THE UNIQUE PROPOSAL

164 13 3
                                    

Ilang beses na napa-kurap si Veronica bago nakabawi sa pagkabigla. Alam niyang isa lang siyang anak ng mga magulang, subalit nawala siya ng ilang buwan. How did they say na magbigay na agad siya ng apo sa mga ito? Is this a sign na okay lang na mawala siya basta may apo ang mga ito na kasama?

"That.. According to our Palace rules, Hindi po pwedeng mabuntis ang babae kapag hindi pa kasal. Especially po kapag mapapangasawa ng Hari."  Kanda-utal na sagot ni Yohan na muntik ng magpasamid kay Veronica.

"Oh! So ibig sabihin, dapat ikasal muna kayo?"  Napa-palakpak pa na tanong ng ama ni Veronica.

"Yes.. But..."

"Then that's great!"  Sagot naman ng ina ni Veronica bago humarap sa anak.  "Bilisan mo na magpagaling, we need to prepare for your wedding!"  Anito.

Napanganga naman si Veronica bilang reaksyon. "Ma, Pa, ayaw nyo na ba sa akin? Kababalik ko lang, bakit parang pinagtatabuyan nya ako?"  Inosenteng tanong niya.

Napa-hawak naman agad sa kanya si Yohan.  "Why? Are you still mad at me? Ayaw mo ba akong pakasalan? Nika.. I already regretted everything I did to you.. I love you. Gusto mo ba na bumaba ako sa trono? I.. I can return the throne to my father and I'll live with you here. Just.."

"Hold on.. Hindi ko sinabing ayaw kong magpakasal sa'yo, okay? What I meant is, kababalik ko lang sa mundong ibabaw. Syempre I miss my parents."  Aniya habang sapo ang noo.

"Then it's a yes?"  Tanong ni Yohan na nagpa-angat sa kanyang tingin.

"What?"

"Will you marry me?"

Napa-kurap si Veronica ng ilang beses, she then looked around. Lahat ay naka-tingin sa kanya. Waiting for her answer. Nang muli siyang tumingin kay Yohan, she gulped.

She slowly open her mouth to speak..  "Y-yes.. I want to marry you." She said.

Napa-pitlag ang lahat ng bigla nalang kumulog at kumidlat sa labas ng ospital. Bahagya ding umalog ang lupa. A sign of overwhelming happiness.

"Goodness gracious, restrain all your powers!" Bulalas ng mag-asawang Fuero na bigla na lang pumasok sa loob ng silid dahil sa phenomenon sa labas.   "Papatayin nyo ba sa nerbyos ang mga tao sa labas---? Ahh.. What's happening here?"  Ani Jenny.

Naabutan niya kasi na magkakayakap ang lahat. Well, maliban kina Ravi at Rowell na pasimpleng nag-hahalikan. Ang bilis gumawa ng sariling mundo ng Bakunawa, eh.

"Jenny, iha! Hahaha! Ikakasal na ang anak ko! Magkaka-apo na kami!"  Masayang sagot ng ina ni Veronica sa kaibigan ng anak.

"Ahh.. Um.. Okay? Congratulations! Wow! Suzerain, Jartic Hactisol yi Difrikropiv."  Ani Jenny habang naka-smirk.

Gigil naman na binalibag ni Veronica ang nahawakang unan sa kaibigan. Pulang-pula ang mukha na hinarap niya ito. Luckily, hindi naintindihan ng mga taong naroon ang sinabi ng kaibigan.

Jenny said,  Wow! Suzerain, you're so fucking horny!

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Jenny bago niyakap ang kaibigan na namumula parin bago ito binulungan.  "My daughter told me, may naramdaman siyang kakaibang presensya habang nasa tabing dagat tayo kanina. When I asked her, she told me. It's similar to the power of butterflies."

Literal na napatuwid ng upo si Veronica habang pasimpleng sinulyapan ang nobyo na kayakap ng kanyang mga magulang.

"Power of butterflies? You mean.. The power of the beginning? That's.."

"Yes.. Parehas tayo ng iniisip. Do you think, she's still alive?" Pabulong na tanong ni Jenny.

"If so.. Bakit hindi siya lumapit sa'yo?"  Seryosong tanong ni Veronica.

"Well.. Zion has theory.. It's either, that woman is not aware of herself. Or she decided to forget everything she was before."  Sagot ni Jenny bago nilingon ang pamilya ni Veronica.   "Wag muna natin problemahin ang bagay na yan. Let's focus on your return. Nasa labas na ng ospital ang embahada ng iba't ibang bansa. Kasalukuyang kinakausap ang presidente."

"They want to take their people?"  Tanong ni Nika habang dahan-dahan na tumayo.

"Yeah. Sinigurado mo ba na walang kapangyarihan na naiwan sa katawan nila?"

"Yeah. Ayaw kong masira ang balanse ng mundong ibabaw habang natutulog pa ang Dyosa ng mundong ito. At isa pa, we need to go to the immortal world. Kailangang maihatid ko ang magkapatid sa ika-apat na firmament." Seryosong sagot ni Veronica.

"You're right. Sa ngayon, mag-enjoy ka muna. About sa wedding mo, pwede kang pumunta sa Isla Trio para doon gawin ang wedding mo."

"Thank you sa offer but I have to reject.  Gusto kong ikasal to the Abys where I belong." Sagot ni Veronica.

Nakangiting tumango si Jenny. "I'll be there to attend too."

Ilang sandali pa ay nag-paalam na rin ang kanyang kaibigan. While her families also said goodbye para daw i-prepare ang bahay nila na tutuluyan ng kanyang mga bisita. Si Ravi naman ay mas pinili ang pansamantalang sumama sa kanyang "wife" daw.

Everything happen for a reason nga. Kahit ang aksidente ay pwedeng maging simula ng panibagong kabanata. Well, Veronica has her life secure na. Sa piling ng kanyang magiging asawa, at sa lugar na inakala niyang isang alamat lang.

"You're smiling.. Are you seducing me?"  Bulong ni Yohan sa nobya as he approached her.

"En.. I miss you." 

"I miss you more." Sagot ni Yohan bago inangkin ang labi ng dalaga na ayaw na niyang mawala sa buhay niya ulit.  "I love you.."

"And I love you more.."


            "The End."

Special chapter will be posted tonight.. (Kissy)

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon