"Hindi ko rin alam." Diritsahang sagot ni Yohan.
Si Veronica naman ay nanatiling walang imik. Kung ano man ang laman ng kanyang utak ay siya lang ang nakaka-alam. Bagamat paminsan minsan ay lihim siyang napapa-buntong hininga. Sumulyap siya kay Yohan upang sana ay mag-nakaw lang ng tingin, subalit hindi niya akalain na naka-tingin pala sa kanya ang binata. Mabilis niyang binawi ang tingin at nagkunwaring naka-focus sa ina ni Clewin.
"Clewin, ibabalik ko sa iyong ina ang lahat ng bagay na nawala sa kanya. Pero bago yun, gusto kong ipunin mo ang lahat ng Hanajians para sa paghahanda sa napipintong final battle ng buong Terra crevasse laban sa mga currupted spirit beasts." Ani Veronica.
Sana lang, sa darating na gyera, tulungan siya ni Banawa. Hindi niya kakayanin ang final battle. Dahil sa nakita niyang memory sa soul bead, alam niyang hindi sapat ang kanyang kapangyarihan upang masiguro ang kaligtasan ng buong Abyssal. At dahil din doon, kaya niya ipinasya na alisin ang mga hiram na kapangyarihan ng mga Huluwa. Hindi dahil hindi niya kailangan ang mga ito, kundi dahil ayaw niyang madamay ang mga ito sa gulo.
"Ibig mong sabihin, tatanggalin mo na mga kapangyarihan ng mga Huluwa?"
"Yes. At ibabalik ko yun sa iyong ina. I need herself to fight with me. Wag kang mag-alala, lahat ng mga mortal ay ilalagay ko sa loob ng protective barrier. And Your Highness, Yohan.. I want to speak with your father. Pwede mo ba akong samahan pabalik sa Drakaya?"
"Yes." Tipid na sagot na binata.
"Well then, Clewin, kapag na tipon mo na ang buong Hanajians, tell them to prepare. At tulungan din nila akong ipunin ang lahat ng mga Huluwa sa buong mundo ng Terra Crevasse. I'll do something that most important right now."
Pagkasabi nya nun, dahan-dahan na siyang lumabas ng silid.
"You're hiding something from me, Nika. Tell me what it is." Boses ni Yohan ang narinig niya. Sumusunod sa kanya ang binata.
"Wala akong tinatago sa'yo. At kung meron man.." Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang binata. "Kailangan ko bang ipaalam yun sayo?"
Sunod-sunod ang ginawang pag-lunok ni Yohan. Lalo na nang makita niya kung gaano ka seryoso ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Sa mga mata ni Veronica naka-display ang tinatagong pagka-muhi sa kanya. At hindi lang yun, ang dating kumikinang na mga mata ng dalaga sa tuwing naka-tingin sa kanya, ngayon ay puno na ng lamig. She's staring at him as if he is just a mere person who isn't even important.
"No. But.."
"Hintayin mo ako bukas ng umaga. May gagawin lang ako ngayon at bukas ay pupunta ako sa kaharian mo para makausap ang iyong ama. And please.. Stop doing what you just did a while ago. Tulad ng sinabi ko bago ako mawalan ng malay, ayaw na kitang makita. pagkatapos kong makausap ang iyong ama, I want you to stay away from me."
Parang ipinako sa kanyang kinatatayuan si Yohan ng mga sandaling yun. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Veronica. The woman hates him now.
"Wait.. Hear me out. Marami akong gustong ipaliwanag sayo." Mabilis ang mga hakbang na hinabol niya ang dalaga at hinawakan ang braso. "I have reasons why I rejected you..."
"Stop." Nasapo ni Veronica ang sariling noo at napahugot ng hininga. "Yeah.. Alam ko na ang dahilan mo. It's about your kingdom's rules, tama? Naiintindihan ko na yun. At hindi yun ang dahilan kung bakit ayaw na kitang makita."
"Then what?! Alam mo na ang dahilan ko, so bakit?" Napa-hiss si Veronica ng maramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Yohan sa kanyang braso.
"Well because, I realized that, you can just easily kill me kapag ginusto mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/341536532-288-k575673.jpg)
BINABASA MO ANG
THE ABYS WHERE I BELONG
FantasyBasahin nyo muna ang Revenge Journey Of The Phoenix bago nyo ito basahin. Dahil karugtong ito ng kwento ng RJOTP. Sa ilalim ng karagatan, na wala pang sino mang nakaka-alam kung anu-ano ang mga nilalang na nakatago sa kadiliman ng kailaliman, nag-l...