ATHALIA'S POV
"So, hindi nagalaw ni Gomez si Ate?" paninigurado ko.
Umiling si Chief Andaya, naririto kami sa harapan ng Karinderya ni Nanay sinabihan ko siya kung nasaan ako at pupuntahan niya raw ako.
"Hindi." sagot ni Chief Andaya. "Nagsagawa rin kami ng test at negative ang sinasabi nito. Hindi siya ang gumalaw sa Ate mo."
Napakunot ang noo ko. "Eh sino?!"
Nagkibit-balikat ito. "Hindi pa namin alam. May kakilala ka bang naging boyfriend ng Ate mo o nakaka-date?"
Si Jojo...
"Susubukan kong magtanong sa mga kaibigan niya, babalitaan ko kayo agad." sabi ko. "Salamat po!"
Tumango ito. "Walang anuman."
Nang makaalis na si Chief Andaya ay agad kong kinuha ang phone ko't nag-simulang mag-type ng message para kay Ate Tina.
To: Ate Tina
Hindi ginalaw ni Gomez si Ate Akime. Nagtatanong ngayon si Chief Andaya kung may kakilala raw ba akong naging boyfriend o nakaka-date ni Ate noong nabubuhay pa siya.Ilang sandali lang ay nag-reply na ito.
From: Ate Tina
You really need to find Akime's phone, Tata. Sigurado akong may messages doon na maaaring makatulong sayong malutas ang kaso ng Ate mo.TINA'S POV
Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay nila Reign nang makasalubong namin si Aliana na suot-suot ang SHS uniform ng Benison. Nag-transfer na siya rito?
"Kuya Alexis!" bati nito.
"Uy, hi!" sabi ng katabi ko. "Nag-transfer ka na rito?"
Tumango ito. "Nauna na bang umuwi si Athalia? Hindi ko na kasi siya nakita simula nung last subject namin eh."
"May work siya." sagot ko. "So, how's your first day here?"
"Masaya naman, may mga kaibigan na rin ako kaso nauna na silang umuwi eh. Lonely na naman tuloy ako rito." sabi nito. Maya-maya pa'y bumaling na naman ito kay Alexis. "Huy, kuya! Hindi mo pa inaaccept friend request ko ha?!"
Napakunot ang noo ko't napatingin agad kay Alexis. She like Alexis that much, huh?
"I-aaccept ka niya mamaya, sigurado ako r'yan." sagot ko at agad namang lumiwanag ang mukha nito. "Saan pala punta mo nyan? Uuwi ka na?"
"Pwede bang sumama sa inyo? Tinatamad pa kasi akong umuwi eh." sabi naman nito.
Agad akong napatingin kay Reign, mukhang nauubos na ang social battery na siya dahil sa pagiging energetic ni Aliana kahit hindi naman siya ang kinakausap nito.
"Uhm..." panimula ko.
"Please?" pagmamakaawa pa nito.
Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Alexis. "Pasensya na Aliana, may mahalaga kasi kaming aasikasuhin eh."
"Next time na lang?" ani nito.
"Uh... sure!" I said. "Ihatid mo muna kaya si Aliana sa bahay nila, Alexis?"
Agad naman akong pinanlakihan ng mata ni Alexis at maya-maya lang ay inirapan ako nito. Napailing na lang ako sa inasta nito, dahil mukha siyang batang nag-iinarte.
"Come on! Delikado ang bawat paligid ng Benison ngayon, baka mapaano pa siya." I said.
Napailing ito. "Fine, dumiretso ka na kila Reign. Susunod ako. Mag-iingat ha?"
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Gizem / GerilimMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...