THE PLANE CRASH

384 17 1
                                    

20 years later...

Kasalukuyang ini-empake ni Veronica ang kanyang mga dadalhin sa pag-sakay sa eroplano. Makakasama siya sa isang international flight bilang flight attendant. Nangako siyang sasama sa kanyang ina sa Bikol kapag nakabalik siya galing sa byahe. A-attend sila ng binyag ng anak ng kanyang pinsan dahil kinuha siyang ninang ng mag-asawa.

    "Tapos kana ba mag-empake? Naka-handa na ang hapunan mo, baka ma-late ka sa flight."  Nilingon ni Veronica ang nag-salita sa may pintuan ng kanyang kwarto.

It's her mother, makikita sa mga mata ng babae ang lungkot na pilit itinatago. Isang linggo din siyang mawawala sa tabi ng ina. Nasanay ito na sa loob lang Pilipinas lang siya napapasama sa lipad ng eroplano. At kanina ngang umaga ay tinawagan siya ng kaibigan niya na kasama daw siya sa international flight.

    "Patapos na po ako mag-empake, susunod na ako sa inyo kaagad."  Magalang na sagot niya sa kanyang ina.

    "Magmadali kana. Nag-hihintay din saiyo ang ama mo." Muli, ay turan ng kanyang ina bago tumalikod.

Naiwan siyang mag-isa sa loob ng kanyang kwarto. Ama, yeah, dumating ang kanyang ama kagabi at sinabi sa kanyang ina na natanggal ito sa trabaho bilang construction worker. Mabuti nalang, nakatapos na siya mag-aral bago ito natanggal sa trabaho. Naaawa siya sa mga magulang dahil sobrang hirap ng buhay nila habang nag-aaral pa lang siya noon.

    "Sigh...." 

Nakatira sila sa isang baryo sa Cebu na malapit lang din sa pinapasukan niyang paaralan noon. Ang kanyang ina natural na taga-bikol habang ang kanyang ama ang taga-Cebu. Mabuti na lang, kahit medyo mahirap ang kanilang buhay, nagawa parin ng mga magulang na papagtapusin siya ng pag-aaral.

    "I'll better go down. Masesermunan na naman ako kapag hindi pa ako magmadali." Bulong ni Veronica sa kanyang isip.

Lumabas siya ng kwarto at nadaanan ang whole body mirror sa may sala. Napa-hinto siya doon at tinitigan ang sarili. Height:5'6, long black hair, small lips, small nose, pero ang takaw pansin sa lahat ay ang kanyang mga mata na kahit ang mga magulang ay hindi rin maipaliwanag kung bakit meron siyang mata na parang mata ng manika. Kulay aqua blue na may linya ng itim sa gilid.

    "They said it's look like a doll, pero bakit para sa akin, parang mata ng isda?"  Bulong niya sa sarili.

Tinaasan niya ng kilay ang kanyang repleksyon sa salamin bago tuluyang pumunta sa kusina. Inabutan niya ang kanyang mga magulang na nag-uumpisa nang kumain. Napa-sulyap pa ang mga ito sa kanya bago siya inaya na umupo at kumain na.

    "Ihahatid na kita sa airport, Nika. Baka ma-late kapa kung magta-taxi ka pa."  Banggit ng kanyang Ama.

Nika ang palayaw niya, it was originally from Veronica but her friends called her manika before. Hanggang naging nika na nga ang palayaw niya kahit saan siya pumunta.

    "Pumayag ka na sa gusto ng iyong ama, wag kang mag-alala, may naitabi pa akong pera para pambili ng gasolina."  Dugtong ng kanyang ina na si Erica.

Erica Manalo pangalan ng kanyang ina, habang Lauro Manalo naman ang kanyang Ama. Nag-iisa lang siyang anak dahil nahirapan daw manganak ang kanyang ina nung siya ang ipinapanganak kaya parang na-trauma ang kanyang ina sa sakit.

    "Opo. Basta dahan-dahan lang ang patakbo."  Sagot niya.

Sobrang bilis kasi mag-patakbo ng kanyang ama pag nag-papatakbo ng motorcycle. Dinaig pa ang racer kahit saan pa sumusuot na kalye.  Narinig niyang napa-hagikgik ang kanyang ina kaya napa-sulyap siya sa dito. She saw her dad pouting kaya siguro natatawa ang kanyang ina.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon