ATHALIA'S POV
Naririto kami ngayon sa loob ng THE JOURN, kasama ko sina Ate Tina at ang iba pang miyembro ng THE JOURN. Ilang araw na rin simula nung naghanap kami ng bagong magiging miyembro ng aming club at magpahanggang ngayon ay wala pa rin kaming nahahanap.
"Ang sketchy ah?" sabi ni Ate Ara kaya napalingon kami ritong tatlo.
"Bakit?" tanong naman ni Kuya Alexis.
"Wala lang." sabi ni Ate Ara. "Hindi niyo ba napapansin? Halos lahat ng nag-aapply sa atin... namamatay?"
"Namamatay?" kunot-noo namang tanong ni Ate Tina. "Si Castañeda pa lang naman ang nag-apply sa atin na na-deds ah? May iba pa ba?"
"Si Shona Comparativo." singit ko. "She's one of our applicants. Pero, hindi pa naman confirmed na wala na siya ah? May kumpirmasyon na ba Ate Ara?"
Natigilan ito. "W-wala pa. Wala pa naman. Pero, who knows 'di ba? Alangan bigla na lang siyang mawawala?"
"Pwede rin naman, malay mo nagtanan sila ng boyfriend niya. Ikaw, Arabella pinapatay mo agad!" napapailing na sabi ni Kuya Alexis.
"Pero, nakakita ka ng dila sa loob ng old building, 'di ba Ate Tina?" tanong ko na tinanguan niya. "Paano kung kay Shona 'yon?"
Nagkatinginan kaming apat.
"Hay nako! Calm down, ladies..." malumanay na sabi ni Kuya Alexis. "Let's hope for the better na lang, kung nasaan man si Shona ngayon sana nasa mabuti siyang kalagayan."
Tumango-tango kaming apat.
Sana nga...
"Sila Emon ba?" pag-cchange topic ni Kuya Alexis. "Ayaw ba nilang subukan dito?"
Napaisip si Ate Tina. "Subukan ko silang tanungin nyan, thank you sa idea!"
"No problem!" sabi naman ni Kuya Alexis.
"Anong oras na pala?" tanong ni Kuya Alexis kay Ate Ara. "May klase pa tayo ng 10:30."
"Bushit ka, ang kalma mo pa magtanong ha?! 10:25 na." inis na sabi ni Ate Ara. "Hindi mo sinabi agad."
"Mag-sesecond sem na, hindi mo pa rin ba kabisado ang sched natin, babae?" natatawang sabi ni Kuya Alexis saka bumaling sa aming dalawa ni Ate Tina. "Osya, mauuna muna kami ha? Balikan namin kayo mamaya."
Tinanguan na lang namin silang dalawa at tuluyan na nga silang umalis sa loob ng office.
Nang tuluyan na silang makaalis ay agad ko namang nilapit si Ate Tina upang itanong ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko kagabi pa.
"Nakakagulat ka naman!" natatawang sabi ni Ate Tina.
"Ate, totoo ba?" agad na tanong ko. "Nakita mo si Ate Kime?"
Napabuntong-hininga ito at unti-unting tumango. Kinilabutan ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
"P-paano? May third eye ka, ate?" tanong ko.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Siguro?"
Huminga ako nang malalim. "Noong nakita mo siya, anong itsura niya? Kumusta siya? Masaya na ba siya?"
"Galit siya." diretsong sagot ni Ate Tina. "Galit na galit siya."
Napakunot ang noo ko at hinintay ang susunod nitong sasabihin.
"Bago mangyari 'yon nagsimula munang tumugtog ang kanta ng paborito niyang banda..." panimula nito. "At maniwala ka't sa hindi inapproach niya talaga ako. Kinausap niya ako. Nilapitan."
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...