WHAT'S WRONG

208 15 1
                                    

Kasalukuyang nag-titipon ang buong kasundaluhan ng Chuswar Kingdom sa pamumuno ni Loxim Flesiro. Komander ng buong batalyon na kasalukuyang naka-base sa labas ng barrier ng Drakaya. Kahapon pa sila Nag-hihintay ng balita tungkol sa sitwasyon ng kaharian ng Sediorpino. Ayun sa isang intel na lumilibot sa buong lupain ng Drakaya, nakita daw nito na nagmamadaling bumalik sa kaharian ang buong grupo ng Sediorpino Soldiers. Pagkatapos nun ay wala ng balita tungkol sa mga ito.

"Ang sabi mo, may tatlong Huluwa ang lumapit sa kanilang hukbo galing sa loob ng Drakaya?"  Kunot ang noong tanong ni Loxim sa Intel na kaharap na niya ngayon.

Nakaluhod ang lalake na may suot na metal sa may braso sakop ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib kung saan naka-tago ang lokasyon ng kanyang puso.

"Yes, Sir. Nakita ko kung paano binalot ng poison fog ng pinuno ng hukbo ang tatlo. Nakita ko rin na ginamit ni Nexus ang teleportation Array kasama ang tatlong Huluwa."   Sagot ng lalake.

Kung Huluwa nga ang tatlo, posibleng naka-kuha na ng magandang impormasyon ang kaharian ng Sediorpino. Tiim ang bagang na naikuyom ni Loxim ang kamao. Tatlong Huluwa ang muling pwersahang inilabas ng Drakaya kingdom, Sumusobra na talaga ang hari ng Drakaya. Ilang Huluwa pa ba na katulad niya ang mahihirapan? Paano kung ilang Huluwa pa ang pinahihirapan sa kaharian?! That king is a fucking Tyrant!

"Anong balita sa mga Embers?"   Sinikap na maging mahinahon ni Loxim.

"Kasalukuyang patungo na dito sa lokasyon natin ang grupo ng mga Embers na naka-ligtas sa barrier. Halos kalahati ng bilang nila ang nawala." 

Naikuyom ni  Loxim ang kamao at literal na napa-mura. Kapag muling tumapak ang mga paa ni Ramil Sifyola sa lupa ng Chuswar Kingdom, nangangahulugan iyon ng pag-geywang ng balanse ng pwesto ng bawat namumuno sa buong kaharian. Si Ramil ang totoong founder ng Chuswar Kingdom. Siya dapat ang hari ng palasyo ng Chuswar. Subalit dahil sa galit nito sa Drakaya at sa kapatid nitong dating Reyna ng nasabing kaharian, mas pinili nito ang maging pinuno ng Embers na siyang nagpabagsak sa dating kaharian ng Drakaya. Aaminin niyang abot sa kanyang buto ang galit niya kay Ramil dahil pati sila na walang alam ay nadamay sa naging resulta ng ginawa nito.

Ayun sa mga Huluwang nakaligtas sa pagsalakay, hindi rin nila akalain na buhay pa ang nag-iisang prinsipe ng Drakaya. At dahil dun, muling ipinagpatuloy ng batang Del Carmen ang inumpisahan ng sariling Amang hari. Kasabay nun ang biglang pag-putok ng balita na pinapaslang ng batang bagong hari ang sino mang Huluwa na napa-padpad sa Drakaya. Mula ng pumutok ang balitang iyon, tinawag ng lahat na Tyrant ang batang hari.

"Fuck! Why didnt he just died there?!"    Bulyaw ni Loxim na ang tinutukoy ay ang leader ng Embers na si Ramil.

Magsasalita pa sana siya ulit ng bigla na lang nagkagulo sa labas ng kanyang tent. Dinig niya ang mabilis na mga yabag ng ilang sundalo patungo sa lokasyon niya. Kahit ang intel na kanina ay naka-luhod, ngayon ay bigla rin napa-tayo at alertong napahawak sa puluhan ng kanyang espada.

"Kumander Loxim! Kumander Loxim!"   Ang tantya niya ay mahigit labing limang metro pa ang layo ng sumisigaw sa labas ng kanyang tent.

Dala ng init ng kanyang ulo, mabilis siyang lumabas upang alamin ang nangyayari.

"Anong nangyayari?!"   Malakas ang boses na sigaw niya sa mga kawal na nagbabantay sa labas ng kanyang tent.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang humahangos na tauhan. Pawisan ito at kitang-kita ang takot sa mukha. Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Loxim dahil dun.

"Speak!"   Aniya.

Habol ang hininga ay sinikap ng lalake na huminahon.

"Hanaj Soldiers.. Kumander, Hanaj soldiers..."   Humihingal parin ang sundalo.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon