TINA'S POV
We're on our way to Tata's house. It's been a long and tiring day for the two of us, nararamdaman ko na rin ang gutom na kanina lang ay 'di ko madama dahil sa sobrang pagod; tanging ang kape lang na tinimpla ni TJ para sa amin kanina ang laman ng sikmura ko, maya-maya lang ay susumpungin na naman ang acid ko panigurado.
Napatingin ako sa katabi kong si Tata na kanina pa nakatulala. Hindi ko mawari'y kung inaantok ba siya o iniisip niya pa rin ang katanungan niyang hindi nasagot ni TJ kanina.
"Tahimik ka? Inaantok ka na ba?" pambabasag ko sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.
"No, ate. May iniisip lang ako." she answered.
I knew it...
"You can't just conclude, Tata. TJ might know something about your Ate, but you can't force him to talk..." I said. "I know TJ more than you do, magsasalita siya whenever his ready."
"Pero, ate-"
"Biktima rin siya." pagputol ko sa sinasabi niya. "It might be awkward for him to answer those kinds of questions, naiintindihan mo? May tamang oras para magtanong, Tata. 'Wag kang pabigla-bigla. Be considerate and sensitive."
Tumango-tango si Tata. "I understand, ate. I'm sorry."
"Tata..." I said. "Makukuha rin natin ang hustisya para kay Akime."
Nginitian ako nito. "Sana nga, ate. Sana nga."
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay nila.
"Salamat, ate. Mag-iingat kayo!" ani nito bago lumabas ng sasakyan.
Sandali ko pa 'tong inantay na makapasok sa bahay nila saka ko pinaandar ang sasakyan ko, agad ko rin namang nakita ang sasakyan ni Alexis na nakasunod pa rin sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-dadrive nang may tumawag bigla sa phone ko, I don't have time to check kung sino ba 'yon kaya sinagot ko na lang.
"Hello?"
[Kain muna tayo bago ka umuwi...]
It's Alexis. Hindi na ako hinayaan nitong sumagot pa at binabaan na agad ako. Bastos talaga.
Labag man sa kalooban ko pero naririto na ako. Naririto na ako sa harap ng isang fast food restaurant na may estatwang bubuyog. You know what I mean.
"Tinablan ka rin ng gutom, 'no?"
Halos mapabalikwas ako sa pagkakatayo nang biglang sumulpot sa tabi ko si Alexis.
"Wag mo 'kong kausapin!" iritang sabi ko at nauna nang pumasok sa loob.
Maya-maya lang ay naramdaman ko na namang nakasunod 'to sa akin. Ano pa nga ba?
"Maupo ako na roon, ako na bahala!" sabi nito. Tinaasan ko 'to ng kilay. "My treat."
"I can pay." pagtataray ko pa.
"Tina..." malumanay na sabi nito. "Maupo ka na, ako na."
Napairap na lang ako at naghanap ng bakanteng upuan para syempre upuan.
Maya-maya lang ay dumating na si Alexis dala-dala ang mga inorder niya para sa amin.
"Thank You!" I said.
"No worries!" sagot naman nito at kumindat pa.
"Whatever, Mr. Alexis." pagtataray ko saka sinimulang kumain.
"Are you still mad?" seryosong tanong na dineadma ko lang. "Look, Celestine. I'm sorry, okay?"
"I'm not mad, Alexis. I'm just disappointed sa narinig ko mula sayo kanina." seryosong sabi ko. "I didn't expect to hear those words from you."
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...