SHOCKING REALITY

279 17 1
                                    

Kunot noong tinitigan siya ng lalake at ganun din naman siya dito. Habang tumatagal ang kanilang pagti-titigan, napapansin ni Veronica na lalong nadadag-dagan ang galit na namumuo sa mata ng lalake. Gayunpaman, hindi siya bumawi ng tingin hangga't hindi ito nag-sasalitang muli.

     "Have you encountered an accident yesterday?"  Sa halip na sagutin siya ng lalake, tinanung pa siya.

Napa-isip si Veronica. Yesterday, yeah.. nasapo niya ang dibdib ng maalala ang nangyari kahapon. Automatic na napa-luha siya kaagad ng maalala ang mga kasamahan na nakita niyang napa-sama sa sumabog na eroplano. Naikuyom niya ang palad na naka-hawak sa kumot at nanginginig ang katawan na hinagilap niya ng tingin si Rowel.

     "Tayo lang bang dalawa ang talagang naka-ligtas?" Pumipiyok na tanong niya sa katrabaho na agad namang tumango bilang sagot.

     "Huh!" Pabagsak na nahiga ulit si Veronica at ipinatong ang kanyang braso sa may noo.   "Then, where are we now?"  Naka-pikit na tanong niya.

     "I told you, you're at my palace."  Narinig niyang sagot ng masungit na may-ari ng palasyo.

     "Palace.. England?"  Mahinang usal niya.

Sa totoo lang, alam niyang hindi sila sa England. Obvious naman na marunong managalog ang mga naka-tira sa palasyo na sinasabi ng lalake. Subalit kahit papano, gusto niyang umasa na buhay pa siya at maari pang bumalik sa mga magulang niya.

     "No, you're in Drakaya Kingdom. Located in dragon's triangle."  Sagot ulit ng lalake.

Walang tinig na namutawi si Veronica. Subalit nakita ng lahat ng tao sa loob ng kwarto na mahigpit niyang ikinuyom ang palad. Gumalaw din ang kanyang panga na nagpapahiwatig na naka-tiim ang mga bagang niya. Dragon's Triangle, is a place na pangalawa sa Bermuda Triangle na matatagpuan sa Romblon. Walang ano mang sasakyan ang nakakabalik kapag napa-daan sa lugar.

      "This place is my territory, but it's just a part of the entire land. It seems that you're a new comer. So sasabihin ko na sa iyo kaagad ang mga patakaran ko sa palasyo..." 
    
     "May paraan ba para maka-balik kami sa mundo namin?"  Ang masiglang boses ni Veronica ay napalitan ng malamig at walang buhay na tinig.

Nang wala siyang narinig na sagot, lihim siyang napalunok. So, walang paraan para maka-balik sa mundong ibabaw na kinabibilangan niya? Then, paano ang mga magulang niya na umaasa sa kanya?

      "If there's a way, wala na sanang Huluwa dito sa Drakaya."  Ilang sandali pa bago niya narinig ang sagot ng lalake.

       "Are we still alive?"  Tanong niya ulit.

       "Yes." 

       "Can you kill me?" 

Ang tanong ni Veronica ang nag-patayo ng tuwid sa tatlong lalakeng naroroon. Kung hindi rin lang siya makakabalik sa mga magulang niya, then what's the point of being alive?

     "I can't do that. But you really wanted to die. You can go to the Black Fog mountain."  Walang pakialam na sagot ng lalake.

Ang Drakaya ay malaking lupain na sakop ng Terra Crevasse. Lugar na katulad ng mundong ibabaw, may sarili iting araw, buwan at bituin. Ang buwan sa Terra Crevasse ay pito, ang pitong buwan ay sumisimbolo sa tunay na diyos ng mga taga Terra Crevasse, Ang Bakunawa.

Ang Black Fog Mountain ay matatagpuan sa may timog-kanluran ng lugar, dito namamahay ang mga halimaw na kinatatakutan ng mga taong naninirahan sa lugar. Kung paano mauubos ang mga halimaw ay wala paring nakaka-alam. Bagamat nagkaroon ng discovery noon na pwedeng alagaan ang mga nasabing halimaw. Tulad ng ginawa ng dating tiyuhin ng prinsipe na ngayon ay isa ng hari ng Drakaya.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon