OGRE IN THE CITY

224 14 2
                                    

Masayang kumakain ang grupo ni Veronica sa loob ng hotel na tinutuluyan nila nang mga oras na yun. Ang hotel ay isang sikat na pahingahan sa lungsod ng Drakaya, na kung saan ay kadalasang pinupuntahan ng mga dayuhan galing sa ibang kaharian. Hindi lang ang Drakaya ang nag-iisang kaharian sa Terra Crevasse, marami pang iba. Subalit nananatiling ang Drakaya Kingdom ang kilala ng lahat dahil sa legendary story ng Kingdom.

     "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit sa atin ang supladong hari na yun. Wala naman tayong ginagawang masama sa kanya. Siya na nga itong tinulungan, siya pa ang may ganang magalit."  Nag-mamaktol na banggit ni Nika habang kumakain ng kanilang hapunan.

    "Hindi lang naman siya galit sa atin, narinig mo rin siguro, galit siya sa buong huluwa."  Sagot naman ni Rowel na busy mag talop ng malaking alimasag.

Ang pagkain sa Terra Crevasse ay hindi nalalayo sa kung anong meron sa Mundong ibabaw. Marahil siguro ay dahil sa mga taong napadpad sa lugar na may alam sa pag-gawa ng mga pampalasa sa Mundong ibabaw. Factory workers ba, kumbaga.

    "That too! Ang pinag-tataka ko, bakit siya galit sa Huluwa? May ginawa bang hindi maganda ang Kuluwa sa kanya para umarte siyang nasaktan ng sobra-sobra?"  Pag-sang ayon ni Nika sa sinabi ni Rowel.

    "Maybe.. Ano sa palagay mo Ravi? Kanina ka pa kumakain, hindi ka man lang nag-sasalita."  Nilingon ni Rowel siya Ravi na busy ang sarili sa pagkain.

    "Huh? I don't know. Nagising lang naman ako after kong marinig ang iyak ni Master nung baby pa siya. This last 20 years naman wala namang nangyaring kakaiba sa kaharian so, wala akong alam."  Sagot ni Ravi na kinagat pa ang ulo ng yellow fin na isda.

Napa-sigh na lang siya Rowel at Veronica sa kanilang narinig.

    "Wait, you mean to say, nung hindi pa ako pinapanganak ay nananatiling tulog ka? Ilang taon kang tulog?"  Kunot ang noo na tanong ni Veronica Kay Ravi.

Nilingon siya ng binatang dragon at nilinis muna ang gilid ng labi nito bago nag-salita.

     "Ten thousand one hundred fifty six years."  Walang emosyon na sagot ni Ravi bago kinuha ang baso ng alak sa may kaliwang bahagi ng lamesa.

Sabay na naihulog nina Rowel at Veronica ang hawak na pang-sipit ng alimasag sa narinig. Ten thousand years?! Ganun katagal siyang natulog?!

     "Hindi ka gumising kahit isang oras?"  Tanong ni Rowel.

      "No."  Casual na sagot ni Ravi.

      "Then, paano mo narinig yung boses ko?" Tanong naman ni Nika.

      "By Soul contract."  Sagot ni Ravi na ngayon at naka-titig na sa kanya.

Napalunok si Veronica ng sunod-sunod. Parang sasabog ang utak niya sa dami ng mga bagay na pumapasok sa isipan niya. Kung Soul contract ang dahilan then, ibig sabihin, master na siya ni Ravi 10,000 years ago pa?!

     "Impossible... Why can't I remember anything?" Bulong ni Nika sa sarili.

Narinig niya ang pag-tikhim ni Rowel sa kanyang harapan. Alam niya, hindi rin ito naniniwala at naguguluhan din. Umangat ang kanyang tingin kay Ravi at akmang magtatanong nanaman sana ulit nang makarinig sila ng malakas na sigaw ng babae sa ibaba ng terrace na kinakainan nila.

      "Tulong!"  Sigaw ng babae habang tumatakbo.

Nangalumbaba si Veronica habang nanonood sa nangyayari sa ibaba. Maraming sundalo ng palasyo ang naka-palibot sa lugar kaya hindi na nila kailangang mag-eksena nanaman na parang superhero. Nakita nila na bigla na lang nagtakbuhan ang mga sundalo papunta sa pinang-galingan ng babae kaya napa-kunot ang noo ni Veronica.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon