Chapter 6: Concern

38.1K 1K 56
                                    


"Miss, akyat na po tayo sa kwarto niyo."

Umiling ako.

"Hindi, Sanny. Hihintayin ko muna si Nathan dito sa baba," sabi ko na puno ng pag-aalala para kay Nathan.

"Pero hindi po kayo pwedeng tumagal dito, miss. Sa kwarto lang hu kayo dapat."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Isang oras ang nakalipas magmula nung dumating ako sa bahay niya pero wala parin si Nathan. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko siya nakikitang ligtas. Marami pa namang nagbabarilan doon baka napano na siya. Gusto ko siyang hintayin at makita. Hindi ko alam kung bakit pero nag-aalala talaga ako para sa kanya. Kahit kinulong niya ako dito sa bahay niya, ewan ko bakit concern na concern ako sa kanya.

"Ito na po ang mainit na tea niyo, miss. Uminom muna kayo para kumalma kayo," sabi ni Gloria at inabot sa akin ang tea.

"Salamat, Gloria," pasalamat ko saka uminom ng konting tea.

Makalipas ang isa't kalahating oras ay wala parin akong Nathan na nakita.

"Wala parin ba sila??" Tanong ko sa mga guardya na nandito.

"Wala pa ho."

"Tawagan mo, please! Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila. Hindi kasi ako mapakali," pakiusap ko.

Mabuti nalang at nakinig siya kaya kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at may denayal siya na number.

"Hindi po nila sinasagot eh."

Ano na kaya nangyari sa kanila bakit alas dose na ng gabe eh wala parin sila?

"Pakitawagan ulit, kuya."

"Miss, baka ako ang pagalitan ni boss niyan. Ayaw pa naman nun na kinukulit at tinatanong siya."

"Basta tawagan mo ulit, kuya!"

Nakakainis naman eh. Bakit hindi sila nag-aalala sa kanya? Bakit parang ako lang? Normal ba sa kanila ang pangyayari kanina?? Kasi ako, sa buong buhay ko, ngayon ko lang nasaksihan ang ganung eksena.

Mabuti nalang at unti-unti ng huminahon ang pakiramdam ko. Kasi kanina sobrang kabado ako at halos maiyak sa kaba.

Mahigit dalawang oras na nung nakarinig ako ng mga tunog ng sasakyan sa labas. Napatayo agad ako tapos ilang segundo lang ay nakita kong pumasok si Nathan sa pinto habang inaalis ang necktie niya.

Sa sobrang tuwa ko ay tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Nathan!" Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "Buti nalang at nakauwi kang ligtas. Alam mo ba na sobrang nag-alala ako? Akala ko kung napano na kayo."

Inalis niya ang mga kamay kong nakayakap sa katawan niya at tiningnan ako ng nakakunot ang noo.

"Why are you still here? You are supposed to be in your room and asleep," walang expression ang mukha na sabi niya.

"Hindi kasi ako makatulog. Gusto muna kitang makita na nakauwing ligtas. Nag-aalala ako kasi may putukan kanina baka napano kana," sabi ko na parang naiiyak.

Nakita kong lumambot ang mukha ni Nathan habang nakatingin sa akin. First time kong makita na tumingin siya sa akin ng ganyan. Hindi ito nagsalita pero ramdam ko na hindi siya galit sa sinabi ko.

"Pero ngayon, okay na ako. Makakatulog na ako dahil alam kong ligtas kana." Kahit may luha pa ang mga mata ko ay nagawa ko paring sabihin ito sa kanya na nakangiti. Masaya kasi ako na umuwi siyang ligtas.

Tumango siya sa akin. "Go and sleep."

Pagkasabi niya nun ay tumango ako at agad na tumalikod sa kanya. Naglakad na ako paakyat habang nakasunod sina Sanny at Gloria sa likod ko. Pero napaharap ulit ako kay Nathan at hindi ko napigilang tumakbo palapit sa kanya at agad siyang niyakap. Napansin kong nanigas siya dahil sa ginawa ko pero kahit hindi niya man sinuklian ang yakap ko, okay na sa akin na hinayaan niya akong yakapin siya. Ilang sandali ay napabitaw na ako sa kanya at nginitian ko muna siya bago ako tumalikod para umakyat papunta sa kwarto ko.

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon