REUNION

170 10 7
                                    

Mabibilis na mga yabag ang maririnig sa hallway ng ospital ng Pilipinas ng mga oras na yun. Bawat telepono ay walang tigil sa pag-tunog dahil pinakawalan na rin ng bansa ang balita tungkol sa pagbabalik ng mga taong nawawala noon pa. May iilan na hindi naniwala noong una subalit ng ilabas ng bansa ang mga litrato ng mga bumalik ay maraming bansa ang nagbigay ng suporta upang isailalim sa matinding pag-susuri ang mga returners.

Ang Presidente naman ay kinausap ng mag-asawang Fuero upang ipaliwanag ang nangyari. Habang ang buong pamilya nila Veronica at Rowell ay talagang gulat na gulat sa balitang natanggap.

"I couldn't believe the fact that this world is like heaven! Look at those tallest buildings! Hah! Ano kaya ang magiging reaksyon ng masungit na hari kapag nakita niya ang mundong pinang-galingan ng aking master?"   Bulalas ni Ravi habang naka-silip sa bintana ng ospital.

Kasama ni Veronica sa iisang kwarto sina Rowel, Ramil, Ravi, Agartha at ang kapatid ng babaeng immortal. Naka-higa sa sahig ang Acon na tulog parin hanggang sa kasalukuyan. Si Ramil at Rowel ay kapwa naka-upo sa sofa sa loob ng kwarto. Tanging sina Veronica lang ang naka-higa sa hospital bed, katabi ang dalawang bata.

"By the way master, bakit pala hindi mo isinama ang hari dito sa mundong ibabaw?"  Tanong ni Ravi kay Veronica ng lingunin niya ito.

Napalunok si Veronica bago nag-salita.  "That's his punishment for rejecting me and breaking my heart two times." Naka-irap na sagot niya.   "Babalik din naman ako doon, after ko maka-usap sina mama at papa."  Dugtong pa niya.

"Oh! You mean, makikita ko na ang iyong ina?"  Nag-ningning agad ang mga mata ni Ravi sa narinig.   "Wait, when will I meet your mother, Rowel?"

Napa-flinch naman ang dalawang lalake na nakikinig lang sa dalawang nag-uusap.

"I.. I don't know either. Pero dinig ko kanina na tinawagan na ng assistant ng Presidente ng bansa ang parents namin ni Veronica. For sure, they will be here anytime soon."   Sagot ni Rowel.

"Ikinakabahan ako."  Sagot ni Ravi.

"Ha? Why?"

"Yes. Ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang magiging mother-in-law ko." 

"This bastard! Ilang beses ko bang uulitin sayo, hindi pa ako pumapayag na mag-asawa ang anak ko!?"  Ramil joined the conversation.

"Tsk, wala ka ng magagawa Father-in-law, sa ayaw at sa gusto mo, aasawahin ko na ang anak mo. Gusto mo pa ata na mapunta yan sa ibang tao?" 

"Wait... Aasawahin mo ako? Ang tanong, Boyfriend na ba kita?"  Kunot noong tanong ni Rowel na nagpa-putla sa kulay ng mukha ni Ravi.

Pinagpawisan ata siya ng malamig. Lalo na ng humalakhak ang ama ni Rowel habang pumapalakpak pa.  

"Heard that? Hindi ka pa pala Boyfriend ng anak ko. Tsk tsk.."  Napapailing na sabi ni Ramil.  "Don't worry, I know how hurt it is."  Dugtong pa neto.

Hindi nakapag-salita pa si Ravi. He's just staring at Rowel na umiwas ng tingin sa kanya.

"Very well then.. Marami naman atang mortal dito sa mundo mo master. Pwede naman siguro akong humanap ng taong tatanggapin ako diba?"  Ani Ravi habang muling sumilip sa bintana.

However, his feet suddenly burning. Nang silipin niya ang mga paa, he saw flames. Isang smirk ang kumawala sa kanyang mga labi.

"Whatta fierce man." Bulong niya sa sarili habang pinapatay ng sariling tubig ang apoy ni Rowel.

Nagtataka kayo kung bakit may power pa rin si Rowel? Well, it's because Veronica gave him that.

"Don't be jealous, I'm not your boyfriend."  Seryosong sambit ni Ravi habang naka-titig kay Rowel. 

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon