SEX DRUNK part one -Official

189 11 2
                                    

Mabilis na nag-iba ang anyo ni Jenny at Zion. Si Veronica naman at Ravi ay ganun din. Sina Veronica at Jenny lang ang mag-lalagay ng protective barrier subalit kailangan silang protektahan ng dalawang dragon.

Sina Clewin at Yohan naman ay nanatiling nasa ibaba lang at naka-tingala habang nanonood.

"Kakaiba man pakinggan ang sasabihin ko, subalit gusto kong ipaalam sa'yo na kung hindi mo babakuran si Suzerain, gagawin ko ang lahat para lang maging akin siya."   Sambit ni Clewin habang naka-titig sa dalagang naka-unat ang mga kamay sa itaas.

Kasalukuyang gumagawa ng araw at buwan si Veronica habang gumagawa naman ng mga bituin si Jenny. Ang dalawang dragon ay patuloy na umiikot sa dalawang babae upang bigyan sila ng enerhiya.

"Ikinalulungkot ko, hanggang panaginip lang ang iniisip mo."  Sagot ni Yohan habang naka-smirk.

"Panaginip? Paano mo nasabi?" 

Umangat ang kamay ng dalawang pinuno ng dalawang kaharian upang protektahan ang kanilang mga mata laban sa nakakasilaw na liwanag na pinakawalan ng dalawang babae sa itaas.

"Veronica is mine. At ngayong alam ko na, na ang iyong ina ang totoong pansamantalang pumo-protekta sa buong Terra Crevasse, nagpa-plano na akong sumama sa kanya sa mundong ibabaw."  Sagot ni Yohan.

Napa-luhod silang dalawa ni Clewin nang bigla na lang dumaan ang malakas na energy wave sa pwesto nilang dalawa. Kung ikukumpara ang protective barrier na ginawa ni Veronica sa Drakaya Kingdom sa protective barrier na ginawa ng dalawang dyosa ngayon, masasabi nyang mas makapal at mas makapangyarihan ang bagong ginawa.

"Nagbibiro ka lang sa sinabi mo, tama? Isa kang hari ng Drakaya, kaya alam mo na hindi ka pwedeng umalis." Gulat na sabi ni Clewin.

"Baka nakakalimutan mo, my father is back. He's healthy."  Sagot naman ni Yohan habang tumatayo.

Hindi naka-sagot si Clewin. Ilang beses bumuka ang kanyang bibig subalit walang lumabas na tinig mula doon.

Ilang sandali pa, nawala ang barrier sa pagitan ng Hanaj at Drakaya Kingdoms. Humarurot din paitaas ang ibon ni Clewin na ginamit niya upang mag-hatid ng mensahe kay Veronica noong nakaraang araw.  Higit pa doon, ramdam ni Clewin ang kakaibang atmospera sa bagong barrier na ginawa ng dalawang Dyosa.

Maihahalintulad sa kumikinang na dyamante na nasisinagan ng araw ang apat na nilalang na kasalukuyang bumababa na mula sa itaas.

"Sumakay kana sa likod ni Ravi, Kamahalan."  Ani Veronica kay Yohan habang hindi ito matitigan man lang sa mga mata.   "Mabuti naman at lumabas na kayo. Rowel, Uncle Ramil, sumunod na lang kayo papunta sa Drakaya."  Dugtong pa niya.

Kalalabas lang nina Rowel kasama ang 6 pang natitirang EMBERS.

"Siya ba ang sinasabi mong master ng Gwanty?"  Tanong ni Jenny kay Veronica.

Si Yohan ay busy na sa pag-akyat sa likod ni Ravi.

"Yes. We need him for this dangerous fight."  Makahulugang sagot ni Veronica na nag-patigil kay Yohan sa pag-kilos.

Tumango lang naman si Jenny habang naka-tingin sa ginagawa nang mga tao sa ibaba. Ilang sandali pa, nagulat ang lahat ng dakmain ni Ravi si Rowel. Malalaki ang kanyang mala-kamay na paa sa unahan kaya kasya doon si Rowel.

"Yung ibang kasama, pwede kayong sumakay sa likod ng Asawa ko."  Ani Jenny. Si Zion naman ay lumapag din sa lupa upang bigyan daan ang mga sasakay.

Tanging si Ramil lang ang hindi sumakay dahil hinihintay niya ang Acon. At ilang sandali pa nga, dumating na. Umangat ang lahat at masayang nag-paalam kay Clewin. Pero bago yun, nag-iwan pa ng salita si Veronica.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon