TINA'S POV
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Alexis. "Baka dalhin mo 'ko sa SOGO ha, hindi ko pa kayang isuko ang bataan."
"Tanga! Kadiri 'to." ani ko. "Nasaan pala si Ara?"
Nakauwi na si Emon at natira kami ni Alexis dito sa gymnasium, inaayos na lang namin ang mga kalat namin at maya-maya lang ay aalis na rin kami.
"Wala, sinumpong ng LBM kanina. Ayun! Umuwi agad." natatawang sabi nito. "Alam mo pansin ko lang napapalit 'yan si Ara kay Hanoi eh. Feeling ko nga sila na eh."
"Heck, no! Ireto mo na sa lahat ng lalaki si Ara o kahit sa babae pa 'yan, 'wag lang kay Hanoi!" iritang sabi ko.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Alexis.
"Manyakis 'yon eh!" sabi ko. "Hindi pa ba nakakarating sayo?"
Umiling ito. "Huling kita ko sa kanya, may bangas siya. Ano bang nangyari?"
"Binangasan siya ni Roniel. Hinipuan ba naman 'yong freshmen student, tarantado!" napapailing na sabi ko. "Kaya no no no talaga sa kanya."
Natawa si Alexis at napailing. "Fine, no no no na sa kanya!"
"Murit!" natatawang sabi ko. "Alexis, sorry pala at hindi ako nag-reply sa mga messages mo kagabi."
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. "No worries, naiintindihan ko. Nakatulog ka?"
Umiling ako. "I was with Roniel and Kuya last night..."
Kumunot ang noo nito. "Saan kayo pumunta?"
"Sa abandonadong building, kasama namin si Reign at ang mga kaibigan ni Roniel na vloggers. Sila Sandro." sabi ko.
"Sandro? D' Adventures of Sandro?" tanong nito at tinanguan ko. "Sila 'yong sikat na content creator sa youtube na kadalasan sa mga content nila ay mga paranormal investigations, bakit mo sila kasama? Don't tell me..."
Tumango ako. "Nag-conduct kayo ng paranormal investigation doon kagabi?!" gulat na sabi nito.
"Yes, yes. We conduct a paranormal investigation last night, hindi na kita nasabihan kasi baka sumunod ka pa. I know you're tired, ayaw ko nang dumagdag pa." I said.
"Tina, you've never been a burden to me." Alexis said. "But, I understand. You don't have to say sorry."
"Promise, 'di ka galit?" paninigurado ko pa.
"Promise." sabi nito at ngumiti. "So, anong natagpuan niyo kagabi?"
Lumingon-lingon ako sa paligid. "Sa sasakyan tayo."
Tumango ito at inalalayan akong tumayo, agad kaming naglakad pabalik sa Benison upang puntahan ang sasakyan niya.
Nang makarating kami roon ay agad kong nakita si Esang, nakangiti ito at nagsasalita mag-isa habang naglalakad.
Sumakay agad kami sa sasakyan ni Alexis. "Sundan mo si Esang." sabi ko.
Kumunot ang noo nito. "Why? Anong meron kay Esang?"
Kinuha ko ang phone ko sa tote bag ko at agad na pinarinig sa kanya ang voice record mula kay Roniel.
"Tama na, maawa ka sa akin please! Ano bang ginawa ko sayo?"
"Patawad, napag-utusan lang ako."
"B-baril ba 'yan?!"
"Wag. Nagmamakaawa ako, 'wag mo 'kong papatayin. Kailangan pa ako ng kapatid ko-"
*gunshots*
"Ay, putangina!" ani nito. "Yung kausap ni Akime r'yan si..."
"Si Esang." sabi ko. "Siya nga."
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...