Pag-mulat ng mga mata ni Yohan ay literal siyang napa-balikwas. Wala na sa kanyang tabi ang babaeng kaniig lang niya nang nakaraang gabi. Maliban pa dun, hindi niya ito ma-sense through palace array. Parang isang base drum ang nagpakabog sa kanyang dibdib.
Suot ang kanyang robe, mabilis siyang lumabas ng kwarto at tsaka hinagilap si Jevro. Nakita niya ang lalake na pabalik-balik na lumalakad sa hallway.
"Anong nangyayari?" Kunot ang noo na tanong nya.
Marahas naman siyang nilingon ni Jevro at tsaka sinalubong. "What the fuck!? Bakit ngayon ka lang nagising!? Alas-dos na ng hapon!"
Literal siyang napa-kunot noo. Alas dos? Naka-tatlong round lang sila ni Veronica kagabi, so paanong napagod siya ng husto? Kung hindi nga lang sa pagmamakaawa ng babae na tumigil na siya, baka nadagdagan pa ang tatlong round.
Naisuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok. "Alas dos, then, where is she!? Where are the others?"
Wag lang niyang malalaman na umalis na babae at bumalik na sa mundong ibabaw. It'll be impossible dahil kailangan pang makipag-buno ang mga Dyosa sa tinatawag nilang Creftus.
Wait, Creftus?! Namimilog ang mga mata na nilingon niya si Jevro.
"Yeah.. Kung ano ang iniisip mo, they are indeed went to the forbidden mountain. At ibinilin sa akin ni Veronica na wag kang payagang sumunod sa kanila." Frustrated na salaysay ni Jevro sa kaibigan na ngayon ay namumula ang mukha sa galit.
Padabog itong tumalikod at bumalik sa sariling silid. Isang marahas na buga ng hangin ang pinakawalan ni Jevro bago sumunod sa kwarto ng kaibigan.
Kanina, lahat ng mga tauhan ng Sediorpino kingdom na dinala ni Veronica sa Palasyo ay bigla na lang nawalan ng malay. Noong una ay hindi niya alam ang dahilan. Subalit nang muling magkamalay ang mga ito, nasagot ang kanyang katanungan. Ang mga Huluwa ng Sediorpino ay nawalan ng kapangyarihan. No, let me rephrase that, Ang mga Huluwa ng Sediorpino ay binawian ng kapangyarihan.
Maliban pa doon, nakita din ni Jevro kung paanong nag-kulay ginto ang iilang bato sa kalupaan. Ang mga puno ay parang sumigla at ang mga bulaklak ay namukadkad na para bang nagdiriwang. Sa parte ng Hanaj Kingdom, nakita din niya ang animo pag-bukas ng kalangitan at pagbulusok ng kulay rainbow na liwanag. Palatandaan ng isang pangyayari na mahirap ipaliwanag.
"Where is my father?" Tanong ni Yohan ng makalabas ng kwarto. Nakasuot na siya ng kanyang warrior outfit. Ang kanyang espada ay naka-sukbit sa kanyang tagiliran.
"He's in the throne, waiting for you. Your Highness, Kabilin-bilinan ni Suzerain na wag kang payagan na sumunod sa kanya." Sagot ni Jevro.
"I know. But I'm not stupid to let my woman fight for the sake of me."
"Pero-"
"Jevro, kung sakaling magtagumpay sila, sa palagay mo ba babalik pa si Veronica sa palasyo para mag-paalam? She will not! Alam kong aalis siya na hindi ako kasama, at yun ang ayaw kong mangyari!" May halong inis na sagot ni Yohan.
Samantala.. Sa isang sulok ng unang firmament. Naka-luhod ang isang magandang babae na naka-suot ng kulay luntian na gown. Ang kanyang tenga ay patulis, at ang tuktok ng kanyang ulo ay may naka-patong na korona na gawa sa sanga ng sungay ng kulay gintong usa. Her hair is white at ang kanyang kanang kamay ay may hawak na kahoy na may isang metro ang haba. Ang dulo neto ay may naka-suksok na kulay green na crystal.
"Haneaj... Ina ng kalikasan ng buong kailaliman, binabati ang muling pagbabalik ng Dyosa ng unang Firmament." Malambing ang boses na sabi ng babae.
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Veronica. Ang pagkakatanda niya, anim na Pillars ang kanyang itinalaga upang maging proteksyon ng buong Abys. Subalit isa na lang ang gumagawa ng nasabing kautusan. Ang ama ni Yohan ay anak ng unang Pillar, kaya hindi na kabilang ang pamilya ni Yohan sa anim na itinalaga.
BINABASA MO ANG
THE ABYS WHERE I BELONG
ФэнтезиBasahin nyo muna ang Revenge Journey Of The Phoenix bago nyo ito basahin. Dahil karugtong ito ng kwento ng RJOTP. Sa ilalim ng karagatan, na wala pang sino mang nakaka-alam kung anu-ano ang mga nilalang na nakatago sa kadiliman ng kailaliman, nag-l...