SOUL BEAD

186 12 5
                                    

Pag-tapak ng mga paa ng grupo ni Veronica sa lupa na nasasakupan ng palasyo ng Hanaj, lahat ay napa-atras palayo kay Veronica. Sino ba naman ang hindi? Halos hindi sila maka-hinga sa pressure na pinapakawalan ni Veronica ng mga oras na iyon. Ang aura na naka-palibot sa kanya ay sobrang kapal. Tulad ng energy wave na pinakawalan niya sa Cloud mountain, ang kasalukuyang energy na pinakawalan niya ngayon ay kakaiba.

Naroon ang tinatagong pagkabigo, betrayal, at sakit ng puso. Sinikap ni Veronica na itago ang nararamdamang sakit habang kaharap niya kanina si Yohan. Masakit pala, masakit pala yung harap-harapan mong makikita ang galit sa mga mata ng taong hindi mo aakalain na uukit sa inosente mong puso. Alam ba ni Yohan kung gaano niya sinikap na siguradohin na magiging ligtas ang Drama kahit wala siya?

Paano kung sabihin niya na kung hindi dahil sa Dragon tears ni Ravi, patay na sana siya dahil sa pagsisikap niyang patunayan na hindi siya masamang tao? Bakit kahit sinakop na niya ang pinaka-matinding banta sa Drakaya, hindi parin makita ng binata ang totoong pagkatao niya? How could he be so cold hearted?!

"Master... Please be at ease. Isipin mo ang pamilya mo sa mundong ibabaw. Kapag nag-tagumpay ka sa paghanap ng susi kung paano bubuksan ang portal, makakalimutan mo rin ang taong dahilan ng nararamdaman mong sakit ngayon."   Sinikap ni Ravi ang magsalita upang kahit papano ay mabawasan ang negatibong enerhiya na pinapakawalan ng kanyang master.

Naikuyom ni Veronica ang mga kamao. Ravi is right, narito siya sa Terra Crevasse upang gawing maayos ang lahat. At narito din siya sa Hanaj kingdom upang makuha ang isang bagay na tanging ang Reyna ng Hanaj lang may hawak. Ilang beses siyang napahugot ng hininga at mariing napa-pikit.

Kasabay ng pag-dilat ng kanyang mga mata, bumukas ang malaking gate ng palasyo. Nagsimulang ihakbang ni Veronica ang mga paa at pumasok sa malaki at mataas na gate. Sa loob ng wall, sinalubong sila ng ibat-ibang kulay na paro-paro na sa bawat Pagaspas ng kanilang pakpak ay naiiwan ang mga kumikinang na liwanag. Sa kanang bahagi ng malawak na hardin, naroon ang magandang lawa na napapalibutan ng kumikinang na mga puno at halaman. Sa kaliwa naman, ibat-ibang klaseng bulaklak at mga ginintuang bato ang kanyang nakita.

Inilipat niya ang kanyang paningin sa unahan, maraming mga elfs ang lumalakad at nagbibigay buhay sa mga puno at halaman sa paligid. Ang kanilang mga damit ay kasing kulay ng mga dahon sa paligid. Yeah, ganitong ganito ang kanyang nilikha noon.

"Nika, siguro ganito yung sinasabi nilang engkantadia."   Sabi ni Rowel habang pinag-sasawa ang paningin sa paligid.

"Likely.."   Tipid na sagot ni Veronica.

Napukol ang kanyang paningin sa isang nilalang na lumalakad palapit sa kanila. The man is wearing his golden robe, ang silver na kuronang gawa sa kumikinang na sanga ng kahoy ay lalong dumagdag sa kaakit-akit na itsura ng lalaki. Ang kulay puti at mahaba nitong buhok ay sumasayaw sa hangin sa tuwing inihahakbang niya ang kanyang mga paa. He's tall, more than 6 feet. Nakikita ni Veronica ang dibdib ng lalake na bahagyang nakasilip.

"Welcome to our Kingdom, Binibini."  Halos paos na boses na bati sa kanya ng lalake.

Alam ni Veronica, ito ang lalakeng kausap niya gamit ang ibon. Ang kaisa-isang prinsipe ng Hanaj Kingdom, Clewin Kotrav. Bahagyang inuyuko ni Veronica ang ulo at magalang na tinanggap ang kamay ng Prinsipe na inialok sa kanya.

"My name is Veronica, these people are my friends."  Pagkadaka ay sambit ni Veronica habang isa-isang tinitingnan ang kanyang mga kasama.   "By the way Rowel, may ipapagawa ako sayo bago tayo maglakbay sa parteng timog ng Terra Crevasse."   Ani Veronica.

"Ano yun?"  Tanong ng kaibigan niya.

"Gusto kong mag-pasama ka kina Agartha at Ravi papunta sa Chuswar Kingdom."

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon