Nina's POV
Ilang beses ng may nangyaring masama sa akin o yung muntik na akong mapahamak pero hindi parin ako nasanay. Una, yung nasa party din ako na may sumabog din. Pangalawa, yung mission ko na ilang beses na akong muntik mabaril. Pangatlo, yung nabaril ako nung kinidnap ako ni Mike. At pang apat, yung kagabi na may sumabog at muntik na naman akong masabugan. Malakas ang kutob na hindi pa yun ang huli.
Alam ko naman na nangyayari ang mga ito dahil sa pagpasok ko sa mundo ng mafia. Dito talaga ako dinala. Siguro ito ang tadhana ko, ang malagay sa panganib ang buhay ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na ganito ang buhay ko ngayon. Pero alam ko sa sarili ko na kung papipiliin ako, hindi ito ang buhay na gusto ko.
Natatakot ako. Iyak parin ako ng iyak hanggang ngayon. Mukha akong bata dahil sa inaasta ko pero hindi talaga mawala ang takot at kaba ko dahil sa nangyari.
"Shh... Hush now. It's gonna be okay."
Tiningnan ko ng masama si Nathan habang patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.
"Gonna be okay?? Hindi, Nathan. Hindi magiging okay! Lagi nalang may ganito. Balak mo ba talaga akong mamatay?"
"What—!"
"Kung nagmamadali kana, pwede mo naman akong patayin agad-agad! Hindi yung sinasama mo pa ko tapos halos patayin ako lagi sa nerbyos! Ito ba ang balak mo ha? Ang pahirapan ako hanggang sa mawala na ako ng tuluyan?!"
Hindi ko mapigilan ang magalit. Ayaw kong magalit sa kanya dahil alam kong hindi siya ang may pakana nun pero parang gusto ko ng may mapagbibintangan para mabawasan ang takot na nararamdaman ko.
"Hey..." Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. "That's not true. Why would I let something bad happen to you? You are important to me. You should know that by now."
Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. Naiinis ako sa sarili ko at nakokonsensya dahil nasaktan ko ang damdamin niya. Hindi tuloy ako makasagot sa kanya.
"Listen." Magkatinginan kaming dalawa. "As long as I am alive, I won't let anyone harm you. They must first go through me before they can touch you. That's how important you are to me, Nina."
Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Parang kailan lang na galit pa siya sakin. Gusto pa nga nila akong patayin. Pero ngayon, hindi ko in-expect na magiging ganito siya sa akin. Gusto kong maiyak dahil sa saya na nararamdaman ko sa puso ko dahil sa narinig mula sa kanya.
Sa totoo lang, simula nung araw na sinagip niya ako sa plano nina Mike, umiba na ang tingin ko sa kanya. Mas lalo pang umiba nung naging mabait at maalaga siya sa akin after ng nangyaring yun. Hindi ko lang mapangalanan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.
Tinawag niya ang pangalan ko kaya natigil ako mula sa malalim na pag-iisip.
"Did you hear me?" Napatingin ako sa kanya saka tumango. "Then why aren't you answering?" Nag-aalalang tanong niya.
Ilang segundo bago ako sumagot.
"A-Ano ba talaga ako sayo, Nathan? Ano ba talaga tayo?"
Naguguluhan kasi ako. Halos isang buwan na siyang ganito sa akin. Ayaw kong mag-assume kung ano ba talaga kami dahil wala naman akong pinanghahawakan.
Akala ko ay hindi na niya sasagutin ang tanong ko. Ang tagal niya kasing hindi umimik eh kaya akala ko ay ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Nagulat ako nung ngumiti siya sa akin.
"I would like you to know something but I think this is not the perfect time to say it. You are the type of woman who believes in fairytales that's why I am planning in giving you one. For now, please be assured that you are special to me," makahulugang sabi nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
