THE LAST FIGHT

140 10 4
                                    

Hindi naka-galaw si Jevro nang makita niyang pumikit ang mga mata ni Hasseem. Kaibigan niya ang lalake pero hindi niya alam na iba pala ang turing nito sa kanya. At isa pa, kung masasaktan man siya ngayon, iyon ay dahil sa pag-sisisi na hindi niya ito pinahalagahan kahit pa ito ang nag-mamay-ari nang kalahati ng kanyang buhay. Hindi niya alam kung mapapatawad ba siya ni Hasseem, pero kailangan niyang kumilos upang mailayo si Hasseem sa lugar na pinaglalabanan ng mga Dyos at Dyosa ng bawat firmament.

"Don't worry, he's not dead. Binawi lang nang Creftus  ang kapangyarihan na pinahiram sa kanya." 

Ang boses ni Ravi ang pumukaw sa naglalakbay na isip ni Jevro. Nanginginig ang mga kamay na sinulyapan niya ang lalake.

"H-hes not dead? Talaga?" Tanong niya habang ilang beses ding napalunok.

Bago sagutin, tinitigan siya ni Ravi ng matagal bago ito napa-smirk. "Sinasabi mo sa sarili mo na kaibigan lang ang turing mo sa kanya, then why are you trembling and even crying?"

As a mythical creature na nilikha ni Suzerain, Ravi has the ability to read mind. Syempre iyon dahil kay Suzerain. Ibinigay sa kanya ng kanyang master ang kakayahan upang kahit papano ay kaya niyang makipag-communicate sa ibang nilalang sa mundong ilalim.

"Anong pinagsasabi mo? Natural na malulungkot ako dahil siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. Hindi ako manhid para hindi makaramdam ng emosyon."  Sagot ni Jevro na ngayon ay nakaluhod na sa tabi ni Hasseem at dahan-dahang inaangat ang katawan ng lalake.

"Oh! I see.. Do you want to wake him up?"

"Of course I do!"  Mabilis na sagot ni Jevro. 

"Well, may isang paraan para mangyari yun. Kaya lang, kailangan nang determinasyon mo." Makahulugang sagot ni Ravi.

Kunot ang noo na napa-tingin si Jevro sa kanya. Magsasalita na sana ito nang biglang may sumabog sa loob ng kweba. Kasunod nun ang animo pag-putok ng bulkan dahil sa malakas ng apoy na kumawala doon. Na sinundan pa ng sunod-sunod na pag-bagsak ng kidlat mula sa kalangitan. Mukhang nag-simula na ang seryosong paglalaban sa loob ng kweba.

"Hah! Kailangan ko nang tulungan ang master ko."  Mahinang usal ni Ravi.

"But... What about Hasseem?"

Sinulyapan ni Ravi si Jevro bago sumagot. "Kung gusto mo siyang mabuhay, ibalik mo ang kalahati nang kanyang buhay na ibinigay niya sayo. But! I'm warning you, kapag ginawa mo yun, you'll die. Siguro naman alam mo na ang magiging reaksyon ni Hasseem kapag nagising siya na patay ka na?" 

Parang naistatwa si Jevro sa narinig. His life, in exchange to Hasseem's. Naikuyom niya ang sariling kamao.

"Bago bumukas ang portal patungo sa mundong ibabaw, hanapin mo ako kung nakapag-desisyon kana. I can help you return the essence of his life." Muling sabi ni Ravi bago nag-transform as gigantic dragon at tuluyan na ngang pumunta sa lokasyon ng laban.

Samantala, malakas na tumilapon ang katawan ni Veronica nang sinubukan niyang I-block ang atake ng Creftus. Isang malakas na pag-daing ang kanyang namutawi. Mabuti na lang, naagaw ni Jenny ang atensyon ng Creftus bago pa ito muling umatake.

Zion is trying to control it using his wind of chaos. Ginamit naman ni Jenny ang kanyang Eternal flame. Subalit dahil ang Creftus ay halos kasin-lakas ng Kung of all Gods, talagang nahihirapan sila. Jenny is now bleeding too katulad ni Zion. Veronica is also injured.

"Ramil!"  Malakas na pag-tawag ni Veronica kay Ramil nang makita niya itong nakasakay sa ACON.

"I'm here!"  Ganting sigaw ni Ramil.

"Prepare the black hole!"   Ani naman ni Jenny habang sinusubukang gawing busy ang Creftus.

Mabilis namang sumunod si Ramil. Talking with his contracted beast. Isang malakas na roar ang pinakawalan ng ACON na halos magpabingi sa kanilang lahat. Subalit sa di inaasahang pangyayari, bigla na lang naging maayos kanilang sitwasyon, their wounds suddenly healing. At nang lingunin ni Veronica ang paligid, nakita niya ang dalawang matangkad na nilalang sa may di-kalayuan. Their silver hairs dancing with Zion's wind. Ang kanilang ginintuang mga mata ang kumikinang na para pang naglalaro sa apoy ni Jenny.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon