Mabilis na nag-iba ang anyo ni Jenny at Zion. Si Veronica naman at Ravi ay ganun din. Sina Veronica at Jenny lang ang mag-lalagay ng protective barrier subalit kailangan silang protektahan ng dalawang dragon.
Sina Clewin at Yohan naman ay nanatiling nasa ibaba lang at naka-tingala habang nanonood.
"Kakaiba man pakinggan ang sasabihin ko, subalit gusto kong ipaalam sa'yo na kung hindi mo babakuran si Suzerain, gagawin ko ang lahat para lang maging akin siya." Sambit ni Clewin habang naka-titig sa dalagang naka-unat ang mga kamay sa itaas.
Kasalukuyang gumagawa ng araw at buwan si Veronica habang gumagawa naman ng mga bituin si Jenny. Ang dalawang dragon ay patuloy na umiikot sa dalawang babae upang bigyan sila ng enerhiya.
"Ikinalulungkot ko, hanggang panaginip lang ang iniisip mo." Sagot ni Yohan habang naka-smirk.
"Panaginip? Paano mo nasabi?"
Umangat ang kamay ng dalawang pinuno ng dalawang kaharian upang protektahan ang kanilang mga mata laban sa nakakasilaw na liwanag na pinakawalan ng dalawang babae sa itaas.
"Veronica is mine. At ngayong alam ko na, na ang iyong ina ang totoong pansamantalang pumo-protekta sa buong Terra Crevasse, nagpa-plano na akong sumama sa kanya sa mundong ibabaw." Sagot ni Yohan.
Napa-luhod silang dalawa ni Clewin nang bigla na lang dumaan ang malakas na energy wave sa pwesto nilang dalawa. Kung ikukumpara ang protective barrier na ginawa ni Veronica sa Drakaya Kingdom sa protective barrier na ginawa ng dalawang dyosa ngayon, masasabi nyang mas makapal at mas makapangyarihan ang bagong ginawa.
"Nagbibiro ka lang sa sinabi mo, tama? Isa kang hari ng Drakaya, kaya alam mo na hindi ka pwedeng umalis." Gulat na sabi ni Clewin.
"Baka nakakalimutan mo, my father is back. He's healthy." Sagot naman ni Yohan habang tumatayo.
Hindi naka-sagot si Clewin. Ilang beses bumuka ang kanyang bibig subalit walang lumabas na tinig mula doon.
_____---__--__ TEASER___---- HINTAYIN NYO BUKAS (BLEHHH!)
BINABASA MO ANG
THE ABYS WHERE I BELONG
FantasíaBasahin nyo muna ang Revenge Journey Of The Phoenix bago nyo ito basahin. Dahil karugtong ito ng kwento ng RJOTP. Sa ilalim ng karagatan, na wala pang sino mang nakaka-alam kung anu-ano ang mga nilalang na nakatago sa kadiliman ng kailaliman, nag-l...