COLEN'S POV
Paalis na ako ng bahay para sana pumunta sa studio ng banda namin nang mapadaan ako sa kwarto ni Celestine.
Mula sa kinatatayuan ko rinig na rinig ko ang pag-iyak niya sa loob ng kwarto niya, it really breaks my heart hearing my sister cry like that. Alagang-alaga kasi namin siya ni Mama eh, and it's been four years since I heard her cry like that at dahil pa 'yon sa ginawa ng magaling naming ama.
"Umiiyak na naman ba?"
Napatingin ako kay Mama na biglang sumulpot sa tabi ko, tinanguan ko ito at agad naman itong napabuntong-hininga.
"Pasok ka na sa kwarto niya, baka ikaw naman ang kailangan niya ngayon..." Mom said.
Nasa baba lang ang mga kabanda ko at hinihintay na lang nila ako para sabay-sabay kaming pumunta roon. Naghahanda kasi kami sa nalalapit na Battle of The Band sa Benison.
Dala-dala ko ang gitara ko ngayon, huminga muna ako nang malalim bago ko buksan ang kwarto ng kapatid ko at sinimulang patugtugin ang gitara ko.
[Now Playing: True Colors by Justin Timberlake and Anna Kendrick]
"You with the sad eyes..."
Napatingin ito sa akin habang tumutugtog ako at panay pa rin ang hikbi nito.
"Don't be discouraged, oh I realize..."
Tumabi ako rito at sumandal ito sa balikat ko habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"It's hard to take courage,
In a world full of people...
You can lose sight of it all..."Inangat ko ang ulo nito at pinaharap siya sa akin. Ang lungkot-lungkot ng mga mata ng kapatid ko. Ang sakit makitang nagkakaganito siya, dahil sa ibang tao.
"The darkness inside you
Can make you feel so small...""Ngiti na, nandito na si Kuya." I said while tapping her head.
"Show me a smile then..."
Ngumiti ito nang kaunti, ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.
"Don't be unhappy
Can't remember when...""Sabay ka na, paborito nating kantahin 'to, 'di ba?" sabi ko.
Ngumiti ito at huminga nang malalim saka tumingin sa akin. "I last saw you laughing..." kanta nito.
"This world makes you crazy,
And you've taken all you can bear..."Nagkatinginan kami at parehas na ngumiti.
"Just call me up,
'cause I will always be there..." sabay naming pagkanta."And I see your true colors
Shining through...""I see your true colors,
And that's why I love you..."I kept on strumming and wait for my sister to sing...
"So don't be afraid to let them show
Your true colors..."Nagkatinginan kami ulit at sabay na ngumiti, "True colors are beautiful,
Like a rainbow..."Niyakap ako nito. "Thank you, Kuya..."
Niyakap ko naman ito pabalik. "I love you, bunso!"
"I love you, kuya!" ani nito.
"Aww, ang sweet naman ng mag-kuya!"
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...