CHAPTER 6

16 1 0
                                    

TINA'S POV

Katatapos lang ng klase namin, at naririto ako ngayon sa labas ng gymnasium ng Benison.

This Gymnasium or the outside part of this Gymnasium serves as our tambayan, buhay pa si Kime ay dito na talaga kami tumatambay, katapat lang kasi nito ang Campus ng Benison, kaunting lakad lang ay makakarating ka na. Gustong-gusto rin naming tambayan ito, dahil bukod sa makakasilong kami rito everytime na super init o kaya naman ay umuulan, presko rin talaga rito at kakaunti lang ang pumupunta.

One more thing, katapat din pala ng Gymnasium ang ang People's Park ng bayang ito. Kaya naman kung sakaling maburyo kami katatambay sa Gymnasium ay malaya kaming makakadiretso agad sa Park.

Kasama ko sina Alexis, at ang dalawang magpinsan na transferee. Bumili lang sila saglit ng merienda sa mga vendor na nagtitinda ng street foods sa labas, kaya naiwan akong mag-isa rito kaharap ang laptop ko.

Tahimik ang paligid, kaya malaya akong makapag-isip, malaya ko ring naigagala ang mga mata ko para obserbahan ang mga tao, ang mga pagbabago, at ang mga kaganapan sa paligid ko.

Noong una, wala namang kakaiba. Wala namang kahit na anong pumukas sa atensyon ko, ganoon parin naman ang mga nakikita ko; mga batang masayang naglalaro at mga estudyante nag-aaral ng sayaw.

Maya-maya lang ay may napadaan sa harap ko na isang dalaga na may bitbit na isang malaking itim na basket na may takip na plastic cover na nakaipit sa sipit, kung mag-babase ako sa appearance niya ay masasabi kong nasa 14 to 15 years old palang ito.

Huminto sa harap ko, kaya muli akong napatingin sa kaniya.

"Ate, bili na po kayo!" pag-aalok nito sa akin.

"Ano ba 'yang tinda mo?" tanong ko rito.

Ipinakita nito sa akin ang mga tinda nito, may tinda siyang; banana que, kamote que, at turon.

Umupo ito sa tabi ko, at saglit ko itong tinignan. Pawis na pawis siya at mukhang pagod na pagod na, mukhang antok na antok na rin ang mga mata nito.

Nag-aaral pa kaya siya?

"Sige, ading. Bigyan mo 'ko ng tig-aapat sa mga tinda mo!" nakangiting sabi ko, agad namang gumuhit tuwa sa mukha nito.

"Talaga po, ate?" hindi makapaniwalang tanong nito na agad ko namang tinanguan.

Sa totoo n'yan, busog pa talaga ako. Hindi ko rin naman hilig mag-merienda, napansin ko kasi na pagod na pagod na siya, pero baka kailangan niya pang ipaubos ang mga ito bago siya umuwi... kaya naisipan kong bumili, at bilhan na rin sila Alexis.

"Bakit po pala ang dami niyong binili?" tanong nito habang pinapack ang mga binili ko.

"May tatlo kasi akong kasama rito, naiwan lang ako saglit dito, dahil bumili rin sila ng merienda namin." sagot ko. "Ahm, ading..."

Lumingon ito sa akin. "Po?"

"Ano palang pangalan mo?" nakangiting tanong ko.

"Ahm, Vanessa po. Pero, tawagin nyo na lang po akong Baneng!" masayang sagot nito. "Kayo po, ate? Ano pong pangalan niyo?"

"Celestine, but you can call me Ate Tina!" sagot ko. Inilahad ko ang palad ko sa kanya. "Nice to meet you, Baneng!"

Inabot naman niya ang kamay ko at nag-shake hands kami. "Nice to meet you, ate!"

Nang matapos niyang isupot ang mga binili ko ay agad niyang iniabot sa akin, saka ko siya binayaran.

"Salamat po, ate!" ani nito na nginitian ko lang.

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon