ATHALIA'S POV
Usap-usapan ang blind item na pinost ni Ate Tina sa kanyang blog spot kagabi. Lalo na ang huling statement niya na talagang tumatak sa isipan ng mga taga-Benison, "Baboy ka. Binaboy mo sila." paniguradong iniisip na nila kung sino nga ba ang tinutukoy niya roon.
Hay nako, ang kaibigan mo Akime pinagsasabihan ako na 'wag padalos-dalos tapos siya ngayon 'tong... ewan ko na lang talaga sa inyong mag-kaibigan.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Dean's Office ng College of Arts and Social Sciences, dahil gaya nga ng sabi ni Ate Tina naroroon na raw si Kuya TJ mukhang desidido na nga talaga siya na pagbayarin si Gomez sa mga kababuyang pinaggagawa niya. Salamat naman at nakubinsi namin siya.
Ngayon ay naririto na ako sa harapan ng Dean's Office, akmang kakatok na ako nang bumukas ang pintuan, at bumungad sa akin ang babaeng nakasalamin at naka-formal attire at nasa mid 30's or 40's ang edad.
Ito ba ang Dean nila sa CASS?
"How may I help you?" tanong nito sa akin.
"Ahm, I'm Athalia Ysabella Corpuz po. Nag-text po sa akin si Ate Celestine pinapupunta po ako rito." I said.
"Okay. So, sister ka ni Akime?" she asked and I immediately nodded. "I'm Shantal Gavina, the Dean of College of Arts and Social Sciences."
Siya nga.
"Pwede ka nang pumasok sa loob, may kukunin lang ako sandali." she said. "Nice to meet you Ms. Athalia."
"Nice to meet you rin po." I said while smiling.
Gaya ng sabi ni Dean Gavina ay agad na akong pumasok sa kanyang office, agad din naman akong nakita nila Ate Tina.
"Nandito ka na pala, nakasalubong mo si Dean?" tanong ni Ate Tina na tinanguan ko. "What did she say?"
Umupo ako sa tabi ni Ate Tina samantalang katapat naman namin si Kuya TJ.
"May kukunin lang daw siya." I answered. Bumaling ako kay Kuya TJ. "Desidido ka na talaga?"
Tumango ito. "Tama kayo. Ako... kami ang naagrabyado. Kami ang nababoy. Kung may dapat mang matakot dito ay siya 'yon."
"That's the spirit!" Ate Tina said.
Maya-maya lang ay bumalik na si Dean Gavina sa kung saan siya nanggaling, umupo ito at nakangiting bumaling sa amin.
"So, before anything else, welcome back Mr. Albarina?" masayang sabi nito. "It's been a while, what brings you here? Anong kailangan kong malaman mga binibini at ginoo?"
"It's about Mr. Gomez, Dean Gavina..." Ate Tina started.
Napakunot ang noo ni Dean Gavina. "What about Mr. Gomez?"
Napatingin kami kay Kuya TJ na ngayon ay mukhang pinagpapawisan na ng malamig nang dahil sa kaba.
"Speak up, TJ." Ate Tina said. "Kasama mo kami."
Kuya TJ gasp. "The reason why I suddenly stopped Dean Gavina is because..."
Isinalaysay ni Kuya TJ ang mga ginawa sa kanya ni Gomez, at maging ang Dean ng departamentong ito ay hindi makapaniwala sa naririnig.
I secretly delete the voice record on my phone, akala ko kasi hindi magsasalita si Kuya TJ. I was about to speak up for him, but just like what Ate Tina said mali na magpabasta-basta na lang ako.
Mabuti na lang at hindi ko tinuloy 'yon, maling-mali...
Hindi na napigilang umiyak ni Kuya TJ. He's really traumatized, and I feel really-really sorry for him because he needs to face those things and hardships alone.
![](https://img.wattpad.com/cover/342590316-288-k826504.jpg)
BINABASA MO ANG
The Death Wish of Akime
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kanyang ginagalawa...