ATHALIA'S POV
Puyat akong pumasok sa Benison. Ang totoo nyan hindi ko nga rin alam kung nakatulog ba ako o nakapikit lang ako magdamag at inantay na lumiwanag.
May duty pa ako mamayang hapon, pero tinext naman ako ni Nanay Pasita na 'wag muna akong pumasok at pagpahingahin ko muna ang sarili ko dahil sa nangyari.
Kasalukuyan akong nakaupo sa bench ng Benison na napaliligiran ng mga puno. Wala akong kasama.
Hanggang ngayon hindi ko alam kung papaano ko i-pprocess sa utak ko ang mga narinig at nasaksihan ko kagabi.
Paano?! Bakit?! Putangina.
"Mr. Gomez..." bulong ko at napabuntong-hininga. "Paano mo nagagawa ang mga kababuyan na 'yon?!"
"Nakita mo?"
Napatigil ako sa pag-iisip at luminga-linga sa paligid ko para hanapin kung sino ang nagsalita.
Maya-maya lang ay nasa tabi ko na si Esang.
What the hell is she doing here?! Akala ko mag-isa lang ako.
Nakangiti ito ng kakaiba sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
She's really acting so weird, kaya bahagya akong lumayo.
"Nakita mo?" pag-uulit nito ng tanong.
"W-what do you mean?" tanong ko pabalik.
"Alam mo ang tinutukoy ko, Athalia. Nakita mo?" tanong pa nito habang nananatili pa rin ang kakaibang ngiti sa mga labi nito.
Is she pertaining to Mr. Gomez?
"You are scaring me, Melissa..." ani ko. "Ano bang sinasabi mo?"
Ngumisi ito. "You know what I'm saying, Athalia..."
Napakunot ang noo ko. Siraulo na ata 'to.
Tumayo ito't tumalikod. Maya-maya lang ay nagsimula na itong maglakad. Sandali pa'y tumigil ito sa paglalakad.
"Naroroon din ako. Nakita ko. Narinig ko. Sila. Siya." pahabol na sabi pa nito at tuluyan nang maglakad paalis.
Pinagpawisan ako ng malamig at kasabay noon ang pagkabog ng dibdib ko at ang paglabas ng mga sunod-sunod na tanong sa isipan ko.
Nakita niya rin ang alin? Narinig niya ang ano? Nasaan siya? Sinong siya? Sinong sila?
Anong alam niya?
Anong alam mo Melissa Aquino?!
"Tata!"
Agad kong hinanap ang mukha ni Rana. Alam kong siya 'yon, tining palang ng boses.
"Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap magsisimula na ang klase kay Mrs. Romualdez!" ani nito nang makarating sa harap ko. "Teka, sandali nga..."
Tumingin ito sa mga mata ko at agad naman akong nag-iwas tingin.
"Umiiyak ka ba?!" nag-aalalang tanong nito.
"Tangina, sige. Isigaw mo pa!" inis na sabi ko.
"Ay hehe, sorry. Pero, bakit? Anong nangyari? Sinong umaway sayo? Pepektusan ko nang malutong!" sabi pa nito.
"Hay nako, tumigil ka na. Tara na sa room at baka madakdakan pa tayo ni Mrs. Romualdez." sabi ko na lang, masyado bang obvious na ayaw kong sagutin ang tanong?
"Hmp, okay. Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo Tata, bakit ka kasi r'yan dumaan?" biro nito at agad ko namang sinamaan ng tingin. "Biro lang, ito naman galit agad eh. Kung ano man 'yang dinadala mo, always remember na kaya mo 'yan. Alam ko kaya mo. Okie? Kung masyado nang mabigat, pwedeng-pwede mo ipabuhat nang pansamantala sa amin ni Jojo 'yan!"
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...