THREAT

161 11 7
                                    

"Yohan Del Carmen, King of Drakaya kingdom."  Sagot ni Yohan habang yakap si Veronica na tahimik na umiiyak.

Napa-kurap sina Jenny at Zion dahil sa narinig. Well, hindi sila nagulat tungkol sa pangalan at estado ng buhay ng lalake. Nagulat sila dahil sa ginamit nitong lengwahe. Sabagay, hindi lang international language ang English. Kahit ang mga living creatures sa ibang firmaments ay gumagamit ng english. Bagamat iba nga lang ang accent ng mga ito. Ang accent ng bawat firmaments ay pinaghalong British at American accent, kung ikukumpara sa mundong ibabaw.

"Cool. Hindi na nakakagulat kung tutuusin." Patango-tangong sambit ni Zion.

"Yeah.. Anyway, hindi ba kami pwedeng pumaso---ugh!"   Hindi na natapos ni Jenny ang sinasabi ng biglang tumama ang matalim na kidlat sa pagitan nila ni Veronica.

Marahas siyang napalingon sa sino mang pangahas na gumawa nun. A dragon suddenly appear in front of them at ngayon ay gwardyado si Veronica at Yohan. Ang mga mata nito ay kumikislap na parang electricity at ang kanyang dalawang paa na parang kamay sa unahan ay may hawak na electric bomb.

"Wait, is that Leviathan Ravine?"  Bulalas ni Jenny habang ang mga daliri ay nakaturo kay Ravi na natigilan din.

"... Who are you two?"  Tanong din ni Ravi.

"Ravi, tumigil ka at bumaba."  Pasigok-sigok na sambit ni Veronica.  "She's  our friend, hindi mo lang siguro siya makilala dahil iba na ang kanyang anyo."  Dugtong pa ni Veronica.

Mabilis na nag-palit anyo si Ravi. Si Zion naman ay natahimik at hindi makagalaw. Paano ba naman, nasa harapan siya ng King of all Dragons. Maaring isa sa pinaka-makapangyarihang dragon si Yuso. Pero ang totoong pinanggalingan ng dugo ng mga dragons ay nanggaling sa kauna-unahang dragon. Ay iyon ay walang iba kundi si Leviathan Ravine o tinatawag ngayon sa pangalang Ravi.

"Banawa?" Panghuhula ni Ravi.

"Ravine..! Tuwang-tuwa na sambit ni Jenny kasabay ng pag-balik anyo niya bilang tao.

Pagkatapos ay dumamba siya dito at niyakap si Ravi ng mahigpit. Bagamat mabilis ding hinila ni Zion at pinaghiwalay ang dalawa.

"Your husband is here yet you dare embrace other man in front of me?"  Malalim ang kunot ng noo ni Zion.

Napa-pout si Jenny bagamat naka-ngiti parin.  "Na miss ko lang si Ravi."

"Ako ang bestfriend mo pero mas inuna mo pang yakapin si Ravi? Tsk! By the way, how'd you get here?"  Pailing-iling na sambit ni Veronica.

Mabilis naman siyang dinambahan ni Jenny at mahigpit na niyakap. "Bago ko sagutin yan, bakit iba na din ang itsura mo? Anong nangyare this past 10,000 years?"

"Let's talk inside. Marami din akong gustong itanong sayo. Especially tungkol sa portal na ginamit mo." Sagot ni Veronica. Hindi niya napansin na naka-pulupot parin ang mga braso ni Yohan sa katawan niya.

Pumasok sila sa loob ng palasyo. Nagulat pa si Clewin ng sabihin niya ang katauhan ng kanyang mga bisita. Mabilis itong umutos sa mga taga-silbi upang mag-prepare ng bakanteng silid para may magamit ang dalawang bisita. Si Veronica naman ay wala parin sa sarili dahil gulat parin siya sa biglang pag-sulpot ng kaibigan galing sa mundong ibabaw.

"Wanna drink some water?" 

Narinig niyang tanong ni Yohan. Hindi niya namalayan na nasa loob na rin ng kanyang silid ang binata. Nang sa wakas ay nahimasmasan siya, parang nakuryente na mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap ng binata. Sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib, she's afraid that Yohan hears it. Paano pa niya pangangatawanan ang sinabi niya na hindi na niya ito gusto?

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon