THE ANNOYING TYRANT KING

226 15 3
                                    

Marahas na nilagpasan ni Veronica ang lalakeng naka-harang sa kanyang daraanan. Malalim din ang kunot ng kanyang noo dahil sa kinikilos ng hari. Alam niyang hinihintay na siya ni Ravi subalit dahil sa ginagawang pag-harang ng hari sa kanya, nade-delay siya gagawing pag-habol sa atacker.

    "Your Highness! Alam mo ba ang ginagawa mo?! Someone did the sneak attack on you, pero mas pinipili mo ang i-delay ang gagawin ko!"  Hindi na naka-tiis na umangat ang boses ni Veronica sa harapan ng hari.

Damn! Alam niyang hari ang kaharap pero hindi siya myembro ng kaharian ng lalake. Hindi rin siya myembro ng ibang kaharian kaya wala itong magagawa sa kanyang pag-aalsa ng boses.

    "I'm not stupid for not knowing that you're behind that attack! Follow me in my palace!"  Mariin na sabi ng Hari na nagpa-shock kay Veronica.

     "What the hell?!"  Namumula sa galit ang kanyang mukha sa narinig.

Siya, na iniligtas ang hari, being framed as the suspect?! For real?! Humigpit ang hawak niya sa braso ni Rowel na narinig pa niyang napa-daing.

     "Mr. If you have problems with your brain, go to your private doctor! Wag ako ang inisin mo dahil maikli ang pasensya ko sa mga taong hindi gumagamit ng utak."  Inis na banggit ni Veronica.

So what kung ito ang hari ng Drakaya?! Kung ganito naman ka-kitid ang utak ng lalake, para saan pa ang pakikipag-uusap.

    "What did you say?!"  Malim pa sa Marianna's trench ang naging lalim ng boses ng lalake ng mag-salita.

Napansin din ni Veronica ang unti-unting pag-galaw at pag-angat ng mga bagay sa paligid na marahil ay dahil sa tinitimping galit ng hari para sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.

    "If you're insulted, asked yourself first. May mas mahalaga akong bagay na dapat asikasuhin."  Buti na lang, naalala ni Veronica na pwede nga pala siyang mag-float.

Dahil na rin siguro sa inis at sa kagustuhang maka-alis sa harapan ng lalake, Veronica float in the air and finally escaped from the man, or that what she thought. Dahil sa kanyang pag-kagulat, nakita niya ang lalakeng naka-sunod sa kanya sakay ng hawak nitong espada kanina.

     "I'm not also stupid to let the person who insulted me, escaped."  Narinig niyang sambit ng lalake na ang ekspresyon ng mukha ay sobrang dilim na para bang gustong-gusto na siyang atakihin.

Hindi umimik si Veronica, hinapit niya sa beywang si Rowel at tsaka binilisan ang pag-float papunta sa kinaroroonan ni Ravi. Ilang sandali pa, dinig na niya ang tunog ng mga powers na nag-lalaban. Kasabay ng mahinang vibration sa hangin. Subalit nagka-mali ng hula si Veronica, dahil pag-sapit nila ni Rowel sa lokasyon ng labanan.

    "Seryoso? Nagawa talaga ng Dragon mo na humiga sa malapad na bato habang inaatake siya ng mga halimaw?!"  Si Rowel ang nag-salita.

Well, hindi naman talaga totally inaatake si Ravi, pero parang ganun na rin. Pinapa-ulanan kasi si Ravi ng samot-saring mahika galing sa mga halimaw pero hindi naman tumatama dito dahil sa invisible wall na naka-harang sa katawan ng lalake.

    "Master! What took you so long?! These monsters are starting to irritate me."  Napa-balikwas ng bangon si Ravi ng maramdaman ang kanyang presensya.

Bumaba si Veronica sa lupa at nag-simula siyang mapansin ng mga halimaw na ngayon ay naka-titig na sa kanya ng masama. Naramdaman din niya ang pag-talon ng hari galing sa sinasakyan nitong espada.

    "Nasaan yung bumato ng apoy?"  Tanong ni Veronica kay Ravi.

    "Oh! Here!"  Sa isang snap ng daliri ni Ravi, bigla na lang nalaglag sa lupa ang lalakeng walang malay.  "By the way Master, bakit kasama mo ang Tyrant King of Drakaya?" Bulong ni Ravi sa kanya.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon