Napadilat ang mga mata ko at napansin na nasa isang kwarto ako. Nilibot ko ng tingin ang kwarto at napansin na may mga medical equipments na nandito."Tusukan mo na siya."
Napatingin ako sa nag-utos nun kay Mike. Nasa harapan ko siya.
Lumingon ako kay Mike at sinabing, "Mike, a-anong gagawin mo? M-Maawa ka sakin. Diba magkaibigan tayo? Huwag please."
Nakita ko ang guilt sa mukha niya pero nawala iyon kaagad.
"Kaibigan??" Tumawa ng malakas si Jeffrey Garzon. "Sa tingin mo ba ay dadalhin ka niya dito kung magkaibigan talaga kayo?"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tawa niya at dahil ang sama niya. "Ano bang kasalanan ko sainyo? Bakit niyo ginagawa ito sa akin? Wala naman akong ginawang mali sainyo ah!" Pinilit kong ipakita sa kanila na malakas ako pero hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa kaba.
"Hmm... You are right. Wala ka ngang kasalanan sa amin but Jonathan does. Did you know that they killed Rose?" Nakangisi niyang sabi.
Rose? Yung babaeng ka-date niya sa party? Pero bakit naman siya papatayin ni Nathan? Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Wala akong tiwala sa Jeffrey na to.
"Ginamit niya si Rose to accompany him in some events and he made her act as his woman. But Rose fell in love with him, so I planned to use her. Inagaw ko siya kay Jonathan for the purpose of using her against him para makuha ko ang lahat ng sa kanya but Jonathan is a very wise man. He found out about my plan kaya hindi na niya ginamit ulit si Rose. So I injected something to Rose with the help of your so called friend." Sabay tingin niya kay Mike. "He created a drug for Rose to forget everything. When she woke up, I filled her memories ng mga bagay na dapat niya lang maalala at yun ay ang ako ang mahal niya, at kaaway niya si Jonathan. Inutusan ko siyang magpanggap that she loves Jonathan kahit alam kong mahal na niya siya but that memory was gone. But Jonathan disposed her that night. He ruined my plans again. But now, he is using someone again and that is you. So you are my next weapon to use against him." Tumawa siya ng malakas.
Natakot ako sa tawa niya at dahil sa mga sinabi niya. Bakit ba nangyayari sa akin ang mga ito? Wala naman akong maling ginawa sa kanila ah. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Kaya bakit ganito?
Ang sama nila. Paano pa ako makakatakas dito kung nasa harapan ko lang sila at hindi ko alam ang susunod nilang gagawin sakin?
Nathan, please save me.
Lalo ko silang sinamaan ng tingin. "Ang sama mo! Wala kang puso! Bakit hindi ka lumaban ng patas?? Bakit kailangan mong gumamit ng ibang tao?! Duwag ka! Mas magaling sayo si Nathan!" sabi ko sa kanya na may galit sa tono ng boses ko.
Tumawa na naman siya ng malakas.
"If he is better than me then where is he? Kung inaakala mo na ililigtas ka niya dito, you are dreaming! You are just like Rose. You are fooled by him. He is just using you!"
Alam ko naman na ginagamit niya lang ako. Sinabi niya na sa akin yun sa umpisa palang. Dapat magalit ako kay Nathan dahil sa kanya kaya nangyayari ang lahat ng mga ito sa akin pero sa nangyayari ngayon, si Nathan nalang talaga ang pag-asa ko. Siya nalang ang naiisip kong makakatulong sa akin.
Tumingin ako kay Mike.
"Mike..." Nagmakaawa ako sa kanya dahil umaasa ako na sana ay magbago ang isip niya at itakas ulit ako.
Umiwas lang siya ng tingin sa akin at kinuha ang syringe na prinepare niya kanina. Bumalik siya sa harap ko at tinanggal ang takip nun. Itutusok niya ba talaga yan sakin? Ano na ang mangyayari sa akin kung mawawala ang memory ko dahil diyan??
![](https://img.wattpad.com/cover/41093065-288-k679213.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...