ATHALIA'S POV
Ala-una ng hapon nang mapag-desisyunan naming pumunta sa lugar kung saang pinaghinalaang nagpatiwakal si Aimee– isa ring Journalist.
Nang makarating na kami roon ay agad akong nakaramdam ng kaba't bigat, nagsimula na ring akong pagpawisan ng malamig.
Ang lugar na 'to...
Ito ang lugar kung saan ginahasa at pinatay ang Ate ko!
"Athalia, are you okay?" ani ni Ate Tina, at hinawakan ang kamay ko. "Nanlalamig ka, gusto mo bang umalis muna tayo sa lugar na 'to?"
Agad akong umiling. "I-i'm okay, Ate..."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, dahil na rin sa ambience nitong lugar na kinatatayuan namin. Naririto kasi kami sa hallway ng abandonadong building ng Benison. Ilang taon o dekada na nga ata ang nakalilipas noong huling nagamit ang mga rooms dito. Mapapansin mo rin ang mga ceiling na nakabuka na't tila inaanay na, ang mga boards na kumukupas na ang mga pintura, at ang mga sira-sirang upuan na ani mo'y kapag umupo ka ay mangangati ka, dahil sa mga surot na namamahay dito.
Madilim din talaga ang paligid, dahil nga sa pundido na rin ang mga ilaw sa bawat silid dito. Dumagdag pa ang kapal ng alikabok sa paligid, kung ilalarawan ko man ang lugar kung nasaan kami ngayon ay masasabi kong tila isa kami sa mga karakter sa isang horror film.
Hindi ko alam, kung saan banda ginawa nang kung sino man ang pambababoy sa Ate ko, wala ako sa sarili ko noong mga oras na nalaman kong wala na siya. Ang alam ko lang, ito rin ang lugar na 'yon... at ang nangyari kay Aimee ngayon? May part sa akin na hindi naniniwalang tinapos niya nga ang buhay niya, ni wala man lang kasi siyang iniwang suicide note para sa mga mahal niya sa buhay.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang bangkay ni Aimee na nilalabas mula sa isang silid. Kagaya nang inaasahan, agad na umingay ang kaninang napakatahimik na paligid; sari-saring komento mula sa napakaraming tao ang maririnig sa lugar na ito. Ang ilan naman sa mga kaibigan at kaklase ni Aimee ay nagsisimula nang mag-iyakan.
"Hindi parin nag-sisink in sa isip ko na wala na ang isa sa pinaka-gullible na tao sa club natin..." nanlulumong ani ni Ate Ara. "Bakit kaya niya nagawang tapusin ang buhay niya?"
"Not all scars are visible..."
Agad kaming napalingon kay Ate Tina, nang bigla itong nag-salita.
"Some of us are hiding those scars by our smile. Kung totoo mang nag-suicide nga si Aimee, siguro isa siya sa mga taong tinutukoy ko; tinatago 'yong sakit at pighati, sa simpleng pag-ngiti." dagdag pa ni Ate Tina.
"Deep..." komento naman ni Kuya Alexis.
"Talagang malalim." dagdag ko. "Malalim, masakit, at mabigat. Sobrang sakit mawalan."
Ramdam kong nakatingin ang mga naaawa nilang mata sa akin, kaya naman agad akong tumalikod at naglakad papalayo sa lugar na 'yon, at kasabay nang paglalakad ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa talaga pinipigilan.
Naglakad lang ako nang naglakad, hanggang sa madatnan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa harap ng Field ng Benison.
"Tangina, Tata. Gusto lang naman kitang samahang mag-muni-muni, bakit naman pinatatakbo mo ako?"
Agad akong napalingon sa likuran ko, at agad namang bumungad sa akin ang pawisang si Joseph.
"Sino ba kasing nag-sabing sumunod ka?!" inis na ani ko, at inihagis sa kanya ang bimpong dala ko, saka umupo sa damuhan.
"Galing ako sa Hallway ng abandonadong building dito sa Benison. Alam kong didiretso kayo roon, kaya sumunod na lang din ako agad after ng game namin." kwento nito, saka ako tinabihan. "Eh, ang kaso pagdating ko roon, sila Kuya Alexis na lang naman na ang nandoon. I asked them kung nasaan ka, ang sabi nila umalis ka na lang bigla."
Tumango-tango ako. "Haba naman ng sagot mo, tinatanong ko lang naman kung sino ang nag-sabi sayong sundan mo ako."
"Baka kasi mag-overthink ka, isipin mo pa na pinagpalit kita." nakangising ani nito.
Agad namang napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Pake ko sayong hayop ka?!"
"Aray ko naman po!" ani pa nito, at humawak pa sa dibdib at umaktong ani mo'y nasasaktan.
Napapailing na lang ako habang tumatawa sa ginagawa niya.
Tumigil siya sa pag-iinarte niya. at saka ako tinitigan. "Ayan, mas maganda ka kapag tumatawa ka!"
Napairap ako sa sinabi niya. "Corny mo, 'no?"
"Hirap mo talagang pakiligin, bwisit ka!" napapailing na sabi nito, saka tumawa't tumayo.
Sa pagtayo niya ay doon ko lang napansin na napakarumi pala ng kulay puting damit nito, may mga mantsa pa na kung tititigan mo ay parang dugo.
"Jojo..." tawag ko rito.
"Hmm?" agad namang sagot nito, habang nakangiti parin.
"Saan ka ba nag-laro, at bakit parang may mga talsik ka ng dugo sa damit mo?" dire-diretsong tanong ko rito.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nito, at agad na napalitan ito ng reaksyon niyang tila ba kinakabahan.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Gizem / GerilimMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...