EMBERS

182 11 3
                                    

Sa tulong ng invisible barrier na ibinalot ni Ravi sa grupo nila, walang ano mang halimaw ang matagumpay na naka-lapit sa kanila upang umatake. Ang amoy ng paligid ay parang nabubulok na patay na hayop na sobrang sakit sa ilong.

Kung mahina ang sikmura mo tulad ni Rowel, malamang ay masusuka ka narin.

Napa-tingala si Veronica sa may bato na pinag-mumulan ng tubig na bumabagsak sa batuhan na nasa paanan ng talon. Isang kulay puting Crystal ang naka-patong doon na halos kasin-laki ng bola ng basketball sa mundong ibabaw. Bagamat hindi ito bilog dahil sa mga tapyas na likha ng pagka-kagawa ng nasabing Crystal.

Hindi na nga maipag-kakaila na ang nasabing Crystal ay galing mismo sa ika-pitong firmament. Dahil kahit limang dipa ang layo ni Veronica  sa posisyon niyon, ay ramdam niya ang kapangyarihang taglay ng nasabing Crystal.

      "𝑱𝒖𝒔𝒕 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒍𝒍 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒆𝒅 𝒖𝒑 𝒕𝒉𝒆𝒓𝒆?! 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒐𝒖𝒔𝒍𝒚?!"  Sigaw ni Veronica sa sariling isip habang naka-titig sa kumikinang na bato.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago akmang lalapit na sana dito ng biglang nag-kagulo ang mga halimaw na naka-palibot sa falls.

Malalim na napa-kunot ang kanyang noo ng mapansin ang isang malaking anino na pumatong sa pinaka-tuktok ng bundok.

     "Acon! Miss, be careful! EMBERS are here!"  Malakas na pag-babala ni Jevro habang mabilis na hinugot ang sariling espada mula sa kaluban.

Naramdaman din ni Veronica ang muling pag-pulupot ng braso ni Yohan sa kanya, at ang pagiging aware ng Centaur sa harapan niya.

Meanwhile, Ravi and Rowel are just playing with the small creature namukhang fluffy ball pero may mata, ilong at bibig. Kulay puti ang kulay nito na may maliit na buntot na kasing bilog lang ng bola ng jackstone. Ang laki ng nasabing creature ay kasinlaki lang ng tasa ng kape.

      "How did they know that we're here?"  Tanong ni Yohan kay Jevro.

     "I'm sorry your Highness. I also have no idea."   Sagot namn ni Jevro.

Nanatiling walang imik si Veronica habang naka-tingin sa Acon. Ngayon nya lang napansin ang tipak ng Crystal sa dibdib ng nasabing halimaw. Para bang naroon na ang tipak ng Crystal na iyon, simula pa ng ipinanganak ang nasabing Acon.

      "Impossible."   Namutawi ni Veronica habang naka-kunot ang noo.

      "Master?"  Tawag pansin sa kanya ni Ravi.

Nilingon niya ang dragon at tsaka muling ibinalik ang tingin sa Acon.

     "How the hell, that the God's King general pet, is in my territory?"  Pabulong na tanong niya kay Ravi.

Ang hayop na tinatawag na Acon sa mundo ng Terra Crevasse ay hindi uri ng halimaw na ginawa niya. Ang kulay pulang Crystal na naka-tanim sa dibdib nito ay isang patunay na ang hayop ay galing pa sa ika-pitong firmament. Kung maglalaban ang Acon at ang Phoenix, masasabi niyang malalagay sa alanganin ang buhay ng fire bird. Yan ay kung alam ng kasalakuyang tumatayong master ng nasabing halimaw ang totoong kapangyarihan ng Acon.

Gwanfy- Paboritong hayop ng King of all Gods na si Nyuweku. Ang totoong kapangyarihan ng nasabing hayop ay Immortal flames and dimensional puller. In other words, ang Gwanfy lang ang may kakayahang gumawa ng blackhole na kayang humigop sa ano mang uri ng solar system sa buong kalawakan.

Nyuweku- Ang pinag-mulan at lumikha ng lahat ng Dyos at firmaments sa buong kalawakan. Nag-iisang Dyos ng lahat ng mga Dyos.

     "Miss, tulad ng sinabi ko, kahit sino sa spirit world ay wala ring alam kung paano nag-karoon ng mga kakaibang phenomenon sa buong firmament. Kung totoong may mga spirit beasts na sa mundong ibabaw na pina-mumunuan ni Seyuha, maaring magkaroon ng pangkalahatang pag-babago sa buong Firmaments."   Sambit ng Centaur na ngayon ay nanginginig dahil sa lakas ng pressure ng Mana Crystal.

     "Wag muna tayo mag-focus sa problema ng ibang mundo, I'm more concerned about Terra Crevasse."   Madilim ang anyo na sagot ni Veronica.

Napa-yuko ang centaur. At dahil sa kailangan pa ni Veronica ang ibang istorya na tanging ang Centaur lang may alam, lihim niya itong binigyan ng physical barrier. Nilingon siya nito ng mapansin ang ginawa niya.

    "Thank you.."  Anito.

Isang tango lang ang ibinigay ni Veronica dito.

      "Ravi, kapalan mo ang barrier. Wala akong oras para makipag-buno sa mga halimaw na yan, I'm here to get the crystal."   Utos ni Veronica sa dragon.

      "Yes master!"  Sagot naman nito.

      "Paano mo kukunin ang Mana Crystal? The Embers leader is in there!"  Tanong ni Yohan sa kanya.

Tiningala ni Veronica ang tinutukoy ng hari.

Yes, he's right. Kaya lang, wala naman siyang pakialam sa Embers.

Iniunat niya ang kamay paharap sa pwesto ng Crystal. Malakas na humuni ang iba't ibang uri ng halimaw ng gumalaw ang Mana Crystal. May nag-liparan habang ang ilan ay tumalon-talon.

Sa kabilang banda, malakas na humuni ang Acon at matalim ang tingin na ibinato kay Veronica. Nakita din niya ang lalakeng naka-sakay dito habang naka-titig sa pwesto ni Rowel.

     "Here they comes!"   Sigaw ni Jevro ng mapansin ang mabilis na pag-bulusok ng mga Sikriya papunta sa kanila, habang ang ilang pang-lupang mga halimaw naman ay sumugod na rin."

       "How strong your barrier, Ravi?"  Tanong ni Veronica.

      "Don't worry Master, mas matibay pa ito sa 100 kilometrong kapal ng lupain galing sa ibabaw."   Naka-ngiting sagot ni Ravi.

Gayunpaman, nag-handa pa rin si Yohan at Jevro sa posibleng mangyari.

       "Rowie!!!"  Isang malakas na sigaw ng lalakeng naka-sakay sa likod ng Acon ang pumukaw sa atensyon ni Veronica at ng mga kasama niya.

Nilingon niya si Yohan. "Who is he calling?"  Tanong niya sa hari.

      "Not me." Sagot nito.

      "How did he know my nickname?"  Inosenteng tanong ni Rowel habang naka-titig sa lalakeng tumawag.

Sabay-sabay silang napa-lingon kay Rowel.

Si Yohan ang lihim na napa-kuyom ang mga kamao. Alam niya kung bakit at ano ang dahilan. Subalit hindi siya pwedeng mag-salita. Dahil sa nakikita niyang reaksyon ni Rowel, halatang wala itong alam sa totoong katauhan nito.

Si Rowel ay anak ng kanyang Tiyuhin na leader ng mga EMBERS, at si Rowel ay ang kanyang nag-iisang pinsan sa dugo ng kanyang Inang Reyna.

Sa madaling salita, si Rowel ay may dugong bughaw na pwedeng maging kasunod sa linya ng isang prinsipe ng kaharian na pinamumunuan ni Yohan. Nag-iisang taga-pagmana ng kanyang korona kung sakaling hindi siya magkakaroon ng taga-pagmana.

      "I don't know either. Is he your fan?"  Tanong ni Ravi.

      "Fan? Flight attendant ako, hindi actor!"  Bulyaw ni Rowel kay Ravi.

Si Veronica naman ay patuloy na nag-concentrate sa pag-kuha ng Crystal. Nang umangat ang Mana Crystal, isang bolang apoy ang pinakawalan ng Acon. Gayunpaman, sa isang kumpas lang din ng daliri ni Veronica, parang nilamon ng kawalan ang apoy ng Acon.

Labis na natigilan ang sakay ng halimaw na ngayon ay namula na sa galit.

     "Return that Crystal to me!"  Sigaw nito.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon