa takot. Ilang sandali ay bumagsak ako sa lupa at hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Miss Kae 💋

🚫 NO PLAGIARISM 🚫

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon