ENERGY WAVE

181 15 3
                                    

Naningkit ang mga mata ni Veronica nang makita niya ang pag-salakay ng lalakeng naka-sakay sa Acon. Halatang-halata na gusto nitong maagaw ang crystal na kanyang kinukuha. Gayunpaman, sa isang snap ng kanyang daliri, parang magnet na napasakamay niya ang Mana Cystal.

Nag-tiim ang kanyang mga ngipin ng maramdaman ang malakas na kapangyarihan na pumasok sa kanyang katawan. Para bang kinikilala siya ng Cystal na may-ari. Napa-singhap pa siya ng makita ang unti-unting pag liit ng nasabing Cystal hanggang sa kusa itong naging kasing laki ng bentisingko sentabo at mabilis na umangat at pumasok sa kanyang noo.

Isang malakas na energy wave ang lumabas sa kanyang katawan na hindi niya na-kontrol. At isang malakas din na sigaw ang kanyang nagawa dahil sa parang sinilaban ang kanyang buong katawan.

      "Veronica!!!"  Sigaw ni Yohan habang sinusubukan na mahawakan siya ng lalake.

      "Master, hold on to me!!"  Sigaw din ni Ravi na pilit na nilalabanan ang energy wave na ngayon bumabalot sa loob ng barrier na ginawa ng dragon.

Si Jevro at Rowel ay kasalukuyang magka-hawak kamay habang nakaluhod ang isang tuhod. Naka-tusok ang espada ni Jevro sa lupa na ginawa nitong pansamantalang hawakan upang hindi tangayin ng malakas na energy wave.

Ang centaur na kasama nila ay naka-subsob sa lupa dahil hindi nito makayanan ang kapangyarihan na lumalabas sa katawan ni Veronica.

     "Master, hindi ko na kayang i-maintain ang barrier. Masyadong malakas ang energy wave mo!"   Sigaw ni Ravi na kasalukuyang lumalabas na ang iilang kulay aqua blue na kaliskis sa kanyang mga braso.

Ang mga mata ni Veronica ay kumikislap na kulay aqua blue habang ang kanyang buhok ay unti-unti nang humahaba.

     "Fuck! What is going on?!"    Sigaw ni Yohan na ngayon ay naka-luhod na rin.

Ang mga halimaw sa paligid ay biglang napatigil sa pag-salakay. Maaring nararamdaman ng mga ito ang kapangyarihang bumabalot sa buong katawan ni Veronica.

Ang Acon ay bahagya ding nanginig dahil sa energy wave.

       "Don't ask me! I don't know either!"   Sigaw ni Ravi sa hari.

Gustuhin man na mahawakan ni Yohan si Veronica ay hindi nito magawa dahil sa parang invisible na barrier na nakabalot sa katawan ng babae.

Samantala, muling napa-sigaw si Veronica ng maramdaman ang parang kuryente na dumadaloy sa lahat ng blood veins sa buong katawan niya. Sa kanyang pag-sigaw, muling kumawala ng energy wave ang kanyang katawan.

      "Leviathan Ravine...!!!"   Sigaw ni Veronica.

      "Master! I'm here! Hold on to me!"   Ganting sigaw ni Ravi.

      "Idiot! Withdraw your barrier! My energy wave is killing all of you!"  Sigaw ulit ni Veronica na ngayon ay naka-lutang na sa hangin na may 6 na metro ang taas mula sa lupa.

Nang marinig ni Ravi ang sigaw ng kanyang master, tumayo ito ng tuwid at pinag-dikit ang mga palad sa may itaas ng kanyang ulo. Pikit matang napa-hugot ito ng hininga bago dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ang kulay aqua blue nitong mga mata ay kumislap na parang may Electricity.

Kasabay ng pag-hiwalay ng mga palad ni Ravi, nawala ang invisible barrier na nakabalot sa kanilang grupo. Marahas niyang nilingon ang mga kasama at inilang hakbang lang. Nagbago ang kanyang anyo at naging isang malaking dragon habang pinapalibutan ng kanyang katawan ang apat na kasamahan. Ginamit niya ang buong katawan upang protektahan ang mga mortal na kasamahan na walang kakayahan na labanan ang kapangyarihan ni Veronica.

      "Yuko!!!"   Isang malakas na roar ang pinakawalan ni Ravi bago niya sinakluban ang apat na kasamahan na napa-tulala pa ng makita ang totoong anyo ni Ravi. Well, maliban kay Rowel of course.

Parang hinampas ng malakas, matalim at puno ng kuryente ang mga katawan ng mga halimaw na nakapaloob sa halos isang kilometrong sukat na pagitan mula kay Veronica.

Parang may may matatalim na invisible swords na siyang nagpira-piraso sa mga katawan ng mga ito.

      "Ugh! Retreat!!!"   Sigaw ng lalakeng sakay ng Acon na kasalukuyang lumilipad na palayo.

Hindi niya alam kung gaano kalawak ang masasakop ng manapower burst ng babaeng naka-kuha sa mana Cystal. Subalit ayon sa kanyang nasaksihan, hindi basta-basta ang mga taong sinubukan niyang komprontahin.

Muli niyang sinulyapan ang pwesto ng dragon na kung saan ay binabalot ang apat na nilalang sa ilalim.

Nasa isip niya kung paano niya muling makikita ang anak na gustong-gusto na niyang mayakap.

Samantala, sa mundong ibabaw, dahil sa malakas na pwersang pinakawalan ni Veronica, nagkagulo ang mga taong naka-tira malapit sa dagat ng Romblon. Lumaki kasi ang dagat na nag-babadya ng isang tsunami. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga tao na natigil din ng biglang dumating ang isang babaeng may kulay silver na buhok. Nasa 13 years old na ang edad ng nasabing teenager na ang mga mata ay mag-kaiba ang kulay. Ang isang mata nito ay kulay blue, at ang isa ay kulay pula.

      "Ziana, be careful in there baby."   Isang tinig sa kanyang isip ang bahagyang nagpa-pause sa kanya.

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ng dalagita.   "Yes Mom, don't worry, I'll be back after this. Tell Fammy to wait for me."   Sagot ni Ziana.

     "Alright, your father and your little brother are currently watching you on TV."   Sagot ng tinig.

     "Heh, sobrang hanga nanaman sa akin nina Zion Jr. At Daddy Zion after this."   Sagot ni Ziana.

Isang chuckle ang pinakawalan ng babae na may-ari ng tinig.

Ziana Fuero, panganay na anak nila Jenny Sanchez-Fuero at Zion Fuero. May-ari ng eternal flame at eternal wind na nakuha niya sa dugo ng kanyang mga magulang. The one and only powerful princess of Spirit World.

Back to underworld, nanghihinang lumapag sa lupa ang mga paa ni Veronica na muntik lang mapasubsob kung hindi mabilis na nasuportahan ni Ravi. Halos umulan ng dugo sa palibot ng cloud Mountain ng sa wakas ay mawala ang makapal na ulap na bumabalot sa buong lugar. 

Napa-tingala si Veronica, ramdam niya ang kapangyarihan na kasalukuyang kumokontrol sa energy wave na pinakawalan niya, sa mundong ibabaw. Someone, is currently saving the people in the surface. So ibig sabihin, may isang mortal na ang may kapangyarihan na kayang tapatan ang kapangyarihan ng isang Suzerain.

But the question is... Who that someone is, and how did she get the power?

A/N:  Isang buong pusong paghingi ng paumanhin sa mga bumabasa kung mabagal ang update ko. Tinatapos ko po kasi ang english novel ko sa Goodnovel. I'm sorry... But, I'm doing my best to update..

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon