Tahimik akong nakaupo sa may damuhan habang nakatingala sa mga nagniningningang mga bituin nang maamoy ko ang matapang mong pabango; nakumpirma ko lang na ikaw nga ang naaamoy ko nang umupo ka sa tabi ko.
Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig lang natin ay ang musikang likha ng bandang Silent Sanctuary na kasalukuyang tumutugtog sa telepono ko.
"Kung bibigyan ka ng pagkakataong humiling ano 'yon? At bakit?" pambabasag mo ng katahimikan.
Nilingon kita na parang ako'y nagtataka, "Bakit mo natanong?"
"Wala lang, napaisip lang ako. You're playing the song titled Hiling by Silent Sanctuary kasi eh. So, ano nga?" you explained.
"Seryoso ka? Tinatanong mo talaga sa akin 'yan?" paninigurado ko at tinanguan mo naman agad ako.
Lumunok muna ako, at saka ako huminga ng malalim bago nagsalita.
"Kung bibigyan man ako ng pagkakataong humiling 'yon siguro ay ang makalimutan ka, at kung hindi man ako papalarin sa kahilingan kong 'yon, hihilingin ko na lang sigurong bumalik sa nakaraan nang sagayon maiwasan kong makilala ka."
Sandali kang natigilan, gumuhit sa mukha mo ang pagkadismaya matapos kong sagutin ang katanungan mo.
"Disappointed ka yata? May ineexpect ka bang isasagot ko?" I asked seriously.
"Wala. I just thought we're already fine-"
"We are. We are fine. Napatawad na kita... siguro. Hindi nga lang ako nakalimot." pagputol ko sa sinasabi mo. "Kaya ko na lang siguro gustong hilingin na makalimutan ka, nang sagayon makalimutan ko rin lahat ng sakit na nadulot mo sa buong buhay ko, at kaya na rin siguro gusto ko na lang ding hilingin na sana hindi na lang kita kilala..."
"Dahil kagaya na lang ng musikang nilikha ng isang banda, napatanong din ako kung naiisip mo rin kaya ako? Kung may maaasahan pa ba kaya ako mula sayo?" dagdag ko at mapait na ngumiti. "Kaso, wala eh. Wala na pala, wala na talaga."
"Akime..."
"Kakaasa ko na magkakaayos tayo, hindi ko alam na ako na pala 'yong hindi ayos dito. Kakaasa ko sayo, hindi ko na namamalayang nadudurog na pala ako..." dagdag ko. "Kagaya na lang ng sa kantang pinakikinggan natin ngayon. Jojo, minsan din akong humiling na minsan pa sana'y ako'y iyong mahalin, kahit parang imposible na... kahit madalas nakakadurog na... at kahit parang wala na."
"Akime, I'm sorry. Hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo-"
"Wala ka namang alam, never mo rin naman kasing inalam." sarkastiko kong sabi. "Hiniling ko noon na sana maayos pa... na sana maayos pa. Pero nito lang alam mo? Nasabi ko sa sarili ko na, "Akime, tama na. Pagod na pagod ka na, ubos na ubos ka na..." minsan kitang hiniling kay Bathala, pero ngayon ewan ko... napapasabi na lang ako na sana hindi na lang kita hiniling sa kanya..."
Nanatili kang nakatingin sa sahig, ni hindi mo magawang titigan ako sa mga mata ko.
"Sana pala hindi na lang kita hiniling sa kanya, dahil sobrang sakit pala." may diin na sabi ko.
"I'm so sorry, Aki. Akala ko kasi napatawad mo na 'ko-"
"Akala ko rin, Jojo. Akala ko rin." pagputol ko sa sinasabi mo. "Gusto ko eh, gusto kong patawarin ka, Jojo. Pero hindi kaya nito, ayaw nito." turo ko sa puso ko.
"Akime, mahal kita..."
"Oo nga e, sa sobrang pagmamahal mo nagawa mong gahasain at patayin ako." ani ko. "Hindi kita mapapatawad, hangga't hindi ko nakakamit ang hustisyang nararapat para sa akin, at ngayon kung tatanungin mo man ako kung ano ang kahilingan ko? Ayun ay ang masunog sa impyerno ang kagaya ng mga mapang-abuso at mga manyakis na katulad mo!"
•••
"Athalia, is this novel written by you?" tanong sa akin ni Mrs. Peralta na agad ko namang tinanguan.
"This is incredible. What inspires you to write this novel?" she asked again.
Ngumiti ako nang mapait.
"That novel is inspired by the rape case of my Ate Akime. My sister died at the age of 20, and I was just 16 when she got raped and killed by your son... Joseph Peralta. Do you still think my novel is incredible Mrs. Peralta?" nakangising ani ko.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...