SAVING THE TYRANT KING

232 15 0
                                    

Pagka-mangha ang naging reaksyon ng may-ari ng pagawaan ng mga sandata na ginagamit ng mga sundalo ng Drakaya Kingdom, nang makita ang iniladlad nilang tatlo na mga pangil ng baboy. Nang tanungin nila ang may-ari kanina kung bumibili na ito ng mga pangil ay oo agad ang isinagot ng lalake.

    "So, magkano kaya ang aabutin ng presyo ng mga ito?"   Naka-ngiting tanong ni Veronica sa gulat paring lalake.

Sa palagay niya ay nasa edad forty pataas na ang lalake. Mukhang batak na batak ang mga musclea nito dahil sa pagha-hammering ng mga espadang ginagawa.

    "That is too many!"  Isang sundalong bagong dating ang napa-bulalas ng makita ang kanilang binibenta.

Sabay-sabay na napa-lingon silang apat kasama ang pinag-bibentahan nila ng mga pangil, sa sundalong nag-salita. Kung pagbabasehan ang suot nitong uniform, mabilis na masasabi ni Veronica na isa itong sundalo ng palasyo.

    "Mr. Kung wala kang pambayad, I can talk to my commander to pay for them. Kailangan ng palasyo ng maraming sandata para sa gagawing pag-salakay sa Black Fog Mountain."  Mahabang salaysay ng sundalo.

Napataas ng kilay si Veronica ng marinig ang pangalan ng bundok. Sasalakay ang mga sundalo ng Palasyo sa delikadong bundok sa Terra Crevasse, for what? Sabagay, wala naman siyang paki-alam kung anong gagawin ng mga ito, pero weird, sinabi ng masungit na hari na delikado ang bundok pero ipapadala niya ang mga sundalo doon?

     "Anong gagawin ninyo sa Black Fog Mountain?"  Hindi na naka-tiis na tanong ni Veronica.

Nilingon naman siya ng lalake at napa-titig pa sa kanya. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata nito at itinuro pa siya.

     "Ikaw yung babaeng dinala ng kamahalan sa palasyo diba? Pagkaka-alam ko, pumunta ka ng Black Fog Mountain?! Bakit buhay ka pa?!"  Bulalas ng lalake.

    "Bakit? Gusto mo na ba ako mamatay?"  Madilim ang anyo at kunot ang noo na tanong niya sa lalake.

    "Ahh.. No, I'm sorry."  Napa-kamot sa ulo ang lalake habang namumulang napayuko.

     "So anong gagawin nyo sa Black Fog Mountain?" Tanong ulit ni Veronica habang nililingon ang may-ari ng pagawaan ng mga sword.  "Bibilhin mo po ba O hindi? Tanong niya dito.

Nang tumango ang may edad na lalake bilang sagot sa tanong niya tungkol sa kanyang binibenta, muli niyang nilingon ang sundalo na ngayon ay sinusulyapan ang mga kasamahan sa 'di kalayuan.

     " The king ordered us to check the Mountain. Hindi niya sinabi kung bakit." Sagot sa kanya ng sundalo.

Napa-sulyap si Veronica sa dalawa niyang kasama na kanina pa tahimik. Si Ravi ang nag-salita dahil mukhang walang planong mag-salita si Rowel.

    "Palagay ko, tama ang nasa isip mo, Master."  Sabi ni Ravi.

Hindi pa siya nag-tatanong pero alam na ni Ravi ang laman ng isip niya. Napa-taas lang siya ng kilay at tsaka napa-iling. Impossible, ang hari mismo ang nag-suggest sa kanila na pumunta sa Black Fog Mountain dahil nga halatang galit ito sa kanila. Kaya imposibleng pasundan sila ng hari.

     "No. That's impossible."  Sagot niya kay Ravi na napa-shrug lang ng balikat.

      "It's 1005 gold in total. Ito yung bayad." Napa-lingon si Veronica sa may edad na lalake ng marinig ang sinabi nito.

Gold pala ang gamit sa lugar. Perfect! Pwede siya mag-ipon ng marami para dalhin pag bumalik na siya sa mundong ibabaw.

     "Pwede na ba ako mag-stay sa hotel sa halagang to?"  Tanong niya sa lalake na nanlaki pa ang mata.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon