"Okay ka lang?"
Napalingon si Veronica kay Rowel. "Yeah.. Why?" Tanong niya bago muling itinuon ang tingin sa paglalakad.
"Parang hindi ka okay. Anung plano mo na? Hahanap nanaman tayo ng lugar, sayang naman yung Cloud Mountain. Pansin ko, mayaman ang lugar."
Napa-hinto si Veronica sa paglalakad. Tama naman si Rowel, maganda at mayaman ang lugar ng Cloud Mountain. Naka-kainis lang, akala niya, bukal sa loob ang pag-bibigay sa kanya ng Hari sa lugar. Iyon pala, may totoong dahilan.
Napa-salampak siya ng upo at nasapo ang ulo. "Ugh! Kainis!" Mahina niyang usal.
Pwede naman kasi siyang tanungin ng lalake kung pwede siyang tumulong. Leviathan Ravine is a dragon, and a God. Syempre tutulong siya sa buong Terra Crevasse kung kinakailangan dahil unang-una, Si Ravi ang Dyos ng mga taga Abys.
"Palagay ko, may dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa'yo."
Napa-angat siya ng tingin nang mag-salita si Ravi. Napa-sulyap din dito sa Rowel. "Tama! Nika, baka naman kasi nahiya sa'yo ang Hari dahil nga sa unang encounter ninyong dalawa." Ani Rowel.
"Napa-tango naman si Ravi. "Kahit sino naman ay mahihiyang humingi ng request sa taong minsan mong sinubukang patayin, Master."
Tuluyan na ngang napa-salampak si Veronica sa pagkaka-upo sa lupa. Sa totoo lang, nang-hihinayang din siya sa Cloud Mountain. Dayo lang sila sa mundo ng Terra, kaya kailangan nila ng matitirhan.
"Nika, kung ako sa'yo, kalimutan mo na lang yung galit mo sa Hari. Isipin mo nalang na kabayaran ng buong Cloud Mountain ang pag-tulong mong mailigtas pa ang mga magulang niya." Si Rowel ulit.
"Tama, kesa naman wala tayong matirhan, well, sa akin okay lang. Pero alam ko na gusto mo rin ng maayos na matitirhan, master." Sang-ayon naman ni Ravi sa sinabi ni Rowel.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tumayo at humarap sa dalawa. "Alright. Let's go back there then." Naka-ngiting sabi niya.
Napa-snap ng daliri ang dalawang lalake sa harapan niya tanda ng matagumpay na panunuyo sa kanilang leader. Umikot sila upang bumalik sa pinang-galingan ng bigla na lang may humarang sa kanilang dinaraanan.
Automatic na napa-kunot ang noo nilang tatlo nang mapansin ang mga samo't-saring halimaw na naka-harang sa daraanan nila. Higit pa doon, may mga srikiya din sa itaas.
"Ahhhm.. Is this ambush?" Nilingon niya si Ravi.
Napa-halukipkip ang gwapong dragon bago sumagot. "Parang ganun na nga, master. Kaya lang, sino naman ang nag-utos sa mga halimaw na yan para ambush-in tayo dito?" Tanong nito na napa-hawak pa sa hibla ng mahabang buhok nito.
Sabay-sabay silang napa-buntong hiningang tatlo. Sabay din na napa-angat ng tingin sa Srikiya. Ilang sandali pa, isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi nilang tatlo.
"Nika, bakit parang nagiging gintong barya ang Srikiya sa paningin ko?" Tanong ni Rowel sa kanya.
"Enn.. It looks like roasted turkey to me." Sagot naman ni Ravi.
Napa-chuckle si Veronica. Kung dati ay takot sila sa mga halimaw, ngayon naman ay parang sila na ang nag-ha-hunt ng mga halimaw. Alang-alang sa gold coins, at alang-alang sa food.
"I know right? This is great." Sang-ayon niya sa sinabi ng dalawa.
Sabay-sabay silang napa-bungisngis ng biglang may malakas na hangin na umikot sa kanilang pwesto. Kasunod nun ang biglang pag-lapag ng isang halimaw na may katawan ng aso, pero ang ulo ay sa ibon.

BINABASA MO ANG
THE ABYS WHERE I BELONG
FantasiBasahin nyo muna ang Revenge Journey Of The Phoenix bago nyo ito basahin. Dahil karugtong ito ng kwento ng RJOTP. Sa ilalim ng karagatan, na wala pang sino mang nakaka-alam kung anu-ano ang mga nilalang na nakatago sa kadiliman ng kailaliman, nag-l...