EXCHANGE INFORMATION

179 11 1
                                    

Sumunod sila sa limang lalake habang lihim na nag-mamasid lang si Veronica. Nang makalapit sa buong grupo, mabilis silang pinalibutan ng mga kasundaluhan. Hindi man lang sila pumalag ng bigla na lang silang hawakan ng mga ito sa dalawang braso.

"We don't accept Huluwa, pero pwede namin kayo ibigay sa Chuswar Kingdom. Saang kaharian kayo nang-galing?"   Isang boses ng lalake ang kanilang narinig. Medyo may katandaan na ang naturang boses kaya alam ni Veronica na galing iyon sa Komander ng grupo.

Kung sasabihin niya na bago lang sila sa lugar, itatanong ng mga ito kung bakit na sa labas sila ng barrier. Kung sasabihin naman niya na galing sila ibang kaharian ng Terra crevasse, pwede rin malaman na nag-sisinungaling siya. Wala naman problema kung mauuwi sa pag-lalaban ang lahat subalit, kailangan niyang malaman ang sekreto ng Sediorpino.

"Drakaya kingdom. Pwersan kaming itinulak ng magnetic force palabas."   Sagot ni Veronica na bahagya pang yumuko na kunwari ay umiiwas sa paningin ng lahat.

Isang chuckle ang narinig niya.

"I see.. So, hindi lang pala mga Embers ang galit na galit sa hari ng Drakaya. Hahaha! Tell us, ano ang nangyayari sa loob ng barrier bago yan nabuo?"   Tanong matanda. Ang chuckle ay galing sa lalakeng unang sumalubong sa kanila.

"There's a Dragon above Drakaya Kingdom. At ilang Huluwa at rebelde na rin ang napatay ng Hari."   Sagot ni Veronica. Totoo naman, bago pa sumalakay ang Ogre sa siyudad, diba at nakipag-laban muna ang hari sa mga rebelde ng Drakaya na kung saan nagsimula ang mainit na sagutan nila.

"Dragon.. Nakita na rin namin yan. Ano pa ang pangyayari na kakaiba sa loob? Like, sino ang nag-lagay ng barrier ng Drakaya?" Tanong ulit ng matanda na nakatitig sa kanya.

Iniisip ni Veronica kung pinagdududahan ba siya ng matanda. Well, normal naman na pag-dudahan sila ng mga ito. Galing sila sa Drakaya kingdom at tanging ang mga nasa loob lang ang pwedeng mag-labas masok sa loob ng barrier. That's what she did to the barrier.

"It seems, you guys are seeking information. However, anong kapalit ng information na ibibigay ko sa inyo?"  Tanong ni Veronica habang seryosong naka-titig sa mata ng matandang lalake.

Bahagyang natigilan ang matanda na kausap nya. Pero saglit lang, dahil ilang sandali pa, ang kulay pulang mata nito ay biglang kumislap at tsaka sila pinalibutan ng mga kasundaluhan ng buong grupo. Naka-smirk na tinitigan siya ng matanda tsaka ito tumayo sa pagkaka-upo.

"Ito ang unang pagkakataon na may isang Huluwa na naglakas loob na magtanong sa akin ng kapalit ng impormasyon na kailangan ko. Kunsabagay, bago lang kayo sa Terra Crevasse sabi mo nga. But.."   Tumayo sa kanyang harapan ang matanda tsaka bahagyang yumuko upang magtama ang kanilang mga mata.   "I hate the way you look at me. I feel like shit as if I want to ruin your fucking face." Madilim ang anyong sabi ng matanda.

Hindi manlang kumurap si Veronica. Gayun din ang dalawang lalake sa likuran niya na naka-cross lang ang mga braso sa may dibdib habang nanonood at nakikiramdam.

"Well, it seems like, wala akong makukuhang impormasyon galing sa'yo. Then..."  Nilingon ni Veronica ang mga kasamahan.  "Let's try to another Kingdom?"  Tanong niya sa dalawa na napatango lang.

Malakas na halakhakan ng mga naka-palibot ang dumagundong sa buong lugar. Napansin ni Veronica na ang lalake na sumalubong sa kanila kanina ay hindi man lang nagbago ng ekspresyon. Bagkus, naka-titig ito sa kanya na para bang binabasa ang nasa isip niya.

"Sa palagay mo ba ganun lang kadali ang pumasok sa teritoryo ng grupo namin at ganun din ang paglabas? Huluwa, hindi porke't nakatikim ka ng kapangyarihan ng Terra, ay pwede ka nang umarte na Dyos  ng buong Terra Crevasse." Ani ng matanda.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon