Natigilan ang gwapong binata. Sa Cloud Mountain dati naka-tayo ang Drakaya Kingdom. Subalit simula ng atakihin ng kanyang Uncle ang nasabing palasyo, nawasak ang pader na nag-po-protekta sa lugar. Ang dating malinis na ilog ay naging Blood River, dahil sa patuloy na pag-papatayan ng mga halimaw sa pinaka-puno ng Ilog na kung saan matatag-puan ang mana crystal na siyang dahilan ng pag-dami ng mga halimaw sa lugar.
"That won't happen." Malungkot na sagot ni Yohan sa kanyang knight.
Kung naka-takas siya sa pag-salakay, kabaliktaran ang nangyari sa kanyang mga magulang. Maaring buhay pa nga ang mga ito, subalit masyado ng na-expose sa Mana burst. Na naging dahilan ng pagiging out of mind ng mga ito.
Hindi nabaliw ang kanyang mga magulang, hindi rin Zombie. Sa dami ng mana na na-absorb nang kanilang katawan, their minds couldn't take it, naka-limutan ng mga ito kung sino talaga sila, pati si Yohan na anak ng mga ito.
"Veronica is important to me, alam kong siya lang ang makaka-tulong sa Drakaya." Makahulugang sambit ni Yohan bago tuluyang umangat at umalis na nga sa lugar kasama ang kanyang mga kawal.
May kalayuan ang lugar ng Cloud Mountain galing sa Drakaya kingdom. Bagamat sakop parin ng Drakaya ang lugar.
Makalipas ang halos kalahating oras na pag-float sa himpapawid sakay ng kanyang sword, narating ng grupo nila Yohan ang Cloud Mountain. Pero nanlaki ang mga mata niya ng makita ang tatlong hinahanap na kasalukuyang naka-harap sa bundok na tambak ng Srikiya!
"My King, tama ba ang nakikita ko? Isang tambak ng Srikiya?" Tanong ni Emil, isa sa kanyang mga knights.
"En.."
Bababa na sana si Yohan nang mapansin niya ang bahaging kanan ng grupo na kung saan ay pinupuntahan na ng mga ito.
"T-Thats..." Kanda-utal na sambit ni Yohan.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang iginalaw ni Veronica ang mga kamay paharap ang palad sa bagay na nasa harapan nito. Napa-tingala si Yohan, the clouds are moving. Isa lang ang ibig sabihin nun, thunder!
"No....! Don't kill my parents!!" Sigaw niya habang bumunulusok paibaba.
Gulat naman ang rumihistro sa mukha ng tatlong nasa ibaba habang pinapanood ang pag-bulusok ng hari.
"Pustahan tayo, subsob yan Pag-dating sa lupa." Si Rowel ang nag-salita.
Pinag-cross pa nito ang mga braso sa may dibdib. Samantalang tumango-tango lang si Ravi habang naka-tingala din.
Hindi nga nag-kamali si Rowel, dahil sa bilis ng pag-bulusok ni Yohan, na out of balance ito at muntik na ngang napa-subsob kung hindi lang nasuportahan ni Veronica kaagad.
"My king!"
"Your Highness!"
Magka-kasabay na sigaw ng mga kawal nito na humahabol din pala.
Inayos ni Yohan ang tindig bago tumingin kay Veronica na ngayon ay naka-tilt ang ulo sa kanan. Ang mga mata ng dalaga ay puno ng katanungan.
"W-What are you doing with them?" Tanong ni Yohan habang humahakbang papunta sa harapan ng kanyang mga magulang naka-tayo subalit naka-tulala lang.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, subalit kahit ano pa man, hindi niya hahayaang patayin ng grupo ng babae ang kanyang mga magulang. Halos sampung taon na siyang nag-aaral kung paano ibabalik sa dati ang kanyang mga magulang. There's still hope.
"Killing it." Deritsahang sagot ni Veronica na nag-padilim ng anyo ni Yohan.
"Kill it? I'm sorry but you can't, as long as I'm here." Mabilis na pumwesto sa tabi ni Yohan ang limang knights na kasama niya.
BINABASA MO ANG
THE ABYS WHERE I BELONG
FantasyBasahin nyo muna ang Revenge Journey Of The Phoenix bago nyo ito basahin. Dahil karugtong ito ng kwento ng RJOTP. Sa ilalim ng karagatan, na wala pang sino mang nakaka-alam kung anu-ano ang mga nilalang na nakatago sa kadiliman ng kailaliman, nag-l...