ATHALIA'S POV
Tanghali na ako nagising mula sa hindi gaanong mahimbing na pagtulog, paniguradong late na ako at wala na akong magagawa roon.
Magmamadaling-araw na rin kasi, nang makauwi ako kagabi mula sa lugar na hindi ko mawari kung saan.
"Nagising na naman ako, sabing ayoko na nga!" reklamo ko sabay labas ng isang buntong-hininga at walang ganang bumangon.
Ginawa ko ang mga karaniwan kong ginagawa bago pumasok, saka ako bumaba.
Bago ako bumaba ay wala sa sariling napatingin ako sa kwarto ni Ate Akime.
Sinubukan kong buksan ito, dahil na rin siguro sa kuryosidad na bumabalot sa buong pagkatao ko. Pero, nang bubuksan ko na sana ay naka-lock pala ito.
"Bakit?" bulong ko.
Simula kasi noong araw na nawala si Ate ay hindi ko pa nasubukang pasukin ang kwarto niya, kaya ngayon ko lang napagtanto nakakandado pala ito.
Pero, bakit? Para saan?
Napailing na lamang ako habang nakakunot ang mga noo, saka ako bumaba.
Nang tuluyan na akong makababa ay bumungad sa akin si Mama na kasalukuyang nakatingin sa akin.
"Nak..."
Pinasadahan ko na lamang siya nang tingin at saka ako nag-dirediretso palabas ng bahay.
Hindi ko pa rin talaga siya magawang kausapin ngayon, ang lala lang talaga.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa bahay ay bumungad na agad sa akin ang ngiting-ngiti mukha ni Jojo. Too make everything's clear, ayos na kami ni Jojo at nagising ako nang dahil tunog nang tunog ang phone, dahil sa mga chats niya.
I explain everything to him except the fact that I had a huge breakdown last night and the reason of that. I just said napuyat ako kaya tinanghali ako ng gising, at syempre... nagpasundo na rin ako kahit nasa Benison na sya, he insist naman.
Going back...
"Saya mo naman!" ani ko.
"Syempre nakita na kita eh." pilyong sabi niya pa.
"Ulol, dugyot!" sagot ko at napairap.
Binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan niya, kaya agaran din akong sumakay.
"Larga na tayo?" tanong niya nang makasakay na rin.
"Ano pa nga ba?" walang ganang sagot ko.
Nagkaayos na kami ni Jojo halos noong isang araw, he explained everything to me. Bakit puro dugo ang damit niya noong araw na 'yon? Kung naglaro lang s'ya bakit may mga dugo sa damit n'ya? Ang sabi n'ya natamaan ng bola ang bibig ng ka-team n'ya at dumugo ito, and he was the one who help his team mate.
Don't judge me, alam ko...
Gaya nyo, I'm still not satisfied by his answer, pero sige oo na lang. Nang matapos ang lahat, sige na lang.
"Everything's fine?"
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang magsalita ang katabi ko.
Tinignan ko ito at tumango.
"You don't look fine..." ani nito.
"Then, stop looking." seryosong sagot ko.
"Hambog." bulong nito.
"Damn, you're just now finding that out?!" nakangising sabi ko.
"Eme ka, ayos ka lang ba talaga?" tanong na naman nito.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...