SEDIORPINO KINGDOM

185 14 0
                                    

"Excuse me, ready na ang teleportation array. May isa lang akong gustong ipaalala sa inyo kapag nasa Sediorpino na tayo."  Agaw pansin ni Nexus sa tahimik na si Veronica.

"Say it."  Sagot naman ni Veronica na dahan-dahang tumayo mula sa pagkaka-upo at lumapit sa kinatatayuan ng lalake na kung saan ay may naka-palibot na array.

Ngayon ay malinaw na sa isip niya na hindi nga normal ang kaharian ng Sediorpino. Sa buong Terra crevasse, tanging si Ravi at siya lang may alam kung paano gumawa ng array. Itinuro niya sa dragon ang pag-gawa nun nung sila palang dalawa ang nasa Terra Crevasse. Maliban sa kanilang dalawa, tanging ang mga taga-ibang firmaments na ang may alam. Especially the Devine firmaments.

"Don't use your power inside the kingdom. Para sa kaligtasan ninyong tatlo. Nabanggit ko na kanina, hindi tumatanggap ng Huluwa ang Sediorpino kingdom. Kaya kung gagamit kayo ng kapangyarihan ng Huluwa sa loob, may posibilidad na makulong kayo at baka hatulan ng kamatayan ng hari ng Palasyo." Mahabang salaysay ni Nexus.

Hindi umimik si Veronica. Tahimik lang siyang nag-iisip. Kung bawal ang mahika sa loob, maaring may lihim na dahilan na pwedeng mag-trigger sa tinatagong lihim ng kaharian. Kung gayun nga, isn't it quite interesting?

"Naintindihan ko."   Sagot ni Veronica habang nililingon ang dalawa sa likuran niya na marahan namang tumango.

"Salamat." Sagot ni Nexus.

Tinawag ni Veronica ang dalawa na pumasok na sa array para makapag-teleport na sila. Isang smirk ang pinakawalan ni Ravi ng matanggap ang lihim na sinabi ni Veronica sa kanya gamit ang mind communication. Nang pumatak ang dugo ni Nexus sa array, kumislap ito kasabay ng unti-unting pag-activate at tsaka sila tuluyang nilamon ng maliwanag na mahika ng array. Sa isang kisapmata lang, nagbago ang paligid nilang apat.

Parang uminit ang crystal na nasa noo ni Veronica ng sa wakas ay tumapak ang kanyang mga paa sa kaharian ng Sediorpino. Ang paligid ay napapaligiran ng kulay itim na puno makikita lamang sa 4th firmaments. Black Trees, isang uri ng puno na humihigop ng black energy sa paligid na pinagtataguan nito. Maaring kulay asul ang dahon ng puno subalit Black Trees ang tawag dito. Kaya din nitong humigop ng mahika. Ginagamit ang Black trees para gawing pathway ng kapangyarihan ng black crystal para maging mas malakas ang sino mang gumagamit.

But there's a weakness in every thing that Nyuweku created. Ang Black Trees ay pwede ring gawing sandata laban sa gumagamit ng black crystal. Bawat black trees ay mayroong tinatawag na core na siyang humihigop ng energy sa paligid. Ang sino mang maka-kuha ng core ay may kakayahang patayin ang sino mang humahawak ng black crystal sa pamamagitan ng pag-bawi ng enerhiya na ibinigay ng core sa crystal.

"Welcome to Sediorpino. Tulad ng sinabi ko, bawal gumamit ng kapangyarihan sa kaharian. Please follow me."  Wika ni Nexus.

Lihim na napa-smirk si Veronica. Ang dahilan kung bakit pinagbabawalan ang sino mang gumamit ng mahika sa Sediorpino ay dahil, maaring matuklasan ng Huluwa ang tinatagong lihim ng Black trees. Kapag nangyari yun, katapusan na ng buong Sediorpino kingdom. How sad, Veronica knew it all kahit hindi na niya gamitin pa ang kapangyarihan niya.

Napalingon siya sa may bandang kanan. Maraming mga tao ang naka-palibot sa isang sementadong square box na kung saan ay parang may mga veins na kumalat sa palibot ng sementadong flooring. At bawat veins ay may mga taong naka-upo habang naka-pikit ang mga mata. It's as if, they are charging.

"Wag nyo silang pansinin. Dito ang daan papunta sa kingdom Hall. Inaasahan na ng hari ang Pag-dating ninyo sa palasyo. Anyway, the king is my older brother."  Muling sambit ni Nexus habang lumalakad at sinusundan naman nila.

"Kuya mo, I see. Then, you are a prince?"  Tanong ni Veronica na kunwari ay namangha sa narinig.

"Yes."  Sagot ni Nexus.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon