TYRON's POV
"Ganito kasi dapat yun."
Hinawakan ko ang kamay ni Nina saka inalalayan siya sa paghawak ng sandok at hinalo ang niluluto namin.
"Sigurado ka bang masarap 'to?"
"Oo naman. Ako pa!" sagot ko kay Nina.
Makalipas ang ilang sandali ay medyo luto na ang afritada kaya hininaan na namin ang stove.
"Dali! Excited na akong tikman ang niluto natin!"
Natawa ako. Para talagang bata minsan si Nina. Bagay talaga sila ni boss.
Speaking of boss. Kanina pa natutuwa ang puso ko dahil alam kong kanina pa siya sa labas ng kusina at tahimik na pinapanuod kami. Akala niya hindi ko alam. Haha!
Tumalab kaya ang plano ko? Hmm... Matingnan ko nga mamaya.
Pagkatapos naming magluto, nilagay na ni Nina sa bowl ang afritada saka ito nilagay sa dining table.
Pwedeng lumabas si Nina ng kwarto niya ngayo dahil nagtraining kami kanina kung paano humawak ng baril at kung paano makipaglaban. Pagkatapos ng training, nag-aya siyang kumain dahil gutom na daw siya kaya nagpresinta akong magluto.
Napansin kong nakamasid lang sa amin si boss kanina pa kaya I grabbed the chance na ituloy ang plano ko at mag-ala Cupid.
"Kakain na!"
Kakasabi ko palang pero agad ng pumasok si boss sa dining room. Hindi siya masyadong halata sa lagay na yan ah. Umupo na si boss sa kabesera na palaging pwesto niya pag kumakain.
"Sige, alis na ko, boss. Nina, alis na ako," paalam ko sa dalawa para mabigyan sila kunwari ng privacy. Pero tahimik na hinihiling ko na sana ay awatin ako ni Nina para matuloy ko ang pinaplano ko.
"Aalis kana?" Takang tanong ni Nina.
"Oo," sagot ko.
"Bakit hindi ka kakain? Tayo ang nagluto nito ah."
Tumingin ako kay boss pero nakatingin na pala siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya kasi as usual, wala itong emosyon na pinapakita. Napansin ni Nina na nakatingin sa akin si boss kaya nagsalita ito.
"Payagan mo ng saluhan tayo ni Tyron, Nathan. Please?" Nakangiting paalam nito.
"Join us," ilang sandali pa bago niya nasabi ito ng hindi nakatingin sa akin.
Basta si Nina talaga ang makiusap ay walang magagawa si boss kundi ang pumayag.
Napangisi ako. Alam na! I smell pag-ibig.
Sa totoo lang, hindi pa ako kahit kailan nakisalo kumain kay boss. Lagi kasi itong mag-isa kumain. Ayaw niyang may kasama pero nagtaka ako dahil Kay Nina, parang halos lahat ng rules nito sa sarili niya ay nawala na.
Nagsimula ng kumuha si Nina ng niluto namin.
"Oh ayan," sabi nito habang nilalagay ang ulam sa plato ko.
Nagulat ako sa ginawa niya pero nung may naisip ay biglang natuwa ako. Paano ba kasi, sumang-ayon sa plano ko ang ginagawa ni Nina.
"Kumain kana, Tyron," dagdag pa nito. Sumubo ako at pati na din siya. "Ang sarap! Grabe, Tyron. Ang galing mo pala magluto!" Gulat na sabi nito.
Natawa ako ng konti dahil sa sinabi niya. "Oo. Bata pa lang ako ay sanay na ako sa gawaing bahay," sabi ko.
"Ganun ba? Grabe! Yan ang gusto ko sa isang lalake, ang magaling magluto!"
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AçãoIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
