THATS HOW IT IS

185 11 3
                                    

                "Warning! Too much information
                can make your head hurt a bit.
               Ang lahat ng aking isinusulat ay
                pawang kathang-isip isip lang."

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Veronica nang mga sandaling yun. Pasimple siyang lumapit kay Jenny tsaka bumulong.

"Help me create the protective barrier. Dito ko pansamantalang ilalagay ang lahat ng Huluwa bago ako pupunta sa Forbidden Mountain."

"Forbidden mountain?! Nababaliw kana ba?! Alam mo naman na sa bawat Firmaments, ipinagbabawal ni Nyuweku ang pumunta sa Forbidden Mountain. Gusto mo na bang mamatay?!"  Pabulong at pabulyaw na sagot ni Jenny sa kanya.

Sina Ravi at Rowel naman ay nananatiling nagpapakiramdaman. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin sumasagot si Ravi sa tanong ni Rowel. Si Zion naman ay pasimpleng kinausap si Yohan tungkol sa sitwasyon ng Abyssal World.

"Pwede bang makinig ka muna bago mo ako sermonan? Hindi ko ginusto ang magkaganito ang sitwasyon sa mundong ilalim. I've been dead for more than 10,000 years at kamakailan ko lang naalala kung sino ba talaga ako." Pagtataray ni Veronica sa kaibigan na napa-kunot ang noo.

"Dead..? Ibig mo bang sabihin, na-reincarnate ka rin?" 

"Something like that. Nalaglag lang ako dito during our flight. Then Ravi found me. But let's forget that. Ang dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa Forbidden Mountain ay dahil sa nakita kong memories sa Soul Bead."  Isang seryosong tingin ang ibinigay ni Veronica kay Jenny.

"Anong memories?"

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita.

"Someone is feeding the Creftus." 

"Creftus?!"   Napalakas ang boses ni Jenny kaya napalingon ang lahat sa kanilang dalawa.

Creftus. Ito ang pangatlo sa pinaka-malakas na nilalang sa God Domain. Tinawag itong Creftus dahil sa taglay nitong kapangyarihan na kung saan ay halos katulad ng kay Nyuweku. Gayunpaman, dahil sa pinag-samang kapangyarihan ng Gwanty(Acon) at ni Nyuweku, nagtagumpay silang i-kulong ang nasabing nilalang at itinapon dito nga sa Abyssal World. Ang problema, ayun sa Soul bead, isa sa mga pinag-kakatiwalaan ni Nyuweku sa God Domain ay pasikretong tinutulungan ang Creftus.

Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa lahat ng Firmaments. Ang mga crystals na nahulog mula sa God Domain ay palatandaan nang matinding laban na nangyari. Sa ngayon, hindi alam ni Veronica kung ano ang totoong sitwasyon sa God domain at kung sino na ang tumatayong hari doon ngayon. Well, sana lang, Nyuweku is still alive.

"Yeah, kailangan nating pumunta sa God Domain upang malaman ang totoong sitwasyon."   Sagot ni Veronica.

"But that's impossible."  Naka-yukong sagot ni Jenny.  

"Why?"  This time, si Veronica naman ang napa-kunot noo.

"Suzerain, naka-akyat ako sa Spirit World gamit ang katawan na meron ako ngayon dahil may taga Spirit World na bumukas ng lagusan. Ibig kong sabihin, ang bago nating katawan ay walang acces to go up there directly. Maliban na lang kung may mag-bubukas ng lagusan galing sa itaas. That way, our mortal body can get the access or should I say, being recognized by those who are above us."  Mahabang paliwanag ni Jenny.

"But... Ang katawan ko na ito ay galing na mismo sa pangalawang Firmament.  Bakit hindi ko parin mabuksan ang lagusan?"

"Well, galing ka nga sa mortal World, pero that time, naka-sealed pa ang totoong katauhan mo. The barrier recognition didn't recognize you. Yan ang dahilan kung bakit hindi mo mabuksan ang portal. Ganyan ang nangyari sa akin back when I was hunting the murderer of Banawa."   Ang anyo ni Jenny ay biglang naging matapang nang maalala niya ang nangyari sa Spirit World.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon