TINA'S POV
Naririto ako sa salas namin ngayon at pinapanood ang comfort movie ko na Legally Blonde.
"Elle Woods, again?" tanong ni Kuya at tumabi sa akin. "Anong nangyari? May problema?"
Kilalang-kilala talaga niya ako. Madalas kasi kapag pinapanood ko ito, talagang stress ako. Elle Woods cheers me up all the time, she has this personality that can brighten my dark days, at nakikita ni Kuya 'yon.
"Stress lang." sabi ko. "Wala kayong practice ng banda ngayon?"
Umiling ito. "Iniiba mo na naman ang usapan, bunso. Anong meron? Nag-away kayo ni Alexis?"
"Sira! Hindi 'no?" napapailing na sabi ko. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Alam na ni Tata."
Bumaling ito sa akin. "Anong naging reaksyon niya?"
"Nagalit siya." sagot ko, pinunasan ko na agad ang luha nagbabadyang tumulo. "Kuya, masama ba akong tao? M-masama ba ako kasi inuna ko muna ang sarili ko noong mga panahong 'yon?"
Inakbayan ako ni Kuya at pinasandal ako sa balikat niya at doon ako mas lalong naiyak. "Ang sama-sama kong kaibigan, kuya..."
"Tama si Tata eh..." humihikbing sabi ko. "Hindi sana namatay si Akime, kung nasagot ko lang agad ang mga tawag niya noong gabing 'yon. Kuya, napaka-walang kwenta kong kaibigan!"
"Sssh, 'wag mong sabihin 'yan." sabi ni Kuya. "Mabuti kang kaibigan, okay? Nagkataon lang na noong mga panahong 'yon ay kailangan mo rin ang sarili mo. Celestine, makinig ka sa akin..."
Inangat ko ang mukha ko at tumingin sa kay Kuya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.
"Hindi natin pwedeng palaging unahin ang ibang tao, dahil hindi rin naman tayo palaging available. Alam kong alam ni Akime 'yon. Naiintindihan niya 'yon." malumanay na sabi ni Kuya. "Minsan kailangan din tayo ng sarili natin, kasi nauubos din tayo. Napapagod din tayo at kailangan din nating mag-recharge. Bunso..." pinunasan nito ang mga luha sa mata ko. "Don't put all the blame on yourself, just because you weren't there on Akime's side on that night. Doon ka lang pumalya, dahil kinailangan mo rin ang sarili mo noong mga panahong 'yon." Kuya said.
"You've been a very good friend to her and to her sister Athalia. Naiintindihan mo? 'Yong galit ni Athalia, lilipas din 'yan, sigurado ako. Kaya kumalma ka na, nandito si Kuya para sayo." tinitignan ako nito sa mga mata. "Always remember, putting yourself self isn't selfish; it's necessary."
Niyakap ako ni Kuya at niyakap ko rin ito pabalik. "Salamat nandyan ka, Kuya..."
He taps my head. "Of course, palagi. Kapatid kita eh."
***
Hapon na nang magising ako, matapos kong iyakan si Kuya ay dumiretso ako sa kwarto upang umidlip lang sana pero nagtuloy-tuloy pala ito.
Kinusot ko muna ang mga mata ko at agad na dinampot ang phone na nasa tabi ko.
Napairap na lamang ako nang makitang pangalan agad ni Alexis ang bumungad sa akin.
From: Alexis ♡
Hello po! Magandang tanghali.From: Alexis ♡
Ay? Hindi nag-rereply. Busy?From: Alexis ♡
Naka-dnd ka na naman ba, love? Hays.From: Alexis ♡
[You missed a call from Alexis]Tumawag pa ang kumag.
From: Alexis ♡
Anyways, baka tulog ka. Papaalam lang sana ako baka mamiss mo 'ko agad eh just kidding HAHAHAHA. Kung sakali mang 'di ako makapag-update mamaya o makapag-reply agad, nandito ako sa bahay nila Kuya Xander dito kami mag-didinner umuwi kasi sila Tito, magpapatulong sila sa pagluto.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Tajemnica / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...