WHO ALLOWS HER TO LEAVE?

158 13 3
                                    

Tatlong oras pagkatapos mawalan ng malay si Veronica.

Bubuhatin na sana ni Clewin ang walang malay na si Veronica nang biglang naglutangan ang mga gintong bato sa paligid ng Hanaj Palace. Pag-lingon niya sa hari ng Drakaya, kitang-kita ni Clewin ang galit sa mga mata ng binatang hari. Gayunpaman, nagawa niyang utusan ang isang pinagkakatiwalaan taga silbi sa palasyo upang dalhin ang walang malay na si Veronica sa loob ng kwarto.

"Bingi ka ba? Sinabi ko na ibigay mo siya sa akin diba?" Madilim ang anyo na turuan ni Yohan.

Nag-tilt lang ng ulo si Clewin at isang smirk ang kanyang pinakawalan.  "Ako ang bingi? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Miss Veronica? She doesn't want to see you anymore, so leave." Sagot naman ni Clewin habang dahan-dahan humahakbang palabas ng malaking pinto ng palasyo.

Mariing napa-tiim ng bagang si Yohan. Narinig niya yun, loud ang clear. Pero gusto niyang makausap si Veronica, privately and alone. Alam niya sa sarili niya na hindi maganda ang naging simula nilang dalawa. At alam niya din na masama ang loob ni Veronica sa kanya. Or baka nga hindi lang masama, kundi talagang galit na sa kanya ang dalaga.

"Kung ayaw mo siyang ibigay sa akin ng kusa, then let me take her away forcefully."  Ani Yohan kasabay ng pag-angat ng dalawa niyang kamay.

Sa isang iglap lang, lahat ng gintong bato at mga sandata sa training ground ng Hanaj ay pumaikot kay Yohan. Para bang ipo-ipo na umiikot kay Yohan. However, nanlaki ang kanyang mga mata ng bigla na lang umangat ang lupa sa paligid niya. Clewin is now using the power of the earth at plano niyang ikulong si Yohan sa makapal na lupa.

"Your Highness, baka nakakalimutan mo na dito ka ngayon sa palasyo ng Hanaj. Sa kaharian ng mga Elf. Hindi ko alam kung ano ang kwento ninyong dalawa ni Veronica. But since she already turned her back from you, ibig sabihin lang nun, na ayaw na niya sa iyo." Ani Clewin.

"Shut up! Wala kang alam. At baka nakakalimutan mo rin, anak ako ng dating hari ng Drakaya. I have his blood running through my veins." 

Bahagyang natameme si Clewin nang marinig ang sinabi ni Yohan. Yes, he's right. Anak ng dating hari ng Drakaya si Yohan, at ibig sabihin nun, alam din ni Yohan ang orihinal na kapangyarihan ng mga Drakanians. And that power named,  Gravity.

Tumagis ang mga ngipin ni Clewin ng makita niyang bumalik sa patag ang lupa na kanyang pinataas. Since they both have almost the same power, bakit hindi na lang sila maglaban using swords?  Iniunat ni Clewin ang kanyang braso at sa isang iglap lang, napasa-kamay niya ang isang puting espada na may guhit na kulay green. It's the treasure sword ng mga Hanajian na dating ginagamit ng dating hari na siya ring ama niya. Yohan did the same.

"Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong katulad mo na hindi marunong magpahalaga sa mga bagay na nasa harapan mo na. Tapos ngayong wala na sayo, bago marerealize na mahalaga pala ang bagay na yun.  Nang banggitin ni Veronica ang mga salitang ayaw ka na niyang makita, ramdam ko sa mga salita niya ang sakit. Huhulaan ko, tinulungan ka niya ng maraming beses pero pangit ang isinukli mo?"   Mahabang salaysay ni Clewin na lalong nagpa-dilim sa anyo ni Yohan.

"Kung ano man ang nangyari sa aming dalawa, sa amin lang yun. At labas ka dun. So if I were you, just step aside and let me in, bago ko pa ubusin ang lahi mo."

"That's quite a threat. Kaya lang, you're alone. Maliban pa dun, kung sakaling magtagumpay ka nga na makuha si Veronica. Handa ka na bang marinig kung ano ang mga sasabihin nya?"  Naka-ngising sagot ni Clewin.

Isang pag-atake ang naging sagot ni Yohan sa sinabi ni Clewin. Mabilis namang naka-iwas si Clewin. Ilang segundong nagpalitan ng swords slashing ang dalawa.

"Nakaka-tawa ka. Ikaw na tinaguriang Tyrant ng buong Terra Crevasse. Isa pa lang tanga na hindi alam kung ano ang nararamdaman sa isang babae? Kaya ba umabot ka sa edad mo ngayon na wala man lang naging girlfriend?" Pang-aasar pa ni Clewin.

"Who's talking?! Baka nakakalimutan mo, mahigit 100 years old kana! Pero hanggang ngayon, single ka parin."  Sagot naman ni Yohan kasabay ng pag-control niya sa gravity kung saan nakatayo si Clewin na biglang natahimik.

Mabilis na ginamit ni Clewin ang power of the wind Kaya naka-lutang siya sa hangin. Napa-tingin siya sa kanyang braso. There's blood in there. Pag sulyap niya kay Yohan, he is also bleeding.

"Tell me, have you just realized na importante sayo si Veronica? Ngayong nagdesisyon na sya na layuan ka?"  Si Clewin ulit.

Sunod-sunod na napalunok si Yohan. Mahigpit niyang naikuyom ang mga palad at napa-tiim bagang. Importante ba sa kanya si Veronica? How important? Dahil alam niyang malakas at makapangyarihan si Veronica?

"Well, masamang balita para sayo. Para sa kaalaman mo, pagkatapos ng mission na ibinigay ni Veronica sa mga kasamahan niya, they will open the portal back to their world. Sa madaling salita, paalis na sila sa mundo ng Terra crevasse."  

"What?!"  Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Yohan sa narinig.

Kasabay nun ay ang pag-dilim ng kalangitan. Sabay na napatingala ang dalawa at nasaksihan nila pareho ang pag-wala ng buwan. Nang muling lumiwanag, nanatiling walang imik ang dalawa. Until they heard Ravi's voice.

"What the hell?!"  Si Ravi, karga ang walang malay at duguang si Rowel.

Lalong napatuwid ng tayo ang dalawa ng makita ang iba pang kasama ng grupo ni Ravi. Ang mga Embers. Nang makita ni Yohan ang taong muntik nang pumatay sa kanya noon, muling bumalasik ang kanyang anyo at akmang aatakihin si Ramil nang biglang binalot ni Ravi ng protective barrier ang grupo.

"You, stop there! Bakit nandito kapa? Hindi ba at sinabi na sayo ni Master na ayaw ka na nyang makita?! Ano? Hindi kapa nakontento sa tatlong beses mo na pag-tangkang patayin siya?! Wag kang mag-alala, she's leaving! Kasama ng taong mortal mong kaaway." Nanlilisik ang mga matang sabi ni Ravi.

"Leaving? Who allows her to leave?"  Malalim ang boses na sagot ni Yohan.

Hindi siya papayag na umalis si Veronica. Okay lang bumalik ang ibang Huluwa sa mundong ibabaw, but not Veronica.

"Your Highness, walang sino man sa mundong to ang nag-mamay-ari kay Master. Pwede siyang pumunta at umalis kung kailan niya gusto. Pero teka lang, hindi ba't galit ka sa kanya? Bakit parang iba ang nakikita ko sayo ngayon?"

"Well, siguro na realize na nya ang katangahan nya?" Si Clewin ang sumagot.

Isang batong ginto ang mabilis na tumilapon sa deriksyon nya. Bagama't na-iwasan naman nya ang atake ni Yohan, ginantihan naman nya ito ng nakakalokong ngiti.

"Kung ganun man, it's too late. I already have the soul bead na kailangan ni Master upang mabuksan na ang portal patawid sa mundong ibabaw. Yohan, tinatawag kita sa pangalan mo ngayon upang sabihin sayo na, you, don't deserve my Master. So please just leave." Seryosong sabi ni Ravi bago nag-patuloy sa pag-pasok sa palasyo.

Sumunod si Clewin pagkatapos niyang tapunan ng sulyap si Yohan. Ang hari naman ng Drakaya ay nanatiling na-estatwa sa kanyang pwesto dahil sa narinig.

Tanga ba talaga siya? Aaminin niyang noong una ay talagang galit siya kay Veronica. No, actually nung una at pangalawang beses.. About naman sa pangatlong beses na tinutukan niya ito ng espada, paano niya ba ipapaliwanag na hindi niya kontrolado ang sariling katawan ng mga sandaling yun? Narinig niya lang ang serena na umaawit that time, and after that, isang ilusyon ang kanyang nakita.

Nang mapatay ni Veronica ang serena, bago lang siya bumalik sa sariling katinuan, but she's already gone. Kaya NGA sumunod siya dito sa Hanaj Kingdom para mag-paliwanag. But Veronica already had enough of him.

Huli na nga ba talaga ang lahat para sa kanya? Marami siyang dahilan kung bakit niya tinatanggihan ang pagko-confess ng dalaga. Unang-una, sa kaharian ng Drakaya, dapat ang lalake ang manunuyo sa babae. Ang lalake dapat ang unang aamin ng nararamdaman. Kung sakaling makakatanggap man ang lalake ng confession, he has to reject her kahit pa, parehas sila ng nararamdaman.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon