CURRUPTED

200 11 1
                                    

"Ugh! Anlamig.. Nika, bakit dito tayo nag-teleport? Para tayong na sa north Pole. Puro ice ang nakikita ko, wala man lang mapag-pahingahan."  Nanginginig na turan ni Rowel. Yakap nito ang sarili habang kagat ang mga labi.

Napadpad sila sa timog ng Terra crevasse dahil na rin doon magsisimula ang kanilang paglalakbay patungo sa lugar na nakita niya sa kanyang mind vision. Kailangan niyang personal na makita ang lugar para malaman ang totoong dahilan ng pag-dami ng currupt spirit beasts sa mundong ilalim. 

"You're a fire type Huluwa, pwede mong gamitin ang fire attribute mo to warm yourself."   Sagot ni Veronica sa kaibigan.

Natigilan naman si Rowel habang naka-titig kay Ravi na ngayon ay naka-ngisi na parang nakakaloko. Pagkatapos ay nag-snap si Rowel at tsaka binalot ng katam-tamang lakas ng apoy ang sarili.

"I just forget about my power."  Naka-pout na turan niya kay Ravi habang sumunod na kay Veronica sa paglalakad. "Pero saan ba tayo pupunta?" Tanong pa ni Rowel.

"Wala rin akong edeya. Pero sa palagay ko, may kailangang makita at ayusin si Master." Sagot naman ni Ravi na ngayon ay nababalot na ang katawan ng mga makakapal na kaliskis.

Nakasuot man sila ng mga damit na makakapal, tagos parin ang lamig sa kanilang katawan dahil sa 7°F na lamig sa paligid. Pwede kang mamatay kung aasa ka lang sa mga kasuotan mo. Frostbite will kill you.

"We're going to find the reason kung bakit nagkaroon ng portal ang bawat firmament na hindi dapat nangyari."  Ani Veronica na nakikinig lang pala sa kanila.

"Portal? You mean, wala dapat dragon's Triangle sa mundong ibabaw?" Tanong ni Rowel.

"Yes." Sagot ni Nika na huminto na sa paglalakad at humarap sa dalawang kasama.  "Kung tama ako, hindi lang iisang portal ang nabuo sa bawat firmaments, maaring marami pa. Natatandaan mo ba? Mayroong Bermuda Triangle sa ibang bansa ng mundong ibabaw."  Naka-tingin siya kay Rowel sa ngayon.

Bermuda Triangle, lugar kung saan katulad din ng Dragon's Triangle sa Romblon, iniiwasan din itong daanan ng mga sasakyang pandagat at pang-himpapawid. Marami ding nawawalang mga sasakyan doon na walang nakakasagot kung saan napupunta.

Malakas ang kutob ni Veronica na ang Bermuda Triangle at Dragon's Triangle ay dalawang Dimensiyonal Portal papunta sa bawat Firmaments. Kung tama nga ang kanyang hinala, then isa na lang ang dapat niyang malaman.

Sino at ano ang dahilan ng pagkakaroon ng Portals sa bawat firmaments?

"Yes, nabasa ko nga sa internet na marami na ring nawala sa Bermuda Triangle. Pero wala pa akong nakikitang mga foreigner dito sa Terra crevasse."   Sagot ni Rowel na sumunod na ulit sa paglalakad ni Veronica.

Si Ravi naman ay nakikinig lang habang patingin-tingin sa paligid.

"Well, because we didn't go out of Drakaya. Maraming kaharian ang Terra Crevasse. Tulad din ng Earth, may kanya-kanyang bansa na may mga namumuno." Sagot ni Veronica."

"Then, Terra crevasse is also just small, madali nating mahanap ang mga Portals." Naka-ngiting sagot ni Rowel.

"No.. Terra Crevasse is not small. Ang bawat firmaments ay may pare-parehas na sukat. Ang mga kontinenteng nakita mo sa mapa sa mundong ibabaw, ay wala manlang 1/4 sa lawak ng totoong sukat ng buong mundong ibabaw." Seryosong turan ni Veronica na nag-patigil sa paglalakad ni Rowel.

"Wait.. You mean.."

Nilingon ni Veronica si Rowel na may seryosong ekspresyon.

"Yes.. Ang kontinenteng alam mo sa Earth ay tulad lang ng Drakaya Kingdom na binalot ko ng Protective Barrier. If my hunch is correct, nilagyan ni Siyuha ng protective Barrier ang buong kontinente laban sa mga nilalang na pwedeng umubos sa buong sangkatauhan."  Napa-buntong hininga si Veronica bago napa-tingala.  "At malakas ang kutob ko na ginawa niya iyon dahil sa pagbubukas ng mga dimensiyonal portals sa bawat firmaments. Kung may currupt spirit beasts and spirit world, meron ding currupt immortals sa bawat firmaments."   Mahabang sagot ni Veronica.

THE ABYS WHERE I BELONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon