SHE HAS SUPERPOWER

271 15 1
                                    

   "Ahhhhhhhh.....!" Ang matinis na sigaw ni Veronica ang maririnig sa malawak na kabundukang kinaroroonan nila ng mga oras na iyon.

   "Stop shouting!" Bulyaw sa kanya ni Rowel habang hinihila siya palayo sa nangyayaring pag-lalaban ni Ravi at ng ilang rock goblins na naka-tambay pala sa lugar na pinag-teleport-an nila.

    "Oh sige! I-try mong huminahon sa panahon ngayon na hindi mo alam kung makakalabas ka pa ng buhay dito!"  Bulyaw din niya kay Rowel.

Matagal siyang tinitigan ng kaibigan at tsaka ito tumingin sa kaliwang bahagi ni Veronica kung saan may dumating na naman  na isa pang monster na iba na ang itsura. It has one eye on its forehead habang ang ulo nito ay parang ulo ng anteater.

     "A.. Ahhhhhh!" Napa-nganga si Nika ng si Rowel naman ang sumigaw at mabilis na tumayo at tumakbo palapit kay Ravi.

    "I told you! You can't calm down and relax here!"  Sigaw niya kay Rowel na may pang-aasar.

Hindi siya pinansin ni Rowel kaya napa-iling na lang si Veronica. Ilang segundo din siyang tahimik at nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa sitwasyon nila ngayon na kaliwa't-kanan ang mga monsters na bigla na lang sumusulpot, kung gusto niyang maka-balik sa orihinal niyang mundo. Kailangan niyang makipag-sapalaran upang kahit papano ay may pag-asa pa siyang maka-balik.

    "Grrrrr...!" Napa-flinch siya ng marinig ang ingay sa may likuran niya.

Dahan-dahan siyang napa-lingon sa kanyang likuran ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

    "Putcha! Nag-iisip pa lang ako kung paano ko kayo lalabanan, tapos nandito kana agad?! Ano to, tukso?!"  Gigil na bulyaw niya sa monster na lalo pang naging alerto.

Sa kanyang pag-hakbang paatras ay mabilis namang sumugod sa kanya ang halimaw at mabilis siyang tinalon. Literal na napa-mura si Veronica ng makita ang pag-salakay ng hayop na monster sa kanya. Sinubukan niyang umiwas kaya tumalon siya pa-kanan kung saan may maliit pala at mababaw na hukay.

    "Aray!"  She whimper.

Napa-pikit siya ng mariin ng maramdaman ang pag-guhit ng hapdi sa kanyang binti. Nasugatan siya sa kanyang bag-bagsak.

     "Fuck!"  Usal niya ng makita ang monster sa bunganga ng hukay na mukhang handa nanamangsumalakay sa kanya.

Hindi nga siya nag-kamali. Nang makita niyang tumalon ang halimaw ay pikit-matang iniunat niya ang mga kamay, isang kilos na otomatik na ginagawa ng katawan upang protektahan ang sarili. Kanina pa siya naka-pikit at hinihintay ang pag-bagsak ng halimaw sa kanya subalit wala pa rin siyang naramdaman.

   "As expected to my master, you still have that power within you."  Ang boses ni Ravi ang nag-pamulat ng kanyang mga mata.

Sa pag-mulat niya ay nakita niya ang halimaw na naka-lutang sa ere kalahating metro ang taas sa kanya. Ang mas nakaka-mangha pa, nababalot ito sa tubig na may kuryenteng umaatake dito. Sa takot, gulat at pag-tataka, mabilis niyang binawi ang mga kamay at muli din niyang iniunat ng makitang babagsak ang nasabing halimaw.

    "W-what... is happening right now?"  Naguguluhang tanong niya kay Ravi.

Napa-ngiti lang ang gwapon electric eel at saka nito kinuha ang halimaw gamit at sarili nitong kapangyarihan. Kasunod ay ini-angat nito si Veronica mula sa mababaw na butas.

     "You have bruises.."  Naka-simangot na sambit ni Ravi.

Gamit ang healing ability ng dragon ay pinahilom niya kaagad ang sugat ni Veronica bago niya ito pina-upo sa ibabaw ng bato na katamtaman ang laki. Nang igala ni Veronica ang paningin sa paligid, napa-nganga siya ng makitang mga patay na goblins, animal monsters ang nakapalibot sa lugar na pinag-pwestuhan nila.  Kasalukuyang nangunguha ng katamtamang laki ng hita ng hayop na mukhang baboy si Rowel.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon