[Warning: This chapter may contains matured content. Read at your own risk!]
TINA'S POV
From: Alexis ♡
Good evening, love. I'm at Kyla's debut, Tata's sister is also here. The music is too loud, uuwi na rin ako mamaya after ko mag-dinner. Kain na rin ikaw, ha? I love you!Matapos kong basahin ang message ni Alexis ay agad ko nang pinaandar ang sasakyan ko papunta sa Liwayway Building.
"I'm sorry Alexis, I had to broke my promise. Akime needs justice." bulong ko.
It's Saturday evening, and as Alexis said, he was at Kyla's debut, and despite the fact that na gusto kong magpasama sa kanya pumunta sa Liwayway Building ngayon, I had to go alone. I don't want to ruin his night; he deserves to have fun, and I don't want to be a burden to him as well. Kahit naman sabihin niya na never akong naging pabigat sa kanya, but I don't want to be the reason why he can't enjoy living. Lagi na lang ako ang iniisip niya.
Nasa daan ako ngayon papunta sa Liwayway Building nang biglang mahagip ng mata ko si Esang at kasabay no'n ang pagtunog ng phone ko.
*beep*
From: Unknown
Makulit ka talaga, Tina. Naaakit ka na bang samahan ang kaibigan mong si Akime sa langit? HAHAHAHAHAHA.Maya-maya lang ay tumunog na naman ito.
*beep*
From: Unknown
Ginusto mo 'to, Tina. Nakita mo na ako, 'di ba? Sumunod ka na, alam kong kating-kati ka nang malaman ang mga nalalaman ko."Putangina?!" gulat na sabi ko. "All these time si Esang ang nag-tetext sa amin ni Tata?!"
Mariin kong niliko ang sasakyan ko papunta sa dinadaan ni Esang hanggang sa makarating ako sa isang barong-barong na bahay kung saan siya pumasok.
Pabalibag kong isinarado ang pinto ng sasakyan ko pagkababa ko. Hindi na ako nag-dalawang isip na pasukin ang bahay na pinasukan ni Esang.
Pagkapasok na pagkapasok ay tumambad sa akin ang mga litrato ni Alexis na nakadikit sa dingding. Mayroon pang picture nila na naka-collage.
Tanginang 'to, obsessed.
Napatingin din ako sa isang picture frame na may nakalagay na litrato niya kasama ang lalaking maskuladong lalaki na maraming tattoo at long hair. Tatay niya ata.
"So, you're here! Desidido ka talagang ipahamak ang buhay mo ha?"
Agad akong tumingin sa maliit na kwarto kung saan siya nanggaling.
Lumapit ito sa akin at may dala-dala itong balisong, pinaikot-ikot niya pa ito sa kamay niya. "Oo, ako ang nag-tetext ng mga babala sa inyo. Ako nag-paakyat sayo sa rooftop. Ako ang nagpapatigil sa inyo ni Athalia na mangialam at kumilos na parang hindi pinag-iisipan."
"Bakit? Natatakot ka ba na malaman ng lahat ng tao na all these time ikaw lang pala ang pumatay kay Akime?" nagtatakang tanong ko.
Gumuhit ang kaba at gulat sa mukha nito. "H-hindi. Hindi ako ang pumatay sa kanya."
"Ulol ka!" ani ko. "Akala mo hindi ko alam? Akala mo walang nakakaalam?" sabi ko at inilabas ang phone ko.
Agad kong pinindot ang play button at agad namang tumugtog ang voice record na mula kay Roniel.
"Tama na, maawa ka sa akin please! Ano bang ginawa ko sayo?"
"Patawad, napag-utusan lang ako."
"B-baril ba 'yan?!"
"Wag. Nagmamakaawa ako, 'wag mo 'kong papatayin. Kailangan pa ako ng kapatid ko-"
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...