Makalipas ang ilang minuto, ang mga dating tauhan ni Nexus na nakapalibot sa kanila ay nasa harapan na lahat ni Veronica. Ang pulang mga mata ng mga ito ay bumalik na sa kulay itim. Ang dahilan ng pagbabago ng kulay ng mga mata ng Sediorpino ay dahil narin sa brainwashing na ginawa ni Agartha sa mga ito ayun na rin sa utos ni Nexus. At dahil patay na ang salarin, pati ang kanilang pag-iisip naging malaya na rin sa ano mang kumokontrol sa mga ito.
"Ano na nga ulit ang pangalan mo? Oki? Loki? Soki?" Kaharap at kausap ni Veronica ang matandang lalake na kumausap sa kanya doon sa batalyon ng mga sundalo ng Sediorpino kamakailan.
"Nika, pagkakatanda ko Roki pangalan niya." Sambit naman ni Rowel na ngayon ay karga ang isang taon na Devinian na tinuruan niya kung paano mag paliit ng katawan. Agartha is also carried by Ravi.
"Anong Roki ka dyan, pagkakatanda ko Boki pangalan niya. Sigurado ako dun!" Sagot naman ni Ravi.
Ang matandang kasalukuyang naka-luhod sa harapan ni Veronica ay lihim na nanginginig sa inis at pagkainsulto. Maaring malalakas nga ang mga taong nasa harapan niya ngayon, subalit masyado naman atang puno na ang isip dahil pati pangalan niya ay hindi man lang natandaan. Kunsabagay, sino ba naman siya para matandaan pa ng mga ito? Hindi ba't minaliit niya ang grupo nung nasa loob ng tent ang mga ito?
"Miss.. Moki ang pangalan ko. M. O. K. I. Moki." Hindi na nakatiis kaya nagsalita na ang matanda.
"Ayah! Wala man lang tumama sa hula ko." Sambit ni Veronica habang bahagyang kinakamot ang tuktok ng ulo.
"At dahil walang tumama, ikaw parin ang bibili ng pagkain natin. Gutom na kami, Nika!" Pag-mamaktol ni Rowel.
Dapat kasi kakain sila kung hindi lang nangyari ang paghaharap nila ni Nexus. Wala na tuloy lugar na pwedeng paglutuan ng pagkain. Debale, siguro babalik na lang sila sa Drakaya para doon kumain. At isa pa, kailangan niyang iiwan sa palasyo ang dalawang bata para pansamantalang alagaan ng mga tao ng palasyo.
"Fine! My treat." Sagot ni Veronica na ang isip ay biglang na-focus sa binatang hari ng Palasyo. "Ehem.. So, Moki. Tell me what happened before Nexus brainwashed all of you." Ani Veronica habang naka-pangalumbaba.
Umangat ang ulo ni Moki na bahagyang nakasubsob sa lupa at tsaka nagsimulang mag-kwento.
"Nangyari ang lahat nang minsang nag-paalam si prinsipe Nexus sa hari upang mag-hunt. Nang umalis siya sa palasyo, normal pa ang lahat. Subalit bigla na lang bumukas ang langit ng araw na yun at nakita namin ang kulay itim na apoy na bumulusok paibaba. Nang malaman ng Hari na ang itim na apoy na bumulusok ay bumagsak kung saan naroon ang prinsipe, mabilis niya kaming isinama sa lugar upang sana hanapin si Nexus." Pagkukwento ni Moki.
"Then? Anong nangyari? Patay na siya nang makita nyo, tapos biglang nabuhay?" Tanong ni Rowel.
Sunod-sunod ang pag-iling ni Moki bago muling nag-salita. "Sa mismong pinag-bagsakan ng nasabing itim na apoy, nakita namin na naka-lutang si Nexus habang naka-higa ang dalawang matatangkad na tao sa lupa at walang malay. Maliban pa dun, nababalot ng itim na usok si Nexus at ang kanyang mga mata ay kulay pula. Nang tawagin ng Hari ang kanyang pangalan ay saka lang siya parang nahimasmasan, o yun ang akala namin." Nanginginig ang katawan ni Moki habang nagkukwento.
"Nang makabalik kami sa Palasyo, nagkulong lang si Nexus sa kanyang kwarto nang ilang linggo. Kahit ang hari ay hindi niya kinakausap. At nang dumating ang araw na lumabas na siya, doon na nagsimulang magbago ang lahat. Unti-unti na namin napansin ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ng mga taga Sediorpino. Hanggang sa isang araw, nang ipatawag ako ng Prinsipe, pagpasok ko sa kanyang silid, bigla na lang ako nakaramdam ng pagsakit ng ulo."
BINABASA MO ANG
THE ABYS WHERE I BELONG
FantasíaBasahin nyo muna ang Revenge Journey Of The Phoenix bago nyo ito basahin. Dahil karugtong ito ng kwento ng RJOTP. Sa ilalim ng karagatan, na wala pang sino mang nakaka-alam kung anu-ano ang mga nilalang na nakatago sa kadiliman ng kailaliman, nag-l...