CHAPTER 43

4 0 0
                                    

TINA'S POV

Nagsinungaling ako kila Kuya Colen na iihi lang ako saglit, pero ang totoo ay binabalak kong kausapin si Alexis.

Kasalukuyan silang nasa backstage ng Benison at nagliligpit na ng mga gamit namin upang dumiretso sa studio nila para mag-celebrate, habang ako ay naglalakad sa gitna ng gymnasium at hinahanap si Alexis.

Nakita ko siya na nakatayo sa isang sulok ng gymnasium habang kausap si Reign, hinintay ko munang makaalis ito at saka ako huminga ng malalim at naglakas-loob na lapitan siya.

Napairap naman ako nang makita siyang naglalakad na naman papunta sa kung saan, pero habang sinusundan ko siya ay na-sesense ko na kung saan ang punta niya.

Pauwi na siya.

Halos marinig ko na ang hininga ko para lang maabutan siya, at nang finally nasa likuran na niya ako ay napalunok ako ng ilang beses. Kinakabahan ako, tangina.

Pumikit ako at huminga nang malalim saka ako lakas-loob na nagsalita. "Alexis, pwede ka bang makausap?"

Napatigil ito sa paglalakad. Ramdam ko ang kabang nararamdaman niya mula sa kinatatayuan ko.

Unti-unti siyang humarap sa akin at napansin ko ang sunod-sunod niyang paglunok. "Tina..." pabulong niyang sabi.

Ngumiti ako. "Can we talk?"

Tumango ito at nagsimula kaming maglakad papunta sa isang sulok na medyo tago.

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa hanggang sa napag-desisyunan niyang basagin ito. "Congratulations, you made the whole gymnasium alive!" he said.

I smiled. "Thank you. Hay, kung alam mo lang sobrang kaba ko kanina."

"It's your first time singing in a wide crowd." he said while looking at me at agad naman akong nag-iwas ng tingin. Kilala niya talaga ako. "But you nailed it. I'm so proud of you!"

This words shouldn't make me cry, but why does it feel so painful when it came from Alexis's mouth? :((

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Sooo, you're part of Cup of Jam's? Buti napapayag ka nila."

Umiling ako. "No. Sadyang napilit lang nila akong sumali ngayon."

Tumango ito. "Nila o niya?"

Napatingin ako rito nang nakakunot ang noo. "What do you mean?"

"Nililigawan ka na ba ni Roniel?" seryosong tanong nito na lalong nagpakunot ng noo ko. Napansin niya ang reaksyon ko at saka siya naglabas ng mapait na tawa. "You can refuse to answer my question if you're not comfortable."

Napailing ako. "Buang ka talaga!"

Napatingin ito sa akin na parang nagtataka. "He likes you tho."

"Alexis, alam kong masama akong tao. But I'm not that bad para gawing rebound si Roniel." I said. "Hindi pa ako nakaka-move on sayo, para magpaligaw ulit."

Natigilan ito. Ganoon din ako.

"Alam na ba nila Tita?" tanong ko.

Tumango ito. "The moment na nalaman nila, they immediately think of you..."

Napakagat ako sa labi ko, dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Aside from Alexis, I also fell in love with Marquez's family. His family.

I miss going to their house and eating the dish that his mom prepared only for me. I miss how Summer approach me like I am her big sister. I miss the feeling of home.

I miss us...

"Tell them that I'm fine. I'm doing fine." I lied. I'm still hurting.

He holds my hand. "I'm sorry..." he said without looking at me.

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon