MANA CRYSTAL

182 11 2
                                    

Parang isang malaking kamay ang pakiramdam ng black mage na pumipiga sa katawan niya. Wala siyang makitang kahit na anong bagay sa harapan niya subalit matindi ang pressure na nararamdaman niya mula sa klase ng tingin na ibinibigay sa kanya ng babaeng kaharap.

Isang klase ng nilalang lang ang may kakayahang gawin iyon sa isang demigod na katulad niya. At tanging ang dating hari ng spirit beasts lang ang may kakayahan. No, it's not only the Phoenix, but also, the other Kings and queens of every firmament.

      "Y-You are the.."

      "Uvrahum sultesi."  Na ang ibig sabihin ay "Kneel down."

Naputol ang ano mang gusto niyang sabihin ng marinig ang sinabi ng babaeng kaharap. Ang lengwahe ng babae ay mismong lengwahe ng spirit world. Then, hindi nga siya nag-kakamali. Ang babaeng kaharap ay ang nag-iisang tunay na Dyos ng buong Terra Crevasse.

The Suzerain!

Sa isang iglap lang, nagulat ang hari, si Jevro at Rowel ng bigla na lang lumuhod ang kalahating kabayo at kalahating tao sa harapan ni Veronica. Ang kaninang matandang babae ay bigla na lang naging centaur sa isang pitik lang ng daliri ni Veronica.

      "Tell me everything you know about what happened here, from the beginning."   Utos ni Veronica sa Centaur na nanginginig pa.

Sinong hindi manginginig kong gagamitan ka ng command power?

Command power, ito ang kapangyarihan na tanging ang mga tunay na Dyos lang ang may kakayahang gumamit. Wala kang magagawa kundi ang sumunod sa iniuutos ng sino mang gumamit nito.

Bagamat ang command power ay para lang sa pwersahang pag-papaamin sa sino mang nag-positibo sa isang malaking kasalanan, ito ay masyadong makapangyarihan dahil buhay ng isang nilalang na nakatanggap ng order ang pwedeng maging kapalit kapag nagpumilit kang labanan ang nasabing kapangyarihan.

      "Mana Crystal." Sagot ng centaur.    "Hindi namin alam kung paanong nalaglag galing sa ika-pitong firmament ang mana Crystal. Subalit dahil dito, pati ang spirit world ay nag-kagulo. Ikinalulungkot kong ibalita sa inyo, pati ang hari ng spirit world na si Banawa ay namatay dahil sa pag-aalsa ng maraming Demi-gods."  Pag-uumpisa ng centaur sa kwento.

     "Suzerain, sinubukang labanan ng kamahalan ang mga nag-alsa na gustong bumaba at tumawid sa mundong ibabaw subalit naging kapalit nun ang pagkamatay ng kanyang asawa na si Yuso. At para maisalba ang nag-aagaw buhay na soul ni Yuso, inalay ng haring Banawa ang sariling buhay para mailigtas si Yuso. Patawad Suzerain, wala na akong balita kung nag-tagumpay ba na mareincarnate pa ang dalawang hari ng spirit world."

Lihim na naikuyom ni Veronica ang mga kamao.

Namatay ang kanyang matalik na kaibigan dahil lang pagkakamali ng Dyos ng ika-pitong firmament.

Ang ika-pitong firmament ay ang mundo kung saan naka-tira ang lumikha sa lahat ng Diyos ng lahat ng firmament. Ang pinag-mulan ng lahat ng kapangyarihan na namumuhay mula sa ilalim ng karagatan hanggang sa ika-anim na firmament na pinaninirahan ng mga nilalang na may mga anim na pakpak subalit walang katawan. Angels, kung tawagin ng mga tao sa mundong ibabaw.

      "Dalhin mo ako sa mana Crystal na sinasabi mo."  Sambit ni Veronica habang unti-unting humakbang palapit sa centaur.  "Sya nga pala, may asawa ka hindi ba? Bago ako napadpad dito sa Terra crevasse, may mga nangyayari nang kakaiba sa mundong ibabaw. I saw my father's boss, having an spirit beast like you."   Ani Veronica.

     "Huh? But my husband also died during the war in spirit world, Suzerain."  Sagot ng centaur.

     "Hmmm.. Then maybe, ginamit ni Banawa ang huling Command power niya, to make all spirit souls to be reincarnated in human world?"   Sagot ni Veronica.

Hindi na nakapag-tataka kung tama nga ang hinala niya. Dahil isa si Myra sa mayroong spirit beast na nakilala niya sa mundong ibabaw.  Dati itong stewardess na tulad niya at may dugong American. Simula ng hindi nito makontrol ang kapangyarihan ng spirit beast ay nag-paalam pa ito sa kanya na pupunta na sa US para magpagamot sa Ophorium laboratory. Wala na siyang balita after nun.

      "K-kung totoo man ang sinasabi nyo, then I want to go to the upper world, Suzerain."   Naka-yukong sagot ng centaur.

     "Naka-depende kung papayag ang hari ng Drakaya na anak ng taong tinaniman mo ng Kleris. Hindi kita hawak, at lalong hindi rin kita hahawakan."  Sagot ni Veronica.   "Now let's go." 

Nilingon ni Veronica si Ravi at Rowel na ngayon ay hawak nanaman ang gintong pigurin na naka-patong sa lamesa ng hari. Nasapo niya ang noo at napa-buntong hininga.

      "Your Highness, I'll let you punish those two thieves behind you." Aniya.

Sabay naman na napa-lingon ang hari at si Jevro sa dalawang napa-tayo ng tuwid.

Sa isang iglap lang, kumalansing sa sahig ang mga gintong pinanguha ng mga ito na inilagay sa spatial pouch ni Ravi.

      "Nika! Hindi ako ang nag-nakaw ng mga yan! Tinulungan ko lang si Ravi!"   Palatak ni Rowel.

      "Hey! I'm doing this because I need to put them to our master's bedroom!"   Paliwanag naman ni Ravi na naka-tingin kay Rowel.

Napa-iling nalang si Veronica at napa-titig kay Yohan.

Naka-titig sa kanya ang lalake na para bang may gusto itong sabihin sa kanya.  Pero nang maalala na binasted nga pala siya nito, mabilis niyang binawi ang tingin at hinarap ang centaur na naka-luhod parin.

     "Get up. Bring me to the mana Crystal."   Utos niya dito.

Naka-yukong lumapit si Ravi sa kanya at tsaka ipinulupot ang braso sa kanya. Pero nagulat si Veronica ng maramdaman ang isa pang braso na pumulupot din sa katawan niya.

Nang lingunin niya kung sino ang may-ari ng braso, lihim na napa-taas ang kanyang mga kilay. Yohan is hugging her as if he doesn't want her to be hugged by others.

Tumingala siya at tiningnan ang mata ng hari. He's not looking at her. Instead, he's staring at the centaur na ngayon ay naka-yukong nababalot ng tubig ni Ravi.

      "Cloud Mountain, Mana Crystal."    Banggit ng centaur.

Sa isang kisapmata lang, nasa lugar na sila kung saan tinatawag na blood river. No, it's not actually a blood river.. But rather,

Blood falls.

Ang dating malinaw na tubig ng falls ay kulay dugo na ngayon. Dahil sa dami ng halimaw na namamatay sa pag-lalaban makalapit lang sa mana Crystal.

       "Be careful.."  

Napa-flinch si Veronica ng marinig ang bulong ni Yohan sa kanyang tenga. His voice sounds hoarse and sexy.

     "En.. Thanks."  Sagot niya.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon